Chapter 6

2.7K 53 0
                                    

Harper Olivarez' POV



Napaayos ako ng gamit ko ng matapos ang klase at napatingin kay Nix sa likod kaso wala na siya.



Hala saan siya nagpunta?



**RING RING**



Nagulantang ako ng mag ring ang phone na nasa bag ko at pagtingin ko, cellphone ni Nix.



Sinagot ko yun.



"Hello?"


[Hey. Meet me at the Cafe now.]


Nainis ako bigla "Bakit ba kase hindi mo nalang kinuha kanina?"



Nagkita naman kame pero hindi niya ako pinapansin tapos ngayon kukunin niya saken?



[I'm here at the Cafe De Regina. See you Harp!] masaya niyang sabe dahil halata yun sa boses niya.



"Hindi ako pwede dahil--Hello? Nix? Hello!" galit akong napatingin sa phone niya at pinatay na niya!



NAKAKAINIS TALAGA SIYA! Porket may itsura siya ang lakas ng loob niya utusan ako!



Naglakad na ako papunta sa Cafe dahil malapit lang naman yun sa Review Center namen.



Agad ko siyang nakita sa may glass wall na tahimik at supladong nakaupo sa gilid na mesa habang pinagtitinginan ng iba.



Hindi ko alam pero...hindi muna ako gumalaw at tinitigan ko muna siya. Meron siyang something na nakakaattract sa babae.



Matangkad, moreno at athletic ang katawan. May magandang buhok, may mapungay na mata at matangos na ilong. May broad jaws na gustong gusto ng lahat.



He's perfect.



The moment na nakita ko siya sa loob ng kotse niya at duguan, aamin ko kinabahan ako ng sobra. Sobrang ganda ng mata niya nun habang nakatingin saken at hindi ko alam pero gustong gusto ko siya titigan.



He reminds me of Gray Jimenez in some way and the good thing about him is....mukha siyang good boy at sweet hindi tulad ni Gray na maangas.



All my life, simula ng makita ko si Gray na kumarera, I fell inlove with him. Isa ako sa mga fan girls na inlove na inlove sa kanya. I'm devoted to him kahit na alam kong sila na ni Venice. Umaasa ako na magbebreak din sila kagaya ng iba at mapapansin niya ako.



NEVER pa akong naattract sa iba, hanggang dumating ang punto na nagkagusto ako kay Nix.



Napahinga ako ng sobrang lalim ng mapatingin siya saken. Agad siyang napangiti dahilan para kabahan ako. Halos natulala ako.




He's....cute.



Dahan dahan akong naglakad palapit sa may Cafe at nung mahawakan ko na ang pinto....




*BANG!*




"HARPER!!!!!!!"



Nanigas ako at feeling ko nanlamig ang buo kong katawan. Nanlalaki ang mata ko ng mapatingin ako sa glass door ng Cafe na basag dahil sa bala ng baril. Kung gumalaw ako nun, nabaril na siguro ang ulo ko.



Hindi ako makagalaw dahil feeling ko pag gumalaw ako, mamamatay ako.



"HARP!" sigaw ni Nix at nasa harap ko na siya.



Tiningnan ko lang siya at nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko "Ayos ka lang?" nag aalala lang niyang tanung.



Kitang kita ko sa mata niya ang takot kasama ng mga tao na nagpapanic palabas ng Cafe pero hindi pa rin ako gumagalaw.



"Harper..." malambing niyang sabe at niyakap ako "Don't worry. Nandito na ako. Wag ka na matakot..." bulong niya at hindi ko alam kung bakit...



...niyakap ko siya ng sobrang higpit at naiyak na ako. Sobra akong natatakot at parang lalabas na ang puso ko sa takot na baka anytime ulo ko na ang mabaril.



Naramdaman kong kinuha niya ulit ang kamay ko at mahigpit na hinawakan yun...




"Don't cry...I'm here..." sabe niya at sa unang beses sa buhay ko...



Tumibok ng sobrang bilis ang puso ko dahil sa isang lalaki bukod kay Gray Jimenez.

Secret MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon