Chapter 10

2.3K 46 0
                                    

Harper Olivarez' POV



Napamulat ako ng mata ko ng may marinig akong kaluskos. Napayakap ako sa katabi ako kaso wala na pala siya.



Agad akong nagpanic at napaupo. Nagulat ako ng makita ko si Nix na naghahalungkat sa drawer ko.



"Nix.." tawag ko sa kanya.



Mabilis siyang napatingin saken at ngumiti "Hey.." bati niya.



Bakit niya hinahalungkat ang mga gamit ko?



"Anong ginagawa mo?" nagtataka kong tanung at napatingin ako sa hawak niyang folder.



Napakamot siya sa ulo niya at tumawa "Surprise?" naglakad siya palapit saken at umupo sa kama "Gagawa sana kita ng reviewer kaya hinahanap ko yung mga Libro mo kaso eto ang nakita ko." napatingin siya sa folder at inabot yun saken.



Pilit akong ngumiti "It's from my Dad. Hindi ko pa ito binubuksan kaya hindi ko alam ang nasa loob." wala lang na sabe ko.



Tumungo siya "Baka listahan ng mga pamana niya sayo." natatawa niyang sabe kaya natawa din ako.



"Hindi ko alam pero..." tiningnan ko siya "Pero sana...hindi." sabe ko.



Tiningnan lang niya ako at niyakap palapit sa kanya.



"Ayaw mo yumaman?" pagbibiro niya.



Napangiti ako "Ayaw. All I need is my Dad."



Tiningnan ko siya at pilit lang siya ngumiti "Wala siya ngayon at ewan ko kung nasaan siya. Iniwan niya lang ako ng isang folder at isang ATM. Actually hindi ko naman kailangan ang pera niya. I need him. Wala na si Mommy at siya nalang ang meron ako pero lage niya pa ako iniiwan." sabe ko at nagulat ako ng maiyak ako.



Napatingin ako sa kanya ng kunin niya ang kamay ko at pisilin yun. Ngumiti siya saken "If your Dad is not here for you...then...I guess..." hinalikan niya ang kamay ko at kinindatan ako dahilan para makiliti ang tiyan ko "I guess ako nalang ang nandito para sayo."



Hindi ako makapagsalita at naririnig ko lang ay ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Niyakap ko agad siya at napangiti ako ng maamoy ko ang pabango niya.

Secret MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon