Chapter 49

2.4K 44 0
                                    

Harper Olivarez' POV




2PM



"Hello? Palabas na ako. Hindi mo ba ako susunduin?" tanung ko kay Nix sa kabilang linya.




Naglakad nalang ako papunta sa harap ng ospital para hintayin siya.




[Wag ka mag alala papunta na ako. Nasaan ka na ba?] tanung niya.




"Nasa labas ako ng---"




[HELLO HARPER?! ANUNG NANGYARE!] sigaw ni Nix ng mabitawan ko ang cellphone ko ng malakas dahil may mga lalaking biglang lumitaw sa harap ko at nakasakay sila sa loob ng Van.





Mabilis nilang tinakpan ang bibig ko at pinasok ako sa loob.




SINO BA SILA! JUSKO! KAKATAPOS KO LANG MADUKOT DUDUKUTIN NA NAMAN AKO?!




Pilit akong kumawala at sinipa ko ng malakas yung lalaki sa harap katabi ng driver.





"ARAY LINTEK!" sigaw niya at agad na nanlaki ang mata ko. Napatingin ako sa iba pa at nakasuot lang sila ng black bonet at black na shirt.




Binilang ko sila at lima sila kasama yung nagdadrive. Kinurot ko ng malakas yung naghahawak sa bibig ko kaya napabitaw siya.




"ILABASNIYONGAANGLINTEKNASIPHOENIX!" sobrang bilis kong sabe bago pa matakpan ulit ang bibig ko kaya natigilan sila lahat at nakatingin lang sila saken.





"Wag niyo akong hahawakan kung ayaw niyong tuliin ko ulit kayo isa isa!" galit na galit na sigaw ko at natahimik lang sila at napalayo ng konti saken.




Galit kong kinuha ang bag ko at nilabas ang gunting ko na ginagamit pag nag oopera ako.





"Kakalbuhin ko kayo isa isa! Nasaan ang cellphone ko! SINO ANG PUMULOT!" sigaw ko kaya mabilis na may nag abot ng cellphone ko saken.





"SINO KA! TANGGALIN NIYO NGA ANG LINTEK NIYONG BONET!" sigaw ko pa.




Medyo masakit sa lalamunan ang pag sigaw pero napupuno na ako! Pagod na pagod na ako sa trabaho tapos pagtitripan pa nila ako! Alam kong sila ang mga tropa ni Nix dahil bilang na bilang ko sila at ALAM NA ALAM KO ANG LINTEK NA BOSES NI ETHAN! Alam kong siya ang nasipa ko kanina!




"Sorry na Doc." sabe bigla ni Jacob at mabilis na tinanggal ang bonet niya.




"Tanga ka talaga Jacob!" naiinis na sabe ni Yuan at tinanggal ang bonet niya.




"Ikaw ang gumawa ng mga reports sa desk ni Phoenix ha!" bulyaw naman ni Kurt kay Jacob habang tinatanggal din ang bonet niya.




"Basta ako inosente ako. Nandito lang ako sa harap." sabe ni Ethan at wala na din siyang suot na bonet.




"Ako driver lang." matipid na sabe ni Dian kaya napatingin ako kay Jacob na nakakaawa ang mukha.




"Nakilala niya tayo kase sumigaw si Ethan! Tsaka natatakot ako matuli ulit! Masakit kaya yun!" sabe niya kaya babatukan sana siya ni Yuan ng tingnan ko siya ng masama kaya natigilan siya.





"Sino may ideya nito!" galit kong sigaw.




Napayuko sila isa isa at napahinga ng malalim "Si...SIR PHOENIX!" sigaw nila sabay sabay kaya nag init ang dugo ko.





"Dalhin niyo ako sa lintek na yun!" sigaw ko at tiningnan ang gunting na hawak ko "Dalhin niyo ako sa kanya kung ayaw niyong gilitin ko isa isa ang leeg niyo hanggang sa tiyan niyo!!!!" galit na galit kong sigaw.





Ikaw talaga Phoenix! Napakadame mong alam! Nakalimutan ata kita na sabihan na wag mo ako lolokohin pag ganitong pagod ako at galing sa trabaho dahil umiitim talaga ang paningin ko sa galit!

Secret MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon