Chapter 8

2.6K 47 0
                                    

Harper Olivarez' POV



Nagulat ako ng hindi si Victoria ang nasa may pinto. Si Nix ang bumungad saken at gulat siyang nakatingin saken kaya nanlaki ang mata ko at mabilis kong sinara ang pinto.




"Hey Harp! May sasabihin lang ako sayo! Teka!" sigaw niya kaya mabilis akong kumuha ng jacket at sinuot yun!



Nakatank top lang ako na sobrang nipis at short shorts! My gosh nakakahiya!



Huminga ako ng malalim at binuksan ULIT ang pinto. Nakatingin saken ang mapungay niyang mata na parang nagpapacute.



"Hi." pacute niyang sabe kaya tinaas ko lang ang kilay ko.


"Ano na sasabihin mo? Akala ko ba ayos na? Busy ako dahil mag aaral pa ako. Kukunin mo na ba--"



"I miss you."



Gulat akong napatingin sa kanya at nakatitig lang siya saken kaya hindi ako makapagsalita.




DUG.TUG.DUG.TUG.DUG.TUG~~




Nanlaki ang mata ko ng ngumiti siya dahilan para magmukhang slow motion ang lahat. Dahan akong napahawak sa dibdib ko dahil kinakabahan na naman ako.




"Can I come in?" tanung niya at napaayos pa siya sa buhok niya dahilan para lalo akong kabahan.




Napahinga ako ng malalim. Hindi lang siya ang lalaki na nagkagusto at nagpacute saken kaya hindi na bago to. Hindi dapat ako kabahan.




"Hindi ba pwede?" tanung pa ulit niya ng mapansin niya na nag aalinlangan ako.



"No. Pasok ka!" confident kong sabe at pumasok na siya sa loob.



Baka akalain niya baguhan lang ako sa mga lalaki at naapektuhan niya ako masyado! Hindi no! Sanay na sanay na ako sa ganito.



"Sweet." sabe niya at naglean pa saken sabay ngiti kaya pilit akong ngumiti at medyo napalayo ako dahil natatakot ako na baka marinig niya ang tibok ng puso ko.

Secret MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon