Chapter 11

2.3K 41 1
                                    

Harper Olivarez' POV



Napaupo ako sa upuan ko at naghintay na dumating yung Teacher ng may lalaking tumabi saken. Pabango palang niya alam ko na kung sino siya kaya napangiti ako.



"Hi babe." malambing niyang sabe at nagulat ako ng halikan niya ako.



Natulala ako pagkatapos at nakangiti lang siya saken kaya napangiti nalang din ako. Dumating na yung Teacher kaya umayos na kame at nakinig.



****



"Class dismiss..." sabe ng Teacher at nabigla ang lahat ng mabilis na tumayo si Nix at hilahin ako.



"Dalian mo na..." tinatamad niyang sabe kaya binilisan ko ang pag aayos ng gamit ko.



Mabilis niya akong hinila palabas ng room kaya nagtataka akong huminto.



"May klase pa tayo.." sabe ko.



Ngumiti siya dahilan para tumibok ng mabilis ang puso ko "Hindi naman siguro masama ang isang absent diba?" tanung niya saken kaya natigilan ako.



Nag iisip ako ng buhatin niya ako bigla "Hindi ka na pwede mag isip!" natatawa niyang sabe kaya hinampas ko siya ng malakas sa balikat na mukhang hindi niya naramdaman.



Binaba niya ako ng makarating kame sa carpark at tumigil siya sa isang motor.



Kinuha niya yung helmet at sinuot yun saken. Napatingin ako sa kanya habang nilolock ang tali nun.



Nakatitig lang siya saken at hinawakan ang kamay ko.



"Sorry..." sobrang hina niyang sabe kaya hindi ko narinig.



"Ano? Hindi kita narinig!" sigaw ko kaso ngumiti lang siya at sinuot yung helmet niya kaya hindi ko nalang yun pinansin.



Sumakay na kame sa motor niya at mabilis akong napahawak sa bewang niya.



Inistart na niya yung motor at nagulat ako ng hawakan niya ng mahigpit ang kamay ko "Kumapit ka...wag ka bibitaw hangga't hindi ko sinasabe.." sabe niya kaya ngumiti ako kahit alam kong hindi niya yun nakikita.



"Promise..hindi ako bibitaw..." sabe ko at pinaandar na niya yung motor ng mabilis.



Medyo makulimlim pero hindi ganun kadilim kaya medyo perfect ang timing para sa pag momotor namen.



Sa totoo lang, naniniwala ako na perfect timing ang lahat. Feeling ko talagang pinagtatagpo kame ng tadhana.



Yung pagkikita namen sa araw ng karera ni Gray, yung pagbibigay niya saken ng jacket at pag kakaiwan niya ng cellphone niya dun. Yung barilan sa coffee shop dahilan para gumaan lalo ang loob ko sa kanya. Lahat yun, kahit simple...ginawa ng tadhana para magkakilala kame.



Napahigpit ako ng hawak ko sa bewang ni Nix at nilagay ko lang ang ulo ko sa likod niya...



Para saken, si Nix ang nakatadhana saken.






Phoenix Lopez' POV



Tinigil ko yung motor ko sa isang Ice Cream Parlor at agad akong bumaba. Inalalayan ko si Harper bumaba at agad kong hinubad yung mga helmet namen.



Pumasok na kame sa loob at nagulat ako ng kalabitin niya ako.



Napangiti siya "Paano mo nalaman na mahilig ako sa ice cream?" masaya niyang tanung.



'Kase, alam ko ang lahat ng tungkol sa buhay mo. May files ako about sayo at lahat alam ko.'


Yan ang gusto ko sabihin pero hindi ko yun sinabe, kahit gustong gusto ko na umamin.



"Mahilig ka sa ice cream?!" kunyare gulat kong tanung.



Ngumiti siya ng sobrang lapad at tumungo. Napatitig ako sa kanya.



She's so innocent.

Nakokonsensiya tuloy ako. The more na tumatagal ang misyon ko, the more na naaawa ako sa kanya.



I need to end this.



"Order na tayo!!" masaya niyang sabe at nagulat ako ng ilagay niya yung kamay niya sa braso ko. Napatingin ako sa kanya at ngumiti lang siya dahilan para kumirot ang dibdib ko.



"Rocky road ang saken." cute niyang sabe kaya pilit lang akong tumungo at umorder na.


Ayoko na. Hindi ko na kaya na ipagpatuloy pa ito. Kahit sanay akong manloko....nakokonsensiya na ako. Alam kong yung nakita kong folder sa kwarto niya ay yung kailangan ko kaya hindi ko na kailangan patagalin pa ito.

Secret MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon