Kabanata 1

4.9K 162 18
                                    

Kabanata 1

Command

“Ma’am, ba’t ka nag-teacher? Sa ganda mong yan, dapat nagmodel ka nalang.”

Napairap ako sa sinabi ng pasaway kong istudyante. Simula ng magturo ako dito, hindi ko alam kung ano pumasok sa ulo ng lalaking ito at kung bakit pasaway sa akin. Fourth year na siya and hell, isip-bata pa rin!

“Stop asking, Mr. Elizaga.” I said seriously.

Umiling siya at tumitig pa sa akin. Seriously? Simula nung midterm, ganito na siya sa akin. Oo, alam kong muntik ko na siyang mabangga noon sa gate pero bakit ganito naman ang nangyari sa kanya? Sadya bang mabigat ang nagawa kong kasalanan para maging ganito siya kapasaway sa akin. Siya at siya lang ang tanging istudyante ang nakakalapit sa akin ng ganito. Siya lang ang nag-iisang istudyante na may lakas ng loob na puntahan ako sa cubicle ko at kausapin na parang hindi ako teacher dito.

Ang lakas ng loob niya at hindi ko mawari kung bakit nga ba ganito siya sa akin. Bakit nga ba? Dahil ba muntik ko na siyang mapatay noon? O, dahil mahirap ako bilang teacher nila? What?

“Alam mo ma’am, tatanda ka dahil sa pagiging seryoso mo e. Dapat chill ka lang, make fun. Flirt with me haha.” pasaring niya sa akin.

Mas lalo akong napailing. Siraulo talaga e! I know, he is a flirtatious type of man! Marami akong naririnig tungkol sa kanya bilang isang manglalaro ng babae. Matindi pa yung iba kasi nahuhuli daw nilang nagmimi-make out ito sa loob ng university. I’ve heard different story from my students and it all same…his being philanderer.

Kaya may parte sa puso ko na nabahiran ng kasiraan sa kanya. What if, gusto lang niya makipaglaro sa akin? What if, gusto niyang masira ang profession ko? Marami akong what if’s sa kanya at natatakot ako na baka mangyari iyon. Single ako at hindi pa kailanman nabahiran ng lalaki kaya hindi ko pa masyado alam ang mga galawan ng mga lalaki.

“Max, I’m not that kind of woman. I want a serious man, not to play or anything. Ayokong magmahal kung magpapalit-palit lang naman. Gusto ko kung sino man ang lalaking mamahalin ko, siya na ang huli para sa akin. That’s what I want.” seryoso kong sabi.

He smirked. Tinalikuran ko siya at hinarap ang laptop ko. Nandito kami ngayon sa cubicle ko at vacant ko para sa oras na ito. Hindi naman na ako nagulat ng maramdaman ko siya kanina sa likod ko at nakaupo. Maging ang mga co-teachers ko ay sanay na sa kanya na palaging nandito kaya hindi na ako nagagambala pa ng pagkabahala sa kanya.

Nung una, pinatawag ako ng president ng university dahil sa kanya. We talk about this issue, kung bakit ba palaging pumupunta si Max sa cubicle ko. Mr. president even ask me if we have a relationship but I refused it immediately. Wala kaming relasyon! At mabuti nalang tinanggap iyon ng presidente namin. Kaya ngayon, hinayaan nalang kami ng mga taong nakakakita sa kanya dito. Pero usual, umiiwas ako sa kanya dahil baka may hidden agenda siya sa akin.

“I know. Kaya mas mainam na wag kang magpapaligaw sa iba. Lalo na yang mga co-teacher mong mga lalaki.” he said warningly.

Palagi siyang ganyan. Palagi niya akong binabantaan tungkol sa mga lalaking may posibilidad na manligaw sa akin. Boses nobyo ko siya!

“Stop warning me, Maximilian.”

Inilingan ko siya. Hinayaan ko siyang umalis sa likod ko. Napahinga ako ng malalim, pinikit ang mga mata at tinapos nalang ang mga gagawin ko. Tinapos ko nalang ang lesson plan ko, pagkatapos lumabas ako sa faculty para bumili ng pagkain para sa lunch. Bumati pa ako sa mga teachers na nadadaanan ko. Bitbit ang wallet at cellphone, pumasok ako sa IGP para pumili ng kakainin ko.

Napahinga pa ako ng available ang faculty room para sa kainan kaya mabilis akong nag-order ng pagkain ko at nagbayad, kinuha ko ang plato tsaka naglakad papasok sa private room ng kainan. Nilapag ko ang pagkain sa lamesa at umupo. Binuksan ko muna ang mineral bottle at uminom, pagkatapos nagsimula na akong kumain. Sumubo ako ng kaunti, bumukas ang pinto at nagulat ako ng pumasok si Maximilian dala-dala ang pagkain niya. Umupo siya sa harap ko habang may ngisi sa labi.

Lagunzad Series 3: Own Me Again (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon