Kabanata 13

3.6K 134 29
                                    

Kabanata 13

Give up

Natapos ng matiwasay ang seminar namin sa Cebu. Hindi ko dinala ang sama ng loob habang nandoon ako kasi gusto kong mag-relax sa lahat ng nangyari. Hinayaan ko ang sarili na malunod sa kaginhawaan habang inuubos ang araw. Nagawa ko ng maayos ang reporting namin kaya nawala ang bigat ng nararamdaman ko. Tapos hinayaan pa kami na gamitin ang ilang araw para magpahinga kaya mas lalo akong naging masaya.

Pilit kong kinakalimutan ang nangyari sa amin ni Max. Kahit pa panay ang text at tawag niya hindi ko iyon inalintana. Nandoon ako para magrelax hindi alalahanin ang nakaraan ng mama niya. I spent it like I am in the vacation. Sulit naman! Sobrang sulit ng accommodation nila. Bumili pa ako ng mga souvenirs para sa bahay at sa pamilya ko. After that days, umuwi kami para bumalik sa reyalidad ng trabaho. Hindi rin naging boring ang seminar ko dahil magkasama kami ni Jarrel.

Sobrang dami ng lakas niya para magkwento ng kung ano-ano. Napag-usapan din namin ang tungkol kay uncle Chan. Ika’y pupunta ako sa kanila kapag matapos ang midterm namin. Well, okay din naman iyon at least I have time to prepare for myself. Tsaka alam kong makakapaghintay si uncle kaya hindi na ako nag-isip pa. Kinalimutan ko din ang sinabi ni papa sa akin. Pinaliwanag niya ang tungkol kay Jehoshabeth Madrigal ngunit hinayaan ko nalang iyon. Ayokong mag-isip tungkol sa babaeng iyan!

Masisira lang ang mood ko kapag inisip ko pa siya. Masyado na nga akong stress sa school tapos sasabay pa siya. Mabuti pa’t hayaan nalang itong issue at pabayaan ang babaeng iyon maghiganti. Wala akong pakialam kung ano pa mang plano nilang dalawa. Kahit pa magsanib pwersa sila, wala akong pakialam! Hinding hindi ako magpapadala ng emosyon para sa walang kwentang bagay. For sake, sobrang tagal na ng issue na ito tapos hindi pa pala siya nakaka-get over!

Matanda na silang lahat tapos may galit pa siyang kinikimkim sa puso. Paano matatahimik ang kalooban niya kung gayong hindi niya pinapalaya iyon? Tsk, nabuo nalang si Max tapos ganoon pa rin siya! Swerte lang at hindi kami nagkikita pa! Kapag magkaharap kami, ipapamukha ko talaga sa kanya ang pagiging immature niya. Hindi naman na iyon dapat palakihin! May sari-sariling pamilya na sila tapos yung set up ng ugali ganoon! That would be a big slap to her!

Ang mga bagay na nasa nakaraan na ay dapat palayain. Hindi dapat ‘yun pinapanatili sa puso at isip dahil hinding-hindi magiging malinis ang utak at puso mo. Let it go and start new life. Kung nasaktan ka man ng nakaraan, then let it be! Ganyan ang buhay, hindi sa lahat ng pagkakataon ay magiging masaya ka lang! Parating may kaakibat na sakit yan kaya dapat handa ka. Wag mong asahan na magiging masaya lang ang lahat. Walang taong hindi nakakaranas ng problema sa buhay. Lahat tayo ay dumadaan sa pagsubok at hirap. Kaya dapat maging matatag ka bilang isang tao.

Para naman sa pagmamahal, kung kaya pang lumaya then do it. Wag mong hintayin na lumalim ang sugat sa puso ng taong hindi mo naman pala minahal. Hayaan mong maging masaya ang sarili sa paraan na hindi mo na kailangan ng tao para maging masaya lang. You can be happy by yourself. Do things that make you happy. Enjoy life, stress is just an instrument to make you feel challenge. Wag ibubuhos sa sarili sa taong hindi ka sigurado. Magtira ka para sayo, para sa sarili mo.

Tiyak na darating ang panahon na magiging masaya ulit ako kaya hihintayin ko ‘yun. Kung naging palpak ang una kong relasyon, siguro sa susunod ay mag-work na. Hindi lang ako swenerte ngayon kaya iyon ang kinalabasan ng una kong lalaki na minahal. Sige lang, makakalimutan ko din siya. Bumuntonghininga ako, nasa kama habang nakahiga. Kararating ko lang galing school, isang araw ang nakalipas pagkatapos ng seminar namin. Continue na kami sa huling lesson kaya minamadali ko na. Kailangan kong matapos ang discussion sa huling parte ng lesson para makompleto ko ang exam.

Binigyan na kami ng memorandum tungkol sa nalalapit na pagsusulit para sa midterm. Nasa second sem na kami at finals nalang ang huling gagawin para matapos ang klaseng ito. After sighing, my phone ring for a call. Inabot ko iyon at sinagot kahit pa hindi nakita ang pangalan ng tumatawag. I bit my lower lip, putting my phone to my ear.

Lagunzad Series 3: Own Me Again (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon