Kabanata 17

3.3K 125 13
                                    

Kabanata 17

Hinihiling

Nagising ako na nanghihina pa rin ang katawan. Masakit ang tagiliran ko dahil sa pagkatumba kagabi. Maging ang likod ko ay kumikirot sa sakit. Hindi ko rin ramdam ang araw sa pagpasok ngayon dahil mahina talaga ang mga tuhod ko. Sumabay pa ang nararamdaman kung pagsusuka kaya wala akong nagawa kundi tumayo at pumunta sa banyo para ilabas ang tubig na palabas sa bibig ko.

Pinikit ko ang mata bago isuka lahat ng tubig na palabas. Halos isubsob ko na ang mukha sa inidoro dahil sa lakas na binibingay sa pagsusuka. May lumabas na ding luha sa gilid ng mata ko, indikasyon na nahihirapan ako sa nangyayari sa akin ngayon. Hindi ko na kaya! Hirap na ako sa nangyayari sa akin. Hindi ko alam na ganito pala ang nangyayari sa mga buntis. Dagdagan pang sensitive akong nagdadalang-tao kaya ito at naghihirap ako ng husto.

Tapos si Max wala manlang pakialam sa akin. Ni hindi manlang niya tinanong kung okay ba ako, kung nakakakain ba ako ng sapat, nakakatulog ba ako ng maayos! He doesn't even ask me if I'm alright! He's so complicated. Umalis lang siya at pumuntang Manila tapos pagbalik ganito na siya! Ano bang nangyari? Ano bang nagawa ko at bakit niya ako tinawag na malandi? Ano bang nangyari sa kanya? At bakit nagkakaganito siya sa akin?

Pagod na akong harapin 'tong pagbubuntis. Pagod na akong tumayo sa umaga para tumakbo papunta sa banyo at sumuka. Pagod na akong maglihim sa magulang ko. Pagod na akong maghanap ng pagkain na gusto ng kalamnan ko. Pagod na akong manghina, isipin ang susunod na araw at kung ano pa bang paghihirap ang haharapin ko! Nakakapagod na! Tapos hindi manlang makita ni Max ang nangyayari sa akin. Na imbes tanungin niya ako kung maayos pa ba ang ako, hindi niya ginawa. Instead, he told me that I am fucking whore!

Kahit nanghihina ang katawan, pinilit kong tumayo at pumunta sa sink-in para magmumog. Naghilamos na rin ako para matanggal ang lagkit sa mukha ko. Pagkatapos kung gawin yun ay lumabas na ako at lumapit sa side table ko para kunin ang cellphone. Umupo muna ako sa kama at binuksan ang phone para tawagan si Max. Kailangan ko siyang kausapin dahil importante ang sasabihin. Kailangan kong sabihin sa kanya na buntis ako at siya ang ama. Gusto kong malaman niya na naghihirap ako ngayon kaya kailangan ko siyang makausap.

He didn't answer his phone so I dial it again. Gaya ng nauna, hindi niya pa rin sinagot kaya nakaramdam na naman ako ng inis. Ilang beses kong ginawa ang pag-dial sa numero niya ngunit ganoon pa rin, hindi niya sinasagot kaya ang ginawa ko'y magtipa ng text sa kanya.

Ako:

Anong bang nangyayari sayo, Max? Bakit galit ka sa akin? May nagawa ba akong kasalanan? :'(

I send it immediately. Naghintay ako ng ilang segundo para sa reply niya ngunit walang dumating. Napahinga ako ng malalim, sobrang bigat ng nararamdaman ko at naninikip na rin ang dibdib ko. Kahit ano kasing tanong kong kasalanan, wala naman akong naaalalang nagawang mali kaya hindi ko rin naman makukuha ang sasabihin niya. Wala akong kasalanan, at wala akong ginawang mali.

Bitbit ang bigat ng nararamdaman, lumabas ako ng kwarto at bumaba para harapin ang magulang ko. Nasa dining area na sila at naghihintay sa akin kaya doon ako dumiretso. Pinasigla ko ang mukha bago humarap kay papa na ngayon ay seryoso ang itsura. Ngumiti ako at lumapit sa kanya para halikan sa pisnge.

"Good morning pa, mama." bati ko sa magulang.

Lumingon ako kay mama na nakaupo at nakatingin sa akin. Huminga ako ng malalim bago lumapit sa kanya at halikan din siya sa pisnge.

"Good morning, Talitha." sagot ni mama.

Umalis na ako sa harap nila at pumunta sa pwesto ko para kumain na rin. Nang makaupo, inabot ko ang gatas para uminom. Hindi ko pa nga nahihigop biglang bumaliktad ang panlasa ko kaya mabilis ko yung binalik sa lamesa at tumayo para pumunta sa lababo. Hindi ko na inalintana ang pagtataka sa magulang ko, basta't sinuka ko ang tubig na lumalabas sa akin. Naramdaman ko ang paghagod ng kamay sa likod ko.

Lagunzad Series 3: Own Me Again (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon