Kabanata 24

4.3K 132 24
                                    

Happy Hearts Day to everyone ❤️
---------------------------------------------

Kabanata 24

Need

“Tigilan mo na ako, Max! I’m done with you so please, stop it!”

Mariin ang boses ko habang magkaharap kami ngayon. Hindi ko lubos maisip na magkikita ulit kami pagkatapos ng nangyari sa eroplano. Wala na sana akong balak na kausapin pa siya o makita dahil ayokong nararamdaman ang kaba tulad ngayon. Matagal ng tapos ang sa amin, kaya wala na dapat pang balikan. Ayokong masaktan si Jarrel, naging mabuting kaibigan at karelasyon siya sa akin. Kaya sana gusto kong manatili sa kanya.

“Talitha, I know we can make it again. Please, give me a chance baby.” he said softly.

Umiling ako at ngumisi. I can’t! I can’t give him a chance easily! Masyado akong nasagad noon sa kanya kaya ayokong bumalik sa pagiging ganoon. Ayokong bumalik sa pagiging babae kung saan palagi nalang ako nasasaktan.

“No, Max. I have my boyfriend, and we are to settle down so please, stop it.” sagot ko.

Namula ang mata niya, nasa labas kami ng school ngayon. Pumunta ako dito para kunin ang plane ticket at allowance sa unit head namin. Hindi ko naman akalain na magkikita kami pagkatapos ko sa loob. Matyaga siyang naghihintay sa isang putting kotse, siguro’y sa kanya iyon.

“Please baby, give me a chance. I know it will hard for you to accept me but damn…don’t throw my love for you,” sambit niya.

I sighed so heavily. Umiling ako at mabilis na naglakad papunta sa sasakyan ko. Binuksan ko ang pinto ng driver seat at pumasok sa loob. Nakasunod pa rin siya sa akin, nasa labas at nagmamakaawa. Bumuntonghininga ako at mabilis na pinaharurot ang sasakyan paalis ng school. Hindi ko inalintana ang pagtakbo niya at pagsunod sa akin. It’s useless! Ayokong balikan ang lalaking sinaktan ako ng lubos noon. Kahit pa sabihin niyang mahal na mahal niya ako, hindi pa rin sapat iyon para balikan ko siya. Binigay ko na sa kanya ang lahat sa akin, walang naiwan kundi sakit at pighati kaya wala na akong maibibigay pa sa kanya.

Bukas ang alis ko kaya pinapunta ako ng unit head namin sa school para kunin ang plane ticket. Sobrang nagulat nga ako dahil surprised yung ginawa ng mga co-teachers ko kanina. May kaunting kainan, tapos welcome speech sa akin. Well, hindi ko inaasahan iyon kasi hindi naman ako mahalaga para gawin nila ang bagay na iyon, but still, they did it because they welcoming me. Natuwa pa si papa ng malaman na babalik na ako sa pagtuturo, ika’y wag ko daw sayangin ang pinag-aralan ko. Naghanda na rin ako ng mga damit ko para bukas ay handa na ako para umalis.

Tsaka nasabi rin sa akin ni papa na aalis din sila dahil gusto ni Karlmart na pumunta sila sa Manila bukas din. Hindi ko alam kung ano ang gagawin nila doon, siguro’y importante dahil biglaan din ang pag-alis nila. Huminga ako ng malalim, huminto sa tapat ng bahay namin. Kinuha ko ang bag tsaka lumabas ngunit natigilan din dahil nakita ang bulto ng lalaking sunod ng sunod sa akin ngayon. Umikot ang mata ko ng magkatitigan ulit kami. Shit naman oh! Ano bang ginagawa ng lalaking ito? Ano bang gusto niyang gawin? Talaga bang hindi siya titigil sa ginagawa niya? Napupuno na naman ako!

Lumapit ako sa kanya na may inis ang mukha. Kailangan ko talagang pagsabihan ang lalaking ‘to e!

“Mr. Elizaga, what’s the problem with you?” pinipigilan ang boses.

He sighed.

“Hindi ako titigil hangga’t hindi tayo nagkakaayos, Talitha. Kahit ano ay gagawin ko, basta’y makasama muli kita.” marahan niyang sabi.

Umiling-iling ako sabay sa pagpikit ng mga mata. Ano bang pwede kong gawin para tumigil ito? He’s irritating me!

“Wala na tayong babalikan pa! We are done a long time ago so please, stop insisting yourself to me!” I said with anger in voice.

Lagunzad Series 3: Own Me Again (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon