Kabanata 14

3.5K 116 13
                                    

Kabanata 14

Apelyido

Hindi ako makakilos habang patuloy na sumisiksik sa utak ko ang sinabi niya. Pakiramdam ko’y lumilipad sa langit ang puso ko. Seryoso ba siya? Talaga bang binalewala niya ang magulang kaysa sa akin? Talaga bang pinutol na niya ang ugnayan nilang dalawa? That he really choose me over his mother? Shit! Malaking kasalanan ito dahil mas binigyan niya ako ng halaga kaysa sa taong bumuhay sa kanya.

“I try to convince her to stop doing this revenge but she didn’t listen to me. Napupuno ng paghihiganti ang puso at isip niya kaya wala na akong magawa. She’s my mother but I don’t want to tolerate her.” mahina niyang sabi.

Muling pumatak ang luha niya. Kinain agad ako ng konsensya dahil sa kanya. Hindi na alam ang sasabihin dahil malaking pasabog ito sa akin. Bakit? Bakit niya ako pinili kaysa sa mama niya? Bakit sa dalawang pagpipilian ay ako ang pinili niya? I didn’t ask him to choose me because I don’t have the right to ask it. I just want to separate with him because this is not healthy anymore. Pero ngayon, dahil sa sinabi niya ay nawala ang tinik sa puso ko. Yung sakit na nagawa niya ay mabilis na naghilom dahil sa rebelasyong ito.

Hinding-hindi ko kailanman nakita ang sarili na isusuko ang relasyon sa magulang. Instead, I will choose my family over him. Pero sa kanya ay parang ang dali lang isuko ang lahat para sa pamilya niya…dahil sa akin!

“I don’t want to lose here. She’s my mother after all. But if she’s trying to ruined you again, then I have no choice but to let her go. You are my home now. You build a strong feeling inside my heart. You make me feel safe. And I don’t want to lose it because of her.” he said weakly.

Napahinga ako ng malalim. I couldn’t believe this!

“H-how can you choose me over your mother?” nanginginig ang boses ko.

He sighed.

“Because I love you.” he said directly.

I bit my lower lip, my heart is beating so fast.

“Sa lahat ng naging babae ko, sayo lang ako tinamaan ng ganito katindi. Sayo ko lang binitawan ang babaeng bumuhay sa akin kaya hindi ko na alam ang gagawin kapag sinubukan mong makipaghiwalay sa akin. I will lose my life if you will break my heart.”

Hindi ko alam pero bigla ko nalang naramdaman sa sarili na yakapin siya. Kaya iyon ang ginawa ko, niyakap ko siya ng mahigpit. Siniksik niya ang mukha sa leeg ko habang magkayakapan kami. Napangiti ako, sa kabog ng puso ay para akong mawawalan ng hangin sa katawan.

“I’m sorry.” mahina kong sabi.

Tumango-tango siya, humigpit pa lalo ang yakap sa akin.  Mabilis namang pumasok sa alaala ko ang nakitang larawan nila ng babae sa facebook. Gusto ko ring itanong yun kaya humiwalay ako at tumingin sa kanya. Pungay na pungay ang mata niya, sobrang nanlalambot sa akin.

“Bakit?” tanong niya.

Bumuntonghininga ako.

“Bago tayo magkaayos, gusto ko munang malaman ang totoo sa likod ng larawan na nakita ko. Sino ang babaeng kahalikan mo sa picture na iyon, Max?” hindi ko napigilang ang boses.

Mas lalong pumungay ang mata niya habang tumititig sa akin. Aminado akong ubod ng karisma ang lalaking ito pero hindi ko alam na may ibubuga pa pala ang kagwapuhan niya ngayon.

“It was my ex-girlfriend, baby. Laida is my two years girlfriend before. We’ve been in a relationship back then but she fooled me. She cheated on me. Kaya nakipaghiwalay ako sa kanya at huminto muna sa pagkakaroon ng seryosong relasyon. At tungkol naman sa picture, hindi ako tumugon sa halik kaya wag mong tawaging kahalikan ko yun. She initiated the kiss but I didn’t respond her. And it was my mother bait to ruined me. I was so mad at her because she used Laida to ruin me! Hindi ko na mahal yung babaeng oyon! At tsaka hindi ko naman talaga siya minahal e. Hindi ko naramdaman sa kanya yung nararamdaman ko sayo ngayon. Kaya masasabi kong hindi siya yung una kong minahal kundi ikaw.” eksplenasyon niya sa banayad na boses.

Lagunzad Series 3: Own Me Again (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon