Kabanata 11

3.4K 140 11
                                    

Kabanata 11

Pay

Nagulat ako ng bumungad sa akin si Jarrel sa labas ng faculty namin. Buhay na buhay ang ngiti sa labi niya habang matyagang naghihintay sa akin. Napahinga ako ng malalim habang sinarado ng tuluyan ang pinto. Pagkatapos naming mag-usap ng supervisor kanina, hindi ako pumasok sa klase ko dahil pinaghanda niya ako sa mga dadalhin ko bukas. Kaya ngayon, paglabas ko ay tumambad siya sa akin. Well, pumayag nga pala akong sabay kaming kumain ngayon kaya nandito siya. I smiled at him, bitbit ang wallet ang susi ng kotse ay lumapit ako sa kanya.

“May alam ka bang kakainan natin?” tanong ko.

He smiled sincerely.

“We can eat to Mcdo? Or Jollibee?” he suggested.

I sighed heavily. Pwede din naman! Matagal na akong hindi kumakain sa fast food restaurant kaya bakit hindi? Tsaka isa pa, masarap naman ang pagkain doon.

“Sa Jollibee nalang tayo.” sagot ko.

He nodded. Sabay kaming umalis ng department, may sariling sasakyan si Jarrel kaya doon kami sasakay. At gaya ng inaakala ko, binuksan niya ang pinto para sa akin. Napahinga ako ng malalim, siya talaga ang definition ng isang gentleman na lalaki. Nung una palang, alam kong marami silang pinagkaiba ni Max.

Hindi ko man iyon matukoy noon pero ngayon unti-unti kong nari-realized na ito nga ang pinagkaiba nila. Si Jarrel ay gentleman, si Max ay mapaglaro. They are both difference in their own way, and that’s what I found out this day. Kinabit niya ang seat belt sa akin, ngumiti ako at napahinga ng malalim.

“Thank you.” I said.

He smiled.

“Welcome. You know what, I didn’t expect you’ll accept my invitation. Akala ko kasi tatanggihan mo ulit ako e.” he said hesitantly.

“It’s okay. Honestly, there is nothing wrong if we will eat lunch together. We are in the same field and I should be friend with you.” sagot ko.

He sighed. Jarrel is a kind man. Ito ang pinagkaiba nila ni Max. Alam niyang lumugar at rumespeto sa tao. Hindi siya magpapakita ng masamang atensyon dahil alam niyang hindi siya ganoong tao. Well, hindi pa naman kami lubos na magkakilala. Pero alam ko at ramdam ko na mabait siyang tao. Umandar ang sasakyan kaya binaling ko nalang ang ulo sa bintana. Mabilis ko namang nakita ang lalaking nakatayo sa gilid ng hallway, titig na titig sa akin kahit pa nasa loob ako ng kotse. Madilim ang mga mata at ganoon pa rin ang anyo ng mukha. I sighed, I should talk to Max privately. We should separate because this is not healthy anymore.

Iniwas ko ang paningin sa kanya at hinayaan ang sarili na sumama kay Jarrel. Hindi naman kami nagtagal sa biyahe dahil malapit lang ang mga fast food restaurant dito. Kumain kami ng sabay habang magkaharap, pareho kami ng in-order at gaya ng sabi ko, masarap talaga ang pagkain dito. Pagkatapos kong maubos ang sariling pagkain, inabot ko ang juice at ininom. Nahiya pa ako ng tumighay dahil sa kabusugan. Napahinga ng malalim at pinagmasdan siyang kumain. He stop eating when he notice that I am staring at him.

“Bakit?” tanong niya.

Umiling ako at ngumisi.

“Nothing. I’m just curious about yourself.”

Tumango siya at huminga ng malalim. Uminom muna siya ng juice bago sumagot sa akin.

“My parents was your father students before. Chancellor and Callandra, named of my father and mother. Si papa ay kaibigan ng mama mo noon, kaya nagulat ako ng makita ko ang picture nilang dalawa kasama ka sa Greenland. It was long time ago, and they both have family now. Pero palaging sinasabi sa akin ni papa na dapat kitang kilalanin dahil kilala ka niya at mabait ka.” he storytelling.

Lagunzad Series 3: Own Me Again (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon