Kabanata 7

3.5K 124 18
                                    

Tanong ko lang, marupok rin ba kayo sa mga mahal niyo o crush?
-----------------------------------------

Kabanata 7

Warning

Pagkatapos kong mag-attendance sa una kong klase, hindi na ako nagturo dahil wala ako sa sarili ngayon. Baka hindi ko sila mabigyan ng mabuting discussion kung magpapatuloy pa ako. Gayundin ang ginawa ko sa tatlong sumunod kong klase. I check their attendance and just leave after it. Pagkatapos ng klase ko sa umaga, nagpahinga muna ako sa cubicle ko. Naabutan ko pa si Max na matyagang naghihintay sa akin sa labas ng faculty. Napahinga nalang ako ng malalim.

Ano kaya ang pag-uusapan namin? Well, I have some queries about him and the woman I saw in the airport last time. Iyon talaga ang umuusig sa isipan ko nitong nakaraang araw. I need an answer! That’s why, I need to ask him about it. Kung ano man ang sagot niya, wala na akong magagawa para doon. It’s either I have to accept it or not. Kung tama nga ako sa iniisip para sa nakita, dapat ko nalang iyon tanggapin.

Sugar mommy niya ba talaga iyon? Ano ba talaga ang ugnayan nila sa isa’t-isa? Iyon ang mga katanungan ko ngayon. Kailangan ko ng sagot at makukuha ko lang iyon kapag nagka-usap kami ng masinsinan. Inabot ko nalang ang bag at kinuha ang lipstick ko. I put some of it in my lip and then just arrange my hair properly. Tinignan ko pa ang itsura sa maliit kong salamin bago nagpasyang lumabas at harapin si Max. Paglabas ko ng faculty ay mabilis siyang tumayo at ngumiti sa akin ng matamis. Seryoso lang ang mukha ko, hindi siya nginitian pabalik.

“Lunch na tayo, ma’am?” aniya sa marahang boses.

I sighed.

“Sure.” I said in serious tone.

He bit his lower lip before nodding hesitantly to me. Nauna akong naglakad dahil kailangan ko pang mag-log out sa puncher namin. Huminto muna ako at hinarap muli siya. Tinignan ko muna ang mukha niya ng matagal bago napahinga ng malalim. Inabot ko sa kanya ang susi ng sasakyan ko. Ngumisi siya at mabilis ‘yung kinuha.

“Mauna ka na sa kotse ko.” tugon ko.

Tumango siya at ngumisi ulit. Tumalikod ako at lumapit sa puncher. I scan my biometric finger there and second later it log out. Umatras ako dahil may teacher na magpa-punch din. Ngumiti ako sa lalaking professional education teacher.

“Miss Lagunzad, right?” he said.

I smiled professionally.

“Yes.”

He looked good honestly. Tall guy, moreno and perfect shape of face. Pero kung iko-kumpara ko ang mukha niya kay Max, hindi niya pa rin talaga mapapantayan ang kagwapuhan ni Maximilian. It’s still Max over any guy.

“Magla-lunch ka na?” tanong niya.

I nodded.

“Yes. Bakit?” balik-tanong ko.

“I’d like to ask you on a lunch? Can we?” he said directly.

Ngumiti ako bago umiling. Hindi ko kayang talikuran ngayon si Max. Kailangan naming mag-usap at may kailangan akong malaman sa kanya.

“I’m sorry, but I can’t. May gagawin pa kasi ako before kumain kaya mamaya pa ako.” I lied.

He smiled and nodded.

“Ah, it’s alright. I’m just asking you, don’t worry. By the way, I’m Jarrel Torres.” pakilala niya sa sarili.

“I’m sorry talaga, Mr. Torres.” paumanhin ko.

Umiling siya at ngumiti ng matamis.

“It’s okay, don’t worry.” sagot niya.

I sighed. Nauna nalang akong tumalikod at naglakad papunta sa kotse ko. Hindi naman malayo ang pinarkingan ng sasakyan ko, kaharap lang iyon ng puncher namin. Binuksan ko ang pinto sa driver seat at pumasok. Pagkaupo ko ay mabilis na hinampas ni Max ang dashboard. Nagulat ako doon, nabigla sa ginawa niya. What the fuck? I stare at him, he look so angry.

Lagunzad Series 3: Own Me Again (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon