Simula

8.3K 215 30
                                    

Simula

Pagod akong umupo sa sofa habang hawak-hawak ang folder na naglalaman ng magiging istudyante ko buwas. Linggo ngayon at first day ko bilang isang professor bukas sa pinagtrabahuan ni papa na university. Masayang masaya ako kasi nakapasa ako sa interview at exam na binigay sa akin. Naging mahirap man napasa ko naman. Bumuntonghininga ako habang hinihilot ang sintido. Napagod din ako sa araw na ito dahil inayos ko pa ang item ko sa university.

Napahinga ako ng makitang bumaba mula sa taas si papa. Bagong ligo siya at nakasuot ng pang-alis, siguro’y may pupuntahan sila ni mama.

Pinagmasdan ko si papa ng maigi, mature na mature na siya tapos may mga puti na din sa buhok niya. Tumatanda na siya, at nakikita ko iyon sa anyo niya ngayon.

Ngumiti siya sa akin ng makita ako. Hinalikan niya ang pisnge ko ng makalapit, matanda na nga si papa.

“Kumusta?” mahina niyang sabi.

I sighed.

“Nakapasa ako papa. I got the same item you have before.” maligaya kong sagot.

Ngumiti siya at niyakap ako habang nakaupo kami.

“Wow! Congrats, nak! Celebrate tayo?” he said proudly.

Umiling ako at pinakatitigan siya. Kuhang-kuha talaga ng mukha ko ang mukha niya. Halos pareho kami ng features, yun nga lang ay magkaiba kami ng kasarian. Ako ang babaeng bersyon ni papa, si Karlmart naman ang parehong bersyon nilang dalawa. Si Alrus, iba ang itsura niya dahil hindi naman namin siya tunay na kapatid. Pero gwapo din siya, lapitin ng mga babae.

“Wag na pa. Mag-date kayo ni mama, alam kong aalis kayo kaya spent your time with her.” magalang kong sabi.

He nodded and smile. I love my father. He is the best for me, well except to the man above. Walang katumbas ang pagmamahal niya sa amin. Hindi niya kami pinabayaan, lahat ng kailangan namin ay nabigay niya. Hindi siya nagkulang at naging mabuti ama sa amin. He become the best father for us.

Kaya hindi ko kayang mawala si papa, gusto ko pang ibigay ang lahat sa kanya. Gusto kong ibalik lahat ng sakripisyo niya sa pamilya namin.

“Salamat, anak.” he said softly.

Ngumiti ako at niyakap pa siya ng mahigpit. Pagod akong humiga sa kama, halos hindi na nahubad ang sandal dahil sa naaantok na ako. Natulog ako ng mahimbing hanggang sa nagising dahil sa malakas na hangin. Napaupo ako sa kama, pinagmasdan ang labas ng glass door ng kwarto ko. Madilim na sa labas at malakas ang ulan. Sumasabay pa ang kulog na labis kong kinakaba. May bagyo ba? Bakit malakas ang ulan?

Tumayo nalang ako at lumabas ng kwarto para kumain ng hapunan. Nasalubong ko pa si Karlmart na busy sa cellphone niya. Baka si Angel Bhe na naman ang katawagan niya. Ito talagang kapatid ko, first year college palang may girlfriend na. Umiling nalang ako.

“Karl, nandito na ba sila mama at papa?” tanong ko sa busy’ng kapatid.

He look at me and brow shot up.

“Not yet. Tumawag si mama, nasa San Francisco daw sila. Gusto daw ni papa na magtrip around the country sila.” aniya habang ang mata ay nasa cellphone.

Tumango ako. Akala ko hindi sila lalabas ng bansa ngayon.

“Si Alrus, tumawag ba? Maulan ngayon, baka nasa karagatan sila?” tanong ko ulit.

He sighed.

“I’m busy with my girl, Talitha! Tawagan mo nalang siya.” inis niyang sabi.

Umirap ako at umalis nalang sa harap niya. Lumapit ako sa telepono namin at tinipa ang numero ng barko nila. Tumunog iyon kaya nakahinga ako ng malalim. Ilang sandali pa’y sinagot ang tawag ko.

Lagunzad Series 3: Own Me Again (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon