Kabanata 22

4.1K 131 21
                                    

Kabanata 22

Deeply and softly

Walang emosyon ang mukha ko habang naghihintay sa flight namin. Nakaupo ako habang si Jarrel naman ay nasa front desk para ayusin ang ticket namin. Bumuntonghininga ako dahil sa init ng ulo. Shit! Kung hindi lang ako natakot sa banta ni Karlmart, hindi sana ako uuwi ngayon. Wala sana ako ngayon dito at naghihintay sa eroplanong sasakyan namin. Wala akong plano na umuwi sa ngayon, pero dahil sa walanghiya kong kapatid ay napilitan akong umuwi.

Well, maybe this is the time to go home. Hindi naman ito mangyayari kung hindi planado sa taas kaya dapat tanggapin ko. At saka tatlong taon din akong nawala kaya siguro panahon na rin para umuwi at makasama ang pamilya ko. Hindi naman ako uuwi para sa gagong lalaking iyon e! Uuwi ako dahil sa pamilya ko! Dahil sa kanila hindi sa walang kwentang bagay. Kapag magkita man kami, siguro panahon na rin iyon para kalimutan ang mga nakalipas sa kanya.

Hindi ko na dapat idikdik sa puso at isip ko ang ginawa nila. Matagal na rin naman kaya dapat tanggalin ko na iyon sa sistema ko at ayusin nalang ang relasyon sa pamilya ko. I have to move on, start with forgetting them and make a new life thinking that they are exist. Iyon nalang ang mabuting gawin para maging maayos na ako. Honestly, kahit pa lumipas ang tatlong taon, hindi ko rin naman sila makakalimutan e. Kaya dapat gawin ko na iyon!
Kalimutan ang mga bagay na walang kwenta.

Tama, bagay sila na dapat itapon na! Ang basura ay sa basurahan din ang tapon kaya doon sila nababagay. Kahit ano pang gawin nila, kapag nabulok na at namamaho ay dapat itapon dahil makakasira lang sila sa pang-amoy ng tao. Iyon ang pinakamadaling paraan para sa akin, ang magtapon ng basura. At sila iyon! Sila ang basura na itatapon ko!

Natanaw ko ang paglapit ni Jarrel sa akin. Nakaukit ang ngiti sa labi niya habang nakatingin sa akin. Huminga ako ng malalim at hinanda ang paglapit niya.

“The airplane is ready. Are you ready to go home?” he asked.

Tamad ko siyang tinanguan.

“I have no choice.” I said shortly.

He smirked and get our things. Dalawang travel bag lang ang dala namin. Hindi ko na inabala pa ang sarili na ubusin ang mga damit sa bahay dahil meron naman akong mga stock sa bahay namin sa Pilipinas. Ayokong ma-hassle kakadala ng mga bag, babalik din naman kami dito kapag maayos na ang ulo ni Karlmart. I’m not going home for good, let’s just say that I will go home just for vacation. After maybe months, I can go back here.

Binitbit ni Jarrel ang mga bag namin, nauna siyang lumakad kaya sumunod lang ako sa kanya. Nagulat ako ng may bumunggo sa akin. Hindi yata ako nakita ng lalaki sa nakasunod ako kay Jarrel kaya ng lumakad ako ay sumalubong siya. Hindi naman ako natumba, nahulog lang ang passport niya kaya inilingan ko iyon.

“Next time, watch your walk.” malamig kong sabi.

Pinulot ng lalaki ang passport niya bago tumayo ng tuwid at tumingin sa akin ng diretso. Halos matuod ako habang magkatitigan kami ng lalaking sumira sa puso ko tatlong taon na ang nakalipas. With his deep pair eyes, and matured face, I am shock while we stared at each other. Shit! Hindi ko ‘to inaasahan! Dito pa talaga ah! Dito pa kami magkikita sa dami-rami ng lugar na pwede naman! Oh God, how ironic this moment!

He smiled, showing his white complete teeth. Pansin na pansin ko ang maraming pagbabago sa kanya. From his looks down to his body. Tumaas din siya kaya mas lalong nahigitan ang taas ko. Naging cool din ang aura niya, pero hindi pa rin mawala sa akin ang ginawa niya. Dumilim ang mata ko, nawala ang gana sa pag-uwi.

“Long time no see, ma’am.” he said deeply.

I look at him, coldly. Wala akong sinabi kahit isang salita, basta ko nalang siya nilagpasan at iniwan. For shitting hell, I never thought we would see each other here! Akala ko nasa pilipinas siya at doon nabubulok! Akala ko hindi siya makakaalis sa bansang iyon dahil doon naman siya nababagay! Umiling-iling ako sa sarili dahil hindi ko inakala ito. This is shocking me, and seeing him now makes me feel mix emotion.

Lagunzad Series 3: Own Me Again (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon