Kabanata 20

4K 155 27
                                    

Kabanata 20

Last

Tumutulo ang luha ko habang umiiyak sa harap ng isang puntod. Hindi ko alam ang nangyayari, hindi ko rin alam kung bakit ako nandito pero ang nasa isip at puso ko ay pareho ang rason. Nandito ako dahil may nawala. Hindi ko maibigay ang tamang sagot dahil natatakot ako. Mabilis na tumulo ang luha ko kasabay ng pagbagsak sa lupa at pagluhod sa maliit na puntod.

Bakit? Bakit nangyari sa akin ito? Bakit ako umiiyak ng ganito?

“Hija, I’m sorry but your baby didn’t survive.” my mother said weakly.

Umiling-iling ako kasabay sa rumaragasang luha mula sa mata. Hindi! Hindi ‘to maaari! Hindi ako iiwan ng anak ko! Hindi niya ako iiwan kasi mahal niya ako!

“N-no! H-hindi ako naniniwala sayo!” umiiyak kong sabi.

She shook her head and tears burst into falls.

“I’m sorry hija.” tanging nasabi ni mama.

I didn’t believe her but my heart say it all. Umiiling-iling ako habang umiiyak at nakaluhod sa kanyang puntod. Halos hindi ako makahinga dahil sa sikip ng nararamdaman. Parang may nakabaradong bato sa dibdib ko at hindi ako makahinga ng maayos. I feel suffocated! My heart shout in crying. And yes…my child is gone! Iyon ang huli kong tinatak sa isip bago magising mula sa panaginip. Hingal na hingal ako habang may luhang lumalabas sa gilid ng mata ko.

Pinikit at bukas ko ang mata para gisingin ang sarili na isang panaginip lang pala iyon. Mabilis ang kabog ng dibdib, para akong aatakihin sa puso. Ang kalahating katawan ay nanginginig at hindi ko alam ang dahilan. Ramdam ko rin ang malambot na higaan, sa wari ko’y nasa kama ako. Nang maayos ko na ang sarili, nilibot ko ang mata sa paligid at napagtantong nasa hospital room ako. I tried to move my lower body but it doesn’t work. Hindi ako makagalaw at iyon ang hindi ko maintindihan.

Pinikit ko ulit ang mata at binalikan ang mga nangyari. Nasa labas ako ng apartment ni M-max habang umuulan at nanginginig na sa lamig ang katawan ko. Nagmamakaawa ako sa kanya na paniwalaan ako dahil alam ko sa sarili ko na hindi ako yung babaeng nasa larawan na pinakita niya. I try to fix everything but it seems that he doesn’t believe me. Mas pinaniwalaan niya pa ang babaeng iyon at ang ina niya kaysa sa akin na nagsasabi ng totoo. Nilalamig ako, halos lumuhod at lumuha ng dugo para lang paniwalaan niya ngunit hindi iyon nangyari.

At dugo! May dugong lumabas sa akin pagkatapos niya akong itulak at tumama sa gilid ng kotse ko ang tiyan. May dugong lumabas sa akin at siya ang may kagagawan no’n kung bakit ako nandito ngayon. Tinulak niya ako! Pinalayo niya ako sa kanya! Mas pinili niya pa ang babaeng iyon kaysa sa akin! Tinulak niya ako kung kaya’t nandito ako at hindi na alam kung nasa akin pa ba ang batang inosenteng maaaring nawala dahil sa kanya. Uminit ang gilid ng mata ko at tumulo ang punong-puno na hinanakit na luha ko.

Umiling-iling ako at kinilos ang kamay, hindi ko inalintana ang taong nasa gilid ko. Nagpumiglas ako sa galit, pagkamuhi, panghihinayang at pagkasawi. Umiyak ako habang nagwawala sa higaan. Mabilis kong naramdaman ang brasong yumayakap sa akin habang nagpupumiglas ako. Ang luha ay lumalabas na parang gripo sa bilis at dami.

“Shhhh c-calm down b-baby.” a familiar voice said.

Umiling ako at umiyak habang bumabalik sa alaala ang batang nawala sa akin. Humigpit ang yakap ng tao sa akin habang nagpupumiglas ako sa galit at hinanakit.

“B-bitawan mo ako! H-hayaan mo ako!” sigaw ko sa galit.

Bumukas ang pinto at nakita ko si mama at papa na nakatingin sa akin. Lumungkot ang mukha ni mama habang pinagmamasdan ako. Huminto ako, pumatak ang luha habang nangungusap sa magulang ko.

Lagunzad Series 3: Own Me Again (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon