Kabanata 12

3.4K 130 11
                                    

Kabanata 12

Hindi

Malakas na sampal ang binigay ko kay Max habang magkaharap kami ngayon. Huminto ako sa kahabaan ng astrodome at may mga punong matataas na siyang humaharang sa amin. Punong-puno ng galit ang kalooban ko habang hindi ko lubos maisip na magagawa niya iyon. Nanginginig ang kamay, tapos ko palang siya sampalin. Rinig na rinig ko ang buntong-hininga niya matapos matanggap ang galit kong sampal. Namuo ang luha sa mata, pinipigilan ang sarili na umiyak ngunit hindi ko yata magagawa. My heart is bleeding right now because the man I love is breaking me into pieces.

“Ang lakas ng loob mong sabihin yan sa akin pagkatapos ng mga ginawa mo! How dare you!” punong-puno ng riin kong sabi.

Yumuko siya kasabay ng pagtulo ng mga luha ko. Hindi ko ‘to inaasahan! Sa lahat ng pwedeng mangyari, ito ang pinakamasakit. Anong sabi niya? Ginamit niya lang ako para maiganti ang mama niya? Really? I don’t even know his mother! Bakit ako nadawit sa galit ng ina? Ano bang ugnayan namin noon na hanggang ngayon ay hindi siya pinapatulog ng galit?

Honestly, I don’t really know her! Paano kami nagkaroon ng ugnayan? Paano siya nagsuklam sa akin?

“I-I’m sorry…”

Umiling ako at tumulo ang luha sa mga mata ko.
“Really? Maximilian? Anong kinalaman ko sa plano ng mama mo ah? All I know is that I’m living peacefully and then you came! Paano ko siya natapakan at ngayon ay gumaganti sa akin ah?” sigaw ko sa harap niya.

Huminga siya ng malalim, inangat ang ulo para magkatinginan kami.

“B-baby—”

Tumilapon ulit ang palad ko sa pisnge niya. Sampal na ubod ng lakas! Sampal dahil napupuno ng galit ang kalooban ko sa kanya. Tangina! Ginamit niya lang ako para makaganti ang mama niya! Ginambala niya ang tahimik kong buhay para lang sa paghihiganti ng mahal niyang mama! Shit! Anong ginawa kong masama at bakit ganito ang tapon sa akin ng langit? Anong kasalanan ko at bakit sinasaktan ako ng lalaking ito? Minahal ko lang naman siya ah! Binigyan ko ng pagkakataon ang puso na magmahal dahil akala ko worth it sugalan ito!

Bumigay ako! Nagmahal ako dahil akala ko worth it siya! Hinayaan ko ang sarili na mahulog dahil akala ko siya na ang una at huli kong mamahalin. Pero lahat ng iyon ay hanggang akala lamang. Dahil ang totoo ay hindi naman pala! Hindi niya ako sineryuso! Hindi niya ako minahal ng totoo! Hindi tunay ang pinaparamdam niya sa akin! Hindi naman pala ako yung babaeng mahal niya e! Hindi ako yung babaeng nakikita niya sa future! Isa lang ako instrumento para makaganti ang mama niya. Ginamit niya lang ako!
“H-hindi ko lang maintindihan kung bakit nadawit ako sa galit ng mama mo! Bakit? Iyon ba talaga ang purpose mo kaya nilapitan mo ako at ginamit ah!” my voice is broken.

He shook his head, trying to defend himself. Namumula na din ang mga mata niya, paiyak na dahil sa komprontasyon namin.

“Talitha listen to me. I will explain—”

“Oo o hindi lang ang hinihingi kong sagot, Maximilian. I don’t need your fucking explain!” malutong kong mura.

“I need to explain my side—”

Sinampal ko ulit siya, malakas at matunog.

“Yes or no?” malamig kong sabi.

Lumandas ang luha niya, hindi napigilan ang sarili na umiyak habang magkaharap kami. Ang tanging gusto kong marinig ay kung ginamit niya lang ba ako. Yun ang magbubuo ng desisyon ko, kaya hindi ko kailangan ng eksplenasyon niya.

“Answer me! Ginamit mo lang baa ko ah?” galit kong sigaw.

Pinikit niya ang mga mata, nahihirapan sa tanong ko. Yun lang ang hinihintay kong sagot niya! Yun lang ang gusto kong marinig mula sa kanya! I don’t need his fucking reason! Kahit ano pa yan, wala akong pakialam!

Lagunzad Series 3: Own Me Again (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon