Kabanata 19

3.6K 130 43
                                    

Kabanata 19

Nawala

Dulot ng nakitang larawan nilang dalawa, hindi ako nagdalawang isip na tumayo at umalis ng bahay kahit hindi na nakapag-ayos ng sarili. Hawak ko ng mahigpit ang susi ng sasakyan ko, nanginginig sa galit at matinding selos kaya ng makalabas ako ng bahay, wala akong sinayang na oras. Mabilis akong sumakay sa kotse na napupuno ng galit ang puso. Pinaharurot ko ang sasakyan paalis ng bahay. Hindi ko na inalintana ang mga kasabayang mga sasakyan, galit ako at gusto kong manakit ngayon.
Nangingilid na ang luha ko dahil sa galit at selos.

Hindi ko na alam ang maaari kong gawin kapag magkita kaming tatlo ngayon. Gusto kong manakit dahil bakit nila ginagawa sa akin ito. Gusto kong magwala sa galit, sumigaw at ilabas ang lahat ng hinanakit ko sa kanilang dalawa. Ngayon palang kinakain na ako ng matinding galit, and I’m afraid if I couldn’t control it anymore. Sa ginagawa nilang dalawa, sumasabog ang puso ko ngayon. Nagpupuyos sa matinding galit at gusto silang saktan.

Mabilis din na bumagsak ang ulan habang nasa kalagitnaan ako ng biyahe. Sobrang itim ng kalangitan, umiiyak din dahil sa nangyayari sa akin. Pinaharurot ko pa ang minamanehong kotse at nanginginig sa galit ang sarili habang tumutulo na ang luha. Sobra na ‘to! Sobra na ang ginagawa nila sa akin. Wala akong kasalanan! Wala akong ginagawang masama sa kanila! I didn’t do anything! Tahimik ang buhay ko e! Tahimik ang buhay ko nung hindi pa sila dumadating e! Ni hindi ko nga alam kung sino sila at anong magiging ugnayan nila sa akin. I live a simple life, and I couldn’t even see that this will be happen.

My family give me the assurance of life. They brought me here because they want me to live with them. Ngayon napagtanto kong walang ibang sasalo sa akin kundi ang pamilya ko. Kahit anong mangyari, sila at sila pa rin ang tatanggap sa akin. Kahit nagkamali ako, nasaktan ko sila at gumawa ako ng malaking kasalanan, sila pa rin ang tatanggap sa akin at papatawarin ako sa mga kasalanang nagawa. No one can accept you but your family only. They will accept you wholeheartedly, and give you the assurance of new life.

Kaya ngayon, pagkatapos ko itong gawin ay sasabihin ko na sa magulang ko ang lahat. Hihingi ako ng tawad at magsisimula sa bagong buhay. Hindi ko na ililihim ito sa kanila, at kahit pa pagalitan ako ni papa ay tatanggapin ko. Tatanggapin ko ang galit nila dahil kasalanan ko din naman ito. They have the right to be mad at me. At kahit anong gawin nila sa akin ay tatanggapin ko iyon. Alam kong malaki ang kasalanan ko kaya hinding-hindi ako mapapagod na humingi ng tawad sa kanila.

Huminto ako dahil sa traffic, sobrang lakas ng ulan at hindi pa tumitila. Nangingitim din ang langit at walang planong tumigil sa kakaiyak. Pinigilan ko ang sarili na madala sa ulan, ayokong umiyak ngayon kasi gusto kong maging matapang kapag humarap ako sa kanila. Gusto kong makita nilang maayos ako at okay lang sa akin na ginagawa nila ito, pero nagpupuyos ang loob ko sa galit. I want to tell them how I loathe them. How I want to wreck that fucking woman face. How I want to scream and be mad at them. I want to cry when I finish my purpose, saying things that make me pain. Gusto kong gawin iyon kapag tapos na akong manakit, at kapag tapos ko ng sabihin ang lahat ng hinanakit ko.

Umandar ulit ako ng matapos ang traffic. Gaya ng naunang pagmamaneho, binilisan ko ang kotse para makarating agad sa kanila. Huminto ako sa tapat ng apartment niya, kinalma ko ang sarili dahil ayokong mag-burst out agad-agad. Gusto kong makita nilang hindi ako apektado kahit pa nagpupuyos na ako sa galit ngayon. Binuksan ko ang pinto ng sasakyan, mabilis kong naramdaman ang lamig dahil sa ulan. Lumabas pa rin ako kahit pa mababasa ng ulan, tiniis ang lamig habang naglalakad papunta sa pintuan niya.

Ilang segundo palang ako nasa ulan pero basang-basa na ako dahil sa lakas nito. Nanginginig ang kamay habang kumakatok, kinakaya ang lamig para matapos na ito. Walang may bumukas sa akin kaya inulit ko ng tatlong beses bago bumukas iyon at tumambad sa akin ang isang ginang na galit ang itsura.

Lagunzad Series 3: Own Me Again (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon