Kabanata 3

3.7K 118 11
                                    

Kabanata 3

Grow

Hinatid ko siya sa boarding house niya. Kahit kinakabahan ako, tinatagan ko pa rin ang sarili na ihatid siya. Ang loko, gusto pa akong papasukin sa loob at kumain daw muna kami. Mabuti nalang at tumawag si papa dahil hinahanap ako. Dahil doon nakauwi ako at nagkaroon ng rason para umalis. Hindi na rin naman siya namilit pa. Bumungtonghininga ako ng pumasok sa bahay namin. Wala ngayon dito si Alrus at Karlmart dahil nasa Manila sila.

Si Alrus nasa dagat dahil sa trabaho, si Karlmart naman ay nag-aaral pa sa kolehiyo. Kaming tatlo lang ang nandito sa bahay kaya ganito kung mag-alala si papa. Yes, he is a strict type of parent. Pero kahit ganoon pa man, hinahangaan ko pa rin siya dahil napagtapos niya kami at nabigyan ng magandang buhay. Sa tulong ng negosyo ng pamilya ni mama, lumago pa ito at iyon ang naging pangkabuhayan namin. Pero dahil sa tumatanda na si papa kaya hindi na niya ito mabantayan ng maayos. As of now, si mama at minsan si Alrus ang nag-aalaga ng negosyo namin.

Buti nalang din at may trabaho na ako, at least kahit papaano’y nakakatulong ako sa pamilya namin sa gastusin. Atsaka may ipon naman si papa para sa pag-aaral ni Karlmart kaya iyon ang ginagamit ng kapatid ko ngayon. Napahinga ako ng malalim, nabungaran si papa na nasa sofa at nanonood ng news. Hindi ko naman nakita si mama, siguro’y nasa kusina para magluto ng pagkain namin. Kinagat ko ang labi, nahihiyang humarap sa ama kong malalim na ang titig sa akin ngayon.

Bakit kaya ganito? Sa tuwing naghahalikan kami si Max pagkatapos nagkakaharap kami ni papa, nahihiya at nakokonsensya ako. Natatakot ako dahil baka mahalata ni papa ang ginagawa kong mali sa istudyante ko. Ayoko pa namang nagagalit si papa. Ayokong isipin niya pa ang problema ko. Malaki na ako at may sariling pag-iisip kaya ayokong problemahin niya pa ang sarili kong problema.

“Mabuti’t nandito ka na. Kumusta ang pagtuturo, Talitha?” he asked gently.

Lumapit ako sa kanya at nagmano, ngumiti kahit pa medyo hindi komportable.

“Maayos naman, papa. Hindi naman na mga bata ang mga istudyante ko kaya hindi na ako nahihirapan pa sa kanila.” sagot ko.

He nodded. Napansin kong tumagal ang titig niya sa leeg ko. Kumunot ang noo ko, nagtataka sa mga titig niya.

“What is that? Kiss mark?” he pin point my neck.

Mabilis na nanlaki ang mga mata ko. Napagtanto ang ginawa sa akin ng lalaking iyon. Shit, bakit niya ako binigyan ng hickey? Oh God!

“Ah? Hehe, h-hindi po papa.” I lied.

Ngumuso siya at tinitigan pa ako ng malalim. Para bang sinusuri ako ng maayos.

“Are you sure? It’s like a kiss mark, Talitha.” seryoso niyang sabi.

Umiling-iling ako tsaka ngumisi ng alanganin. Bwesit! Bakit ba kasi ginawa ‘to ni Max! Mas lalo tuloy akong nagi-guilty dahil kay papa.

“Y-yes, papa. Kagat ng lamok lang po yan.” I reason out.

Tumagal ang pagkunot ng noo niya, hindi tinatantanan ang leeg ko. I tried to keep it using my hair.

“Make sure, Talitha.” he said seriously.

Tumango ako at ngumiti pa rin. Biglang tumunog ang cellphone ko sa bag kaya labis ko ‘yung kinagulat. Bullshit! I know who’s calling! It’s Max! Sana hindi ko nalang siya binigyan ng number ko e! Pasaway talaga ng lalaking iyon!

“Who’s calling?” my father asked.

I smile hesitantly.

“My co-teacher. Siguro nagtatanong tungkol sa syllabus na ginawa ko.” pagdadahilan ko.

Lagunzad Series 3: Own Me Again (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon