Epilogue 2

2.4K 61 1
                                    

Deanna POV:

Agad na sumilay ang ngiti sa aking mga labi ng pagkabukas na pagkabukas ng aking mata ay maamong mukha ng aking asawa ang bumungad sa akin.

"Good morning Hun" bati ko sa kanya ng bumuka ang kanyang mga mata.

"Good morning" nakangiting bati nito sa akin.

"Ang ganda talaga ng asawa ko." sambit ko sa aking isipan.

Napangiti ako at saka dahan-dahan kong hinaplos ang kanyang pisngi.

Ginawaran ko siya ng malamyos na halik sa kanyang labi, na ikinangiti namin pareho.

" I love you" nakangiting sambit niya.

" I love you more" piningot ko ang tungki ng ilong niya na ikinanguso niya, natawa naman ako sa ginawa niya.

Tatayo na sana siya ng hilahin ko ulit siya kaya napahiga ulit siya sa kama.

Akmang hahalikan ko na siya ng biglang may kumatok sa pintuan ng aming kwarto.

"Mommy"

"Mama"

"Are you awake?" tanong nito.

Tumayo naman ako para pagbuksan ito ng pintuan.

Pagkabukas ko ay agad itong nagtatakbo at saka umakyat sa kama.

"Mommy!!!" tuwang-tuwa sambit nito at saka niyakap si Jema.

"Good morning baby" bati sa kanya ng aking asawa.

"Good morning mommy" bati nito pabalik at saka pinugpog ng halik sa mukha si Jema.

"Where's my good morning?" tanong ko at saka ako lumapit sa kanilang dalawa.

Humarap naman sa akin ang aming anak at saka ako niyakap, kaya na out of balance ako at napahiga kami sa kama.

"Good morning mama" bati nito sa akin at pinugpog din ako ng halik sa aking mukha.

"Good morning" bati ko sa kanya at saka ito kiniliti, kaya naman tawa ito ng tawa.

"Tayo na kayong dalawa dyan, at mag- aalmusal na tayo" ani ng mahal kong asawa at nauna na itong lumabas.

Naglinis muna kami ng katawan ni Selene bago bumababa papunta sa dining.

Selene Galanza Wong yan ang ipinangalan namin sa aming anak at apat na taon na siya.

Pagkababa namin sa dining ay naabutan naming naghahain ang mahal kong asawa.

Binuhat ko si Selene at pinaupo ko ito sa isang silya.

Tinulungan ko ring maghain ang aking asawa.

Pagkatapos namin maghain ay pinaghila ko ito ng silya bago ko sila tabihan.

"Mommy ako na, big girl na kaya ako" pagpigil ni Selene sa kanyang mommy.

"Okay, but make sure na dadamihan mo ang akin " bilin nito.

"Okay po Mommy" nag thumbs up pa ang aming anak na aming ikinatawa.

Ang kulit talaga.

"Kumain kana Hun" aya ko sa kanya.

"Ikaw din at maaga pa ang pasok mo" sambit nito at hinawakan ang aking kamay.

"Sino nagsabing papasok ako ngayon?Eh mamamasyal tayo" sambit ko.

"Really mama?" masayang tanong ng aming anak.

"Yup, baby" sambit ko.

Napatili naman ito at saka puma-
lakpak.

_________

"Monkeeeey!" masayang itinuro ni Selene ang mga unggoy na naglalambitin sa puno.

Nandito kami ngayon sa Manila Zoo dahil yan ang request ng aming makulit na anak.

"Mommy, Mama pwede po ba natin silang hawakan?" tanong nito sa amin.

Binuhat ko ang aming anak at hinawakan ko naman ang kamay ni Jema.

"Sorry baby pero bawal natin silang hawakan" sambit ni Jema dito.

"Why po?ih mukha naman silang kind eh, ang cute kaya nila"

"Bawal dahil baka hilahin ka nila at baka saktan ka nila" paliwanag pa nito sa aming anak.

"Mukha naman silang harmless ih" kontra pa ng aming anak na ikina-
kamot ng aking asawa sa kanyang kilay kaya natawa ako.

Pabiro naman akong pinalo ni Jema sa aking balikat.

Bago ito nagsimulang magpaliwanag na naman sa aming anak.
____________

"Mommy, Mama punta muna ako sa slide huh" paalam nito sa amin.

Tumango naman ako sa kanya.

"Mag-ingat ka anak baka mahulog ka" bilin ng aking asawa sa aming anak.

Pagdating kase sa aming anak ay napaka protective ng aking asawa.

Tumatakbong umalis ang aming anak at masayang pinagmasdan namin ito.

Lumapit ako sa aking asawa at saka hinawakan ko ito sa kanyang kamay.

Nang nag-angat ako ng tingin ay sumalubong sa akin ang masaya nitong mukha na aking ikinangiti.

"Hindi ako makapaniwala, dati pina-
pangarap ko lang na makasama ka habang buhay pero ngayon heto kana sa aking tabi at masayang naka-
kasama araw-araw at higit sa lahat binigyan mo pa ako ng makulit na anak" sambit ko sa kanya at hinaplos ko ang kanyang pisngi.

Hinawakan niya ang aking kamay na nasa kanyang pisngi at saka buong puso akong hinalikan.

"I love you, at masaya ako kase natupad ang mga pangarap mo, lagi mong tatandaan na kayo ang buhay ko" ani nito.

"I love you too more you ever know, handa akong gawin ang lahat para sa inyo ng ating anak" sinsero kong sambit at ginawaran ko siya ng masuyong halik.

"Ooopx" sambit ng maliit na tinig kaya napaharap kami dito.

At nakita namin ang aming anak na nakatakip sa kanyang mga mata. Natawa naman kaming mag- asawa at saka binuhat ko ang aming anak at saka pinaupo ko ito sa aking kandungan.

"Anong nakita mo huh?" tanong ko dito.

"I didn't see anything" kontra naman nito.

"Talaga ba? then tell me kung bakit nakatakip ka sa iyong mga mata?" hamon ko pa dito.

"Mama, naman ih, wala nga akong nakita" nakangusong sambit nito.

Natawa naman kami ni Jema sa kanya.

___________________

Pinag masdan ko ang aking mag- ina na masayang nagkukulitan at saka ko naramdaman ang contentment sa aking buhay.

Masaya ako, masaya akong makita ang aking mag- ina at wala na akong hihilingin pang iba.

Sapat na sa akin na masaya ko silang nakikita..

Sa mundo na puno ng takot at kadiliman, nandito kami ni Jema na nagpapatunay na sa bawat pagsubok ay mayroong solusyon at sa bawat kadiliman ay mayroong liwanag na siyang mag tuturo sa panibagong bukas.

The End!

Back At One (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon