Chapter Eight

1.7K 60 0
                                    

Jema POV:

Pugto ang aking mga mata, ngunit hindi ko ito pinansin, bagkus ay pinagpatuloy ko lamang ang pagpasok sa loob ng aming bahay.

Pagkaakyat ko sa second floor ay nakasalubong ko si Yaya Lusing ang mayordoma dito sa bahay.

"Anong nangyari sayo iha, umiyak ka ba?" bakas ang pag-aalala sa kanyang boses.

"Nandyan po ba si Daddy?" tanong ko sa  kanya at hindi pinansin ang kanyang tanong.

" Nasa office niya ang iyong ama" sambit nito.

Wala na akong sinayang na oras, at dumiretsyo na ako sa office ng aking ama, sana naman ay pagbigyan niya ako sa aking hihilingin sa kanya, dahil kahit sa natitirang buwan bago ako matali sa lalaking di ko naman mahal ay gusto kong maging malaya.

Kahit minsan manlang ay maranasan ko ang maging malaya, yung walang nagdidikta sa akin.

Third Person POV:

Busy magcheck ng mga documento si Mr. Galanza ng biglang pumasok ang kanyang kanang kamay na si Sebastian.

Si Sebastian na kanyang pinag
kakatiwalaan.

"Sir" pag-agaw pansin sa kanya, nito kaya  napaangat siya ng tingin at saka inayos ang kanyang suot na salamin.

"Sana naman ay magandang balita yang bitbit mo ngayon sa akin Sebastian" sambit nito, at saka umayos ng upo, at pinagsiklop ang kanyang mga palad.

Tumango sa kanya si Sebastian kaya naman napangiti siya ng malawak, minsanan nalang kung magdala sa kanya si Sebastian ng magandang balita, kaya naman masaya siya ngayon.

"Umalis ho, ang bunsong anak ng mga  Wong upang magbakasyon ng isang buwan"

Sa narinig ni Mr. Galanza ay bigla siyang napatayo at napangisi,  magaling mangasiwa ang bunsong anak ng mga Wong, kaya ngayong wala na ito'y, pwede niya ng magawa ang matagal niya ng pinaplano ang paghihiganti sa mga Wong.

"Sino ng pumalit sa kanya?" tanong niya at saka kumuha ng isang baso at nagsalin ng wine.

"Ang pinsan nito ang pansamantalang
papalit sa kanya, ayon sa nakalap kong inpormasyon ay wala pa itong karanasan sa pamamahala sa pagiging CEO" mahabang lintanya ni Sebastian.

"That's good to hear, sigudong mapapadali ang ating pagpaplano upang pabag----"

Hindi na natapos ni Mr. Galanza ng ang kanyang sasabihin ng biglang pumasok ang nag-iisa niyang anak.

"Where's your manners young lady?" pagalit niya sa kanyang anak.

"D--ad" garalgal na sambit nito.

"Kung kakausapin mo na naman ako upang hindi matuloy ang kasal niyo ni Ian ay huwag ka ng umasa na pagbinigayan kita, pinag-usapan na natin ito Jema" sambit niya na ikinatungo ng kanyang anak.

"Dad"

"Wag mo akong galitin Jema" banta niya, ngunit nagulat siya ng lumapit sa kanya ang kanyang anak at saka lumuhod.

"Pagbigyan niyo naman po sana akong kumuha ng apartment, gusto ko po munang maging malaya bago ako ikasal" umiiyak na sambit nito.

Umigting ang kanyang panga sa kanyang narinig.

Ano na naman bang kalokohan ang gusto ng kanyang anak?

"What the used of having an apartment kung sa ilang buwan na lamang ay titira kana kasama ang iyong mapapangasawa"

"D--ad pleaseee" pagmamakaawa nito sa kanya.

"Tigilan mo ako Jema, at umalis kana sa opisina ko" nagpipigil ng galit na sambit niya.

Ayaw niyang pagbuhatan ng kamay ang kanyang anak.

"Parang awa niyo na Dad" kumapit kanya ang Jema habang nakaluhod pa rin ito.

Kaya nakita niya kung gaano ka hirap ang pinag dadaanan ng kanyang anak,  sa pagtingin niya sa kanyang anak ay naalala niya ang kanyang sarili dito.

He remembered how broke he is, ng pagkaitan ng mga Wong na tulungan siyang makaahon, na tulungan siya upang kanyang maipagamot ang kanyang mahal na asawa.

Dahil sa mga Wong kaya namatay ang kanyang asawa, kaya naman kahit ilang taon na ang lumipas ay hindi maalis ang kanyang galit sa mga ito.

Sa pagkamatay ng kanyang asawa ay parang namatay na rin siya, buti na lamang ay nandyan pa ang kanyang anak, upang magpatuloy sa buhay.

At upang makapaghiganti sa mga Wong.

Napabuntong hininga siya at saka siya tumayo, upang humarap sa labas ng bintana.

"Pagbibigyan kita sa iyong gusto, ngunit ang kapalit nito ay ang pagpapakasal mo kay Ian" sambit niya.

Tumayo ang kanyang anak at saka siya niyakap na kanyang ikinagulat.
Ilang taon na ba ang lumipas ng maramdaman niya ang yakap ng kanyang anak.

"Maraming salamat Dad" bukal na pasasalamat sa kanya ng kanyang anak bago lumabas ng kanyang opisina.

Napaupo muli siya sa kanyang swivel chair, at pagak na napatawa ng makita niyang may umalpas na luha galing sa kaliwa niyang mata.

Pinunasan niya ang kanyang luha at saka napatingin sa pintuan na nilabasan ng kanyang anak.

Kung buhay pa sana ang kanyang asawa siguro ay isang masayang pamilya sila ngayon, ngunit dahil sa mga Wong ay pinagkaitan nito ang kanyang anak na magkaroon ng isang mabuting ina, at pinagkaitan siya na makasama niya ng matagal ang kanyang asawa.

"Gusto ko ng matapos ang aking plano Sebastian" sambit niya sa kanyang kanang kamay na hanggang ngayon ay hindi pa rin umaalis sa kanyang opisina.

"Masusunod po Sir" magalang na sambit nito sa kanya.

Pagkalabas ni Sebastian sa kanyang opisina ay nagtungo siya sa isang drawer at kinuha ang larawan ng kanyang asawa.

Nagsalin siyang muli sa kanyang baso ng wine, at saka inisang lagok ito. Ito lagi ang kanyang ginagawa kapag mag-isa lamang siya sa kanyang opisina ang magpakalasing sa alak hanggang sa pansamantalang makalimot sa hindi pantay na mundo.

Life is so unfair for him, dahil sa dami ng masasamang tao bakit sila pa ng kanyang anak ang napiling pagkaitan ng isang ina at asawa.

Bakit sila pa?

Hinaplos niya ang larawan ng kanyang asawa at napamura na lamang siya ng maramdaman niya tumulo na naman ang kanyang luha.

Kinuha niya ang wine at saka niya ito ininom ni hindi niya na naisip na gamitin ang basong gamit niya kanina dahil sa nag halo-halong emosyon na kanyang nararamdaman ngayon. Galit, poot, at higit sa lahat pangungulila.

Bakit ba hindi pantay ang mundo para sa kanila ng kanyang anak?

Sa sobra niyang kalasingan ay napatungo siya sa kanyang office table, ngunit bago siya lamunin ng kadiliman ay sinambit niya muna ang " malapit na kitang ipaghiganti mahal kong asawa".

~•~•~•~•~•
Wazzzupp, mga mahal kong bubuyog!!

Sorry for grammatical errors and typos.

Cp lang po ang gamit ko, kaya pasensya na pow!

Back At One (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon