Jema POV:
"Hindi ka lalabas ng ganyan ang suot" nakabusangot na sambit ni Deanna sa akin.
Napasimangot at napairap naman ako sa kanya.
"Wala namang mali sa suot ko" inis na sambit ko.
Pinasadahan niya naman ako mula paa hanggang ulo at saka siya sumimangot.
"Walang mali, look at you kita na yung kaluluwa mo sa two piece na suot mo"
Napasimangot at nagdadabog naman akong pumasok ng banyo upang magpalit ng suot.
Anong gusto niyang suotin ko pajama eh, nandito kami sa resort.
Paglabas ko sa banyo, ay tinaasan naman niya ako ng kanyang kilay.
"Ano na naman bang mali?" naiinis kong tanong sa kanya.
Sinamaan niya naman ako ng tinggin, na ikinasimangot ko sa kanya.
"Palitan mo yang pang itaas mo, dahil kita yang tiyan mo, bat ba parang kinulang sa tela yang mga dala mong damit?" naiinis na sambit nito.
"Malamang nasa resort tayo, anong gusto mong isuot ko pantalon, pajama o di kaya saya?" inis na sambit ko, puro kase siya reklamo nakakainis na.
"Ang dami mong sinasabi, pwede ba mag palit ka nalang ng pang itaas mo" pagtataboy nito sa akin, kaya padabog na naman akong umalis sa harap niya at binalibag ko ang pintuan ng banyo.
Nagpalit ako ng white t-shirt at saka ako lumabas ng banyo.
Paglabas ko ng banyo ay agad akong sinalubong ni Deanna ng yakap.
"Galit kaba? I'm sorry, ayoko lang namang mabastos ka sa labas" sambit nito na ikinangiti ko.
Sino ba naman ako para magalit sa napaka maalalahaning babae na ito.
"Hindi naman ako galit, naiinis lang ako" sambit ko.
"So, tara na" nakangiti kong aya sa kanya.
Hihilahin ko na sana siya palabas ng pigilan niya ako at nilabas niya ang isang pantali sa buhok at saka niya tinalian ang aking buhok.
"Ayan, okay na" nakangiti niyang sambit na halos mawala na ang kanyang mga mata.
Hinawakan niya naman ang aking kamay at saka ako hinila palabas ng aming hotel room.
Paglapit namin sa aming mga kasama ay mabilis kong binitawan ang kamay ni Deanna, agad naman akong niyakap ni Klea ng makita niya ako.
Lumapit naman si Deanna sa kanyang kaibigan na si Maddie.
"Okay ka lang?" tanong sa akin ni Klea, ngumiti naman ako sa kanya at saka ako tumango.
"Nandito na ba ang lahat?" tanong ni Jaycel ang pinsan ni Deanna.
Agad naman silang nagsisagutan.
"Okay, our first game today, is beach volleyball, bubuo tayo ng dalawang team ang team ko at ang team ni Jaycel" panimula ni Deanna.
Agad namang nagsibulungan ang mga kasamahan namin.
"Sana sa team ako ni Ms. Deanna, balita ko volleyball player daw yan nung college eh" bulong ni Jill kay Erica ang kapwa assistant chef niya.
"Ikaw Chef. Aris, kaninong team mo gustong mapunta?" tanong ni Jill kay Chef. Aris.
Bigla namang nag-isip ni Chef. Aris at saka ngumiti.
"Gusto ko kay Ms. Deanna" nakangiti sambit nito.
"Ikaw Chef. Jema kaninong team mo gustong mapunta?" tanong naman sa akin ni Jill na ikinagulat ko.
"Ahh, kung kanino nalang" nahihiya kong sambit.
Agad namang lumapit sa amin si Maddie na may dala-dalang may kalakihang box na may lamang maliliit na nakatuping papel at saka kami isa-isang pinabunot.
"Kung sino ang nakabunot ng no. 1 ay mapupunta sa team ko, ang no. 2 naman ay sa team ni Jaycel" sambit ni Deanna.
"Anong number nabunot mo Chef?" tanong sa akin ni Klea.
"1" sambit ko, na ikinalaki ng mata niya.
"Kay Ms. Deanna ka" nanghihinayang na sambit nito.
"Bakit anong number ba nabunot mo?" balik tanong ko naman.
"2" sambit nito.
"Since, 24 tayong lahat dito, ang kalhati ay mauupo muna sa gilid at ang iba ay maglalaro, meron tayong 12 individuals kada team, kaya pumili na kayo ng anim na una niyong papalaruin" ani ni Deanna.
At saka kami nagsilapitan sa aming team.
Nagulat pa siya ng makita niya akong nasa team niya.
"Ako ang magsisilbing setter ng team natin" turo nito sa kanyang sarili.
"Ikaw naman ang spiker Jema" turo niya sa akin at saka ngumiti.
"Libero ka naman Erika" turo niya dito at kinilig naman ang isa.
"Kayo Audrey at Shane ay blocker" agaw pansin niya sa dalawa na nagtatalo, nahihiya namang sabay na napatango ang dalawa.
"At ikaw Tin, ang hahalili kay Jema, you will be a spiker too." ani niya na ikinatango nito.
Kung nagtataka kayo kung bakit kilala niya kaming lahat sa dami namin ay dahil lahat kami ay may suot na name tag.
Yes po, Opo, may suot po kaming name tag para makilala, silang tatlo lang ata nila Jaycel ang walang suot na name tag.
Deanna POV:
Pagkatapos ko kausapin ang aking myembro, ay pasimple akong lumapit kay Jema.
"Yes, Ms. Deanna?" tanong nito sa akin na ikinasimangot ko.
Kapag kasama kasi namin ang lahat ay nagiging formal ang pakikipag- usap nito sa akin.
"Bat ba ang formal mong makipag- usap sa akin?" bulong ko sa kanya.
"Kase ikaw ang boss" bulong nito pabalik.
"Saka magtataka silang lahat, kapag Deanna lang ang itinawag ko sa CEO namin" pahabol pa nito kaya napabuga ako ng hanggin at lumayo sa kanya.
Alam ko namang kumplikado pa ang pinagdadaanan naming dalawa.
Siya ikakasal na, tapos bigla pa akong sumulpot sa buhay niya.
Pero mahal niya ako sambit ko sa aking sarili.
Mahal ka niya, pero tandaan mo ikakasal na siya sa iba pangongontra ko naman sa aking sarili.
"Oh, Deanns bat nakabusangot ka dyan?"
Sita sa akin ni Maddie ng lumapit ako sa kanila..
"Wala" sambit ko, para matigil na ang pagtatanong nito.
"Wala daw, pero yung mukha parang pinagsakluban ng langit at lupa" ani pa nito.
"Uii, Cous wag ka dito sa team namin, alam kong nandito ka para alamin ang mga gagawin namin, ikaw pa naman ang leader sa kabila, tapos ikaw pa tong espiya nila" pambi-
bintang sa akin ng magaling kong pinsan kaya sinamaan ko siya ng tingin."Joke lang, di kana mabiro" ani pa nito.
"Ewan ko sa inyong dalawa, makaalis na nga dito" ani ko at saka ako bumalik sa team ko na ngayon ay nagreready na.
•••••••••••••
💞
Pag pinaglaban ba ni Jema si Deanna ibig sabihin nun sundalo na si Jema?🙃
Sabi ko nga ang corny.😩
BINABASA MO ANG
Back At One (Completed)
Fanfiction"Gusto mong ba talagang malaman?" "Oo, kase karapatan ko iyon" sambit ko sa kanya at halos nagsisigawan na kaming dalawa ngayon. "Kase di kita mahal Deanna" walang ekspresyon na sambit nito, na ikinatulo ng aking mga luha. "That's not true" di nani...