Jema POV:
Agad akong napabalikwas ng bangon ng maalala ko ang nangyari kagabi, lumabas ako sa aming gate upang lumanghap ng sariwang hangin ng biglang, may tumakip sa aking ilong, kaya dahan-dahan nandilim ang aking paningin.
Tinignan ko ang aking sarili, at agad na sumiklab ang kaba sa aking dibdib ng makitang nakasuot ako ng hindi pamilyar na damit, at nasa loob din ako ng hindi pamilyar na kwarto.
Lumabas ako sa kwartong iyon, at naglakad ng nakapaa.
"Good morning" bati sa akin ng isang magandang babae, nakangiti ito sa akin na ikinabilis ng tibok ng puso ko.
"Si--no ka?" mahina kong tanong.
Lumapit naman siya sa akin, kaya napaatras ako.
Nang makalapit siya sa akin ay agad niya akong hinawakan sa aking bewang at agad niyang sinakop ang aking labi gamit ang kanya na ikinalaki ng aking mga mata sa gulat.
She kissed me passionately, agad ko naman siyang tinulak at walang sabi-sabing sinampal ko siya ng malakas.
"How dare you!" galit kong sambit at pinagpapalo ko siya sa kanyang dibdib ngunit wala manlang siyang ginawa upang umiwas, hinayaan niya lang akong pagpapaluin siya.
Nang mapagod ako ay agad akong napaupo sa sahig.
"Breakfast is ready, let's eat together" sambit nito at saka ako walang kahirap-hirap na binuhat at iniupo sa isang upuan.
"Sino ka ba? Bakit ka basta-bastang nanghahalik?" tanong ko na naman ng maiayos niya na sa lamesa ang aming kakainin.
Umupo lang siya sa aking harapan at hindi ako pinansin na aking ikinainis.
"Uuwi na ako" sambit ko at tatayo na sana ako ng mabilis niya akong pigilan.
"Kumain ka muna" matamlay na sambit nito.
Tahimik lang kaming nakain habang ako'y pasulyap-sulyap sa kanya ng bigla ko na namang maalala ang nangyari kagabi.
"Ikaw ba ang tumutulong sa akin kagabi? Ikaw ba ang tumulong sa akin mula sa mga kamay ng kidnapper?" tanong ko na ikinasamid niya, dali-dali siyang uminom ng kape ngunit napaso naman siya.
"Fuck" malutong at mahinang sambit nito bago tumayo at pumunta sa sink.
Nang bumalik siya sa pagkakaupo sa harap ko ay saka siya tumingin sa akin kaya nagkatitigan kami.
"Ako ang kumidnap sayo" sambit niya, na ikinataas ng mga balahibo sa aking batok at biglang nanigas ang aking katawan.
Maang na nakatingin lang ako sa kanya habang patuloy siyang kumakain, ako naman ay biglang nawalan ng panlasa.
"Uuwi na ako" matapang kong sambit, ngunit walang ekspresyon lang siyang tumingin sa akin.
"Then go" nahihirapan niyang sambit at saka siya tumayo sa kanyang kinauupuan at mabilis siyang lumapit sa akin.
Napasinghap naman ako ng bigla niya akong halikan, akmang itutulak ko na siya ng lalo niyang diinan ang pagkakahalik sa akin, nauubusan na ako ng hininga kaya naman, agad akong tumugon sa kanyang halik, at napapikit ako ng aking mata ng maramdaman ko ang kakaibang sensasyong dala ng kanyang halik.
Habang hinahalikan niya ako ay naramdaman kong parang may malamig na bagay ang dumampi sa aking pulso, kaya naman ng maghiwalay ang aming mga labi ay agad ng laki ang aking mga mata ng makitang nakaposas na ako ngayon sa upuan na aking ikinakasalampakan ngayon.
Agad na nang init ang aking ulo, at masama akong tumingin sa kanya ngunit nginisian niya lang ako.
"Pakawalan mo ako dito, gusto ko ng umuwi!" galit kong sambit ngunit di niya ako pinansin, bagkus ay inayos niya ang aming pinag-kainan.
"Sino ka ba talaga huh?" tanong ko sa kanya habang siya'y nililigpitan ang mga ginamit namin.
"Kinalimutan mo na agad ako Jema, alam mo ba kung gaano ka sakit ang kalimutan" mahinang sambit nito at saka siya lumapit sa akin upang dampian ako ng halik sa aking labi na ikinainis ko.
"Ano bang atraso ko sayo?" naiinis kong tanong sa kanya.
"Madami, sobrang dami Jema" sagot niya naman.
"Hindi kita kilala, kaya paanong magkakaroon ako ng atraso sayo?" tanong ko at pinagsisipa ko ang table kahit nakapaa lang ako ngayon.
"Kilala mo ako" sambit nito.
"Hindi kita, kilala!" sigaw ko sa harap niya na ikinadilim ng kanyang mukha kaya agad akong kinabahan.
"I'm Deanna Izabella Wong, does my name ring a bell on you?" sambit niya na ikinatulala ko.
Napatulala ako sa aking nalaman kaya naman hindi ko namalayan na hinigit niya na ako papunta sa kwartong pinanggalingan ko kanina.
Agad niya ulit akong ipinaupo sa isang upuan at saka ako ipinosas doon.
Habang ang mga alaala naman noon ay bumalik sa aking isipan.
"Jema" napangiti ako ng marinig ko ang boses ni Deanna habang masayang tinatawag ang aking pangalan.
Nang makalapit siya sa akin ay agad niya akong niyakap, at mabilis ko naman siyang hinalikan sa kanyang labi na ikinapula ng kanyang mga tenga.
"Nalulungkot ako" sambit nito at saka ako pinaupo sa kanyang kandugan. " Bakit naman?" tanong ko.
"Kase bukas aalis ka na, papunta sa France upang doon mag-aral, mamimiss kita Jema" malungkot na sambit na ikinalungkot ko.
Plano kase nila Dad na pag- aralin ako sa France, kaya naman kahit malungkot na maiiwan ko siya dito ay wala akong magagawa para pigilan ang aking ama.
"Don't worry, pwede naman tayong mag Skype eh" sambit ko.
"Pero mamimiss ko yung yakap mo at yung.."
"Yung halik ko" dugtong ko sa sasabihin niya kaya namula na rin pati ang kanyang mukha.
"Mahal kita, Jema mahal na mahal" sambit nito at saka hinalikan ako sa aking buhok na aking ikinangiti.
Mahilig niya kasing halikan ang aking buhok.
"I love you too, Deanna" sambit ko at saka ko siya niyakap at inihilig ko ang aking ulo sa kanyang dibdib.
"Wag mo kong kakalimutan" sambit niya na ikinatawa ko, paano ko naman siya makakalimutan kung siya ang laman ng puso't isip ko.
"Syempre naman, Hinding-hindi ko kakalimutan ang makulit na Deanna" sambit ko na ikinasaya niya at kumislap narin ang kanyang mga mata.
"Promise" paniniyak pa nito.
"Promise" sagot ko naman at imbis na pinky swear ay hinalikan ko siya sa kanyang mga labi.
"Alagaan mo ang sarili mo Deanna, gusto ko pagbalik ko galing France ay isa ka ng successful na tao" aniya ko pa.
Agad naman siyang tumayo, kaya napatayo na rin pati ako.
Tumayo siya sa harapan ko ay kinuha ang aking dalawang kamay at itinapat iyon sa kanyang dibdib.
"Pangako ko sayo Jema, gagawin ko lahat para maging isang successful na tao, tapos papakasalan kita" puno ng pangarap na sambit nito at saka ako niyakap.

BINABASA MO ANG
Back At One (Completed)
Fiksi Penggemar"Gusto mong ba talagang malaman?" "Oo, kase karapatan ko iyon" sambit ko sa kanya at halos nagsisigawan na kaming dalawa ngayon. "Kase di kita mahal Deanna" walang ekspresyon na sambit nito, na ikinatulo ng aking mga luha. "That's not true" di nani...