Chapter Twenty

1.9K 75 5
                                    

Jema POV:

Nakatulala ako sa kawalan ng bigla akong lapitan ng isang nurse.

"Miss, kailangan po nating linisan ang sugat niyo" ani nito at saka tumabi sa kinauupuan ko.

"I'm fine, ako na lang ang bahalang maglinis nito" sambit ko dito.

Magsasalita pa sana ito ng biglang dumating si Maddie kasama ang magulang ni Deanna.

"Okay ka lang ba Jema?" nag-aalalang tanong nito sa akin, at tangging pag iling lang ang aking naisagot.

"Ang anak ko" naluluhang sambit ng ina ni Deanna at saka nanghihinang napaupo sa sahig, agad naman itong dinaluhan ni Mr. Wong.

Pinapakalma nila Maddie si Mrs. Wong ng humahangos na dumating ang aking ama at saka bigla akong niyakap, sa gulat ko ay bigla ko siyang naitulak.

"Anak" sambit nito na ikinapikit ko.

Nang imulat ko ang aking mga mata ay puno na ito ng galit na nakatingin sa kanya.

"Kasalan mo ito, hindi sana mang-
yayari ang bagay na ito kung hindi niyo ako pinilit na ipakasal sa lalaking iyon" galit na sambit ko at saka tinalikuran ko ang aking ama.

"Jema, anak" tawag nito sa akin ngunit tuloy-tuloy lang ang aking paglakad hanggang makarating ako sa comfort room ng ospital na ito.

Tinignan ko ang aking sarili sa salamin at napaluha na lang ako ng makita ko ang aking sarili dito.

May pasa ang gilid ng aking labi at bakat pa rin ang sampal na iginawad sa akin ni Ian, habang ang damit ko naman ay puno ng dugo ni Deanna.

Umiyak ako ng umiyak sa loob ng banyo, hanggang napagdesisyunan kong ayusin ang aking sarili, nag-
hilamos ako na aking ikinangiwi kumirot kase ang aking pasa.

Nang matapos ako ay lumabas na rin ako at saka pumunta kung saan ino-
operahan ngayon ang babaeng mahal ko.

Nang makarating ako rito ay nabutan ko ang mag-asawang Wong.

Katungo naman akong lumapit sa katabing inuupuan nila. Tahimik akong umupo at saka tumulala hanggang ngayon ay hindi ko maiwasan na sisihin ang aking sarili sa nangyari sa kanya.

"Pwede ba tayong mag-usap?" tanong sa akin ni Mrs. Wong kaya naman mabilis kong pinunasan ang luhang tumulo sa aking pisngi.

Kinakabahan naman akong napatango.

"Follow me" ani nito.

Sinundan ko naman siya hanggang sa nakarating kami sa rooftop ng ospital.

"I'm sorry" panimula nito, na pinag-
taka ko.

Bakit siya humihingi ng tawad sa akin?

"Kasalan ko, kasalanan namin kaya nangyari ito sa aking anak, kung sana lamang ay naging patas kami sa pamilyang Reyes ay hindi sana ito mangyayari" sambit nito na lalong pinagtaka ko.

"Siguro ay naguguluhan ka" ani nito na ikinatango ko.

Galit na galit si Vicente Reyes ng malamang na nagback-out si Dean Wong sa malaking proyekto na ino- offer niya dito.

"Dad, what happened?" tanong ng kanyang anak na si Ian ng makita nitong nakakalat ang lahat ng papeles.

Sasagot na sana ang kanyang ama ng biglang dumating ang kanilang kasambahay at kinakabahan itong napatingin kay Mr. Reyes

Back At One (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon