Jema POV:
Inaayos ko ang aking gamit sa aparador na aking dala dito sa aking apartment.
Buti nalang ay pumayag ang aking ama na maranasan ang pagiging malaya.
Alam kong pag nagpakasal na ako kay Ian ay wala na akong kawala dito, alam kong magiging sunod-sunuran na naman ako sa kanila na parang isang robot na di susi.
"Naayos ko na ang iyong gamit sa sala" masayang sambit sa akin ni Klea kaya agad akong napangiti sa kanya.
Masaya ako na nakilala ko si Klea, mula ng malaman niya ang tungkol samin ni Deanna, ay hindi manlang siya sa akin nagtanong kahit alam kong gulong-gulo narin siya ay pinili niya paring manahimik at hindi ako pilitin.
Hindi niya rin ako pinabayaan at lagi siyang nasa tabi ko everytime na kailangan ko ng isang tao upang damayan ako.
"Salamat" bukal sa puso na pasasalamat ko sa kanya, at nag heart shaped lang siya sa akin bilang tugon na ikinatawa ko.
May pagka loka-loka talaga itong babaeng ito.
Lumapit siya sa akin at tinabihan ako.
"Okay kana ba?" nag-aalalang tanong nito sa kin.
"Oo naman" sagot ko kahit sa loob- loob ko'y parang pinapatay na ako.
"I know you're not okay" sambit nito ay niyakap ako, kaya napayakap nalang ako sa kanya pa balik.
Ilang minuto rin kaming magkayakap bago kami ng hiwalay at sabay na napatawa.
"Merong malapit na 7/11 dyan, gusto mo ng Ice-cream?" tanong nito sa aking kaya biglang nag puso ang aking mata at dali-daling tumango sa kanya.
"Gusto ko ng Creamline ice-cream, yung strawberry flavor" pakyutt na sambit ko ka ikinatawa niya at pinisil ang aking pisngi na ikinanguso ko.
"Sige bibilhan na kita, kiddo" sambit nito na ikinasimangot ko, gawin ba naman akong bata.
Pagkaalis ni Klea ay ang disenyo naman ng aking kwarto ang aking inayos, isinalansan ko ang aking mga larawan sa bedside table ng makuha ko ang larawan namin ni Deanna, pareho kaming nakangiti sa harap ng kamera at halos di na makita ang mata ni Deanna sa sobrang pagka
kasingkit.Hinaplos ko ang kanyang larawan at malungkot akong napatingin dito.
Sobrang saya pa namin noon, kung maibabalik ko lang ang nakaraan gusto kong ibalik yung mga araw na lagi kaming nagkukulitan pagkatapos ng klase, yung tipong hindi na kami halos mapaghiwalay kapag mag kasama kami.
"Ang saya pa natin noon, sana makita ko ulit yung mga ngiti mong iyan" sambit ko habang hinahaplos ang kanyang larawan.
Habang nakatingin ako sa kanyang larawan ay nakita kong may likidong
tumulo sa frame, kaya naman napa
hawak ako sa aking pisngi, dahil nagsisimula na naman palang tumulo muli ang aking mga luha.Bakit ba pagdating sa kanya ay nagiging iyakin ako?
Pinunasan ko ang aking luha at saka ko ipinasok ang aming larawan sa aparador.
Alam kong kapag inilagay ko ang larawang ito sa bedside table ay araw-araw lang akong iiyak.
Kaya mas mabuti pang itago ko na lamang ito, kasya araw-araw kong saktan ang aking sarili, dahil sa tuwing nakakakita ako ng mga bagay-bagay na nakakapag paalala sa kanya ay parang tinutusok ako ng libo-libong karayom sa aking dibdib.
Deanna POV:
Sobrang ganda ng France, unang hakbang pa lamang ng aking paa dito ay agad akong napamangha.
Ngunit kahit anong ganda nito, ay hindi ko parin kayang maging masaya.
Natatawa na nga lamang ako sa aking sarili dahil para akong baliw, na hindi alam kung anong gagawin sa lugar na ito.
Dalawang linggo na akong nandito, at ilang makasaysayang lugar narin ang nalibot ko ngunit hindi ko manlang maramdaman ang kasayahan na hinahanap ko.
Kalokohan lang talaga itong ginagawa ko, dahil kahit anong gawin ko sa aking sarili ay hindi ko parin siya magawang kalimutan.
Napabuntong hininga ako, at saka naisipang bumalik sa tinutuluyan kong hotel.
Mas pipiliin ko pang magmukmok sa loob ng aking hotel room, kasya maglibot-libot dito sa France na parang baliw at wala sa sarili.
Pagdating ko sa 15th floor kung saan ang room ko ay nakita ko na naman ang makulit na lalaki, nakasandal ito sa aking pintuan na para bang hinihintay ako.
Mula ng dumating ako dito sa France, ay walang ginawa ang lalaking ito kundi asarin ako, ng asarin.
"What are you doin'?" walang buhay na tanong ko sa kanya. Ngumiti lamang ito sa akin, bago sumagot.
"Actually, I'm waiting for you" sambit nito at napakamot sa batok.
"Ricci tigilan mo ako" saway ko sa kanya, at pinaalis ko siya sa harap ng aking pintuan, ngunit lalo niya lang hinarang ang kanyang sarili.
"Nope, I won't stop, bothering you" makulit na sambit nito. Napakamot nalang ako sa aking kilay dahil sa inis.
This man, never fails to make me upset to him. Ang kulit- kulit niya, he is so persistent that makes me mad.
Tinalikuran ko siya upang sumakay sa elevator at iwan siya ngunit sinundan niya lang ako na lalo kong ikinainis.
"Pwede ba tigilan mo ako" galit kong sigaw sa kanya, buti nalang ay kaming dalawa lang ang nandito sa elevator.
"May alam akong magandang restaurant dito, gusto mo bang puntahan?" tanong nito.
Di makapaniwalang napatingin lamang ako sa lalaking ito, manhid ba ito at hindi maramdaman na nagagalit ako sa kanya.
"Are you making fun of me? Kase kung oo, quit it. Tigilan mo na ako, sa iba ka nalang makipag kaibigan yung kayang sabayan ang kabaliwan mo" sambit ko sa kanya.
Ngumiti lang siyang muli sa akin.
"That's it, kinausap mo rin ako ng mahaba" masayang sambit nito.
Naiinis ko lamang siyang binalingan at saka ako tumahimik, what the point of arguin? kung parang wala naman talaga siyang planong tantanan ako.
Pagbukas ng elevator ay agad akong lumabas at agad din naman siyang sumunod sa akin.
Kaya naiinis ako humarap sa kanya.
"Please stop pestering me, coz' you're making me annoyed at you" sambit ko at saka ko siya iniwan.Paglabas ko sa hotel ay napabuntong hininga na naman ako.
Napatingin ako sa ulap at saka piniling maglakad lakad nalang kasya makita ang makulit na lalaking iyon.
~•~•~•~•~•~•~•
Wazzzupp mahal kong bubuyog!Ricci in your areaaa!!!

BINABASA MO ANG
Back At One (Completed)
Fanfiction"Gusto mong ba talagang malaman?" "Oo, kase karapatan ko iyon" sambit ko sa kanya at halos nagsisigawan na kaming dalawa ngayon. "Kase di kita mahal Deanna" walang ekspresyon na sambit nito, na ikinatulo ng aking mga luha. "That's not true" di nani...