Chapter Seventeen

1.6K 61 4
                                    

Mr. Galanza POV:

Busy ako sa pagbabasa ng mga dokumento ng biglang may pabalyang bumukas ng pinto ng aking opisina na ikinagulat ko.

"What the hell are you doing?!" Singhal ko dito.

Ngunit imbis na matakot ay galit na umupo lamang ito sa silya kaharap ng aking office table.

"Alam mo ba kung anong mga kalokohan ang pinaggagawa ng magaling mong anak?!" tanong nito na ikinatigil ko.

"Why, what did my daughter do this time?" tanong ko pabalik sa kanya.

"Kung ako sayo, pabalikin mo na ang anak mo sa mansyon mong ito, hindi yung nakikipag-landian pa siya sa bunsong anak ng mga Wong" ani nito na ikinaigting ng aking panga.

"Ayan lang ba ang sasabihin mo kaya ka pumunta?" inis na tanong ko dito.

"No, nandito ako para sabihin sayo na binago ko ang schedule ng kasal namin ng iyong anak, sa makalawang linggo ay ikakasal na kami, kaya gusto kong sabihan mo yang anak mo, para makapagpasukat na siya ng gown" ani pa nito at saka lumabas ng aking opisina, napahilot naman ako sa aking sintido.

Kung hindi lang talaga ako tinulungan ng magulang ng batang iyon ay hinding-hindi ko siya ipapakasal sa aking anak.

Napabuntong hininga nalang ako sa aking ganawa, ngayon pa lang nagsi
-sisi na ako kung bat ako pumayag.

Jema POV:

"Goodmorning" nakangiting bati sa akin ni Deanna.

"Goodmorning" bati ko pabalik at saka ako sumiksik sa leeg niya.

Isang linggo na mula ng umuwi kami galing sa team building, at hindi ko alam kung anong espirito ang sumapi sa babaeng ito at talagang nagpumilit pa na dito siya matutulog.

Naramdaman kong hinalikan niya ang aking ulo na ikinangiti ko. Sweet gesture niya kase sa akin yan.

"Bangon na tayo, magluluto pa ako ng umagahan natin" yaya ko sa kanya, akmang tatayo na ako ng hinalin niya ako, kaya naman napahiya ulit ako.

"Mamaya na, wala naman tayong pasok ngayon" naglalambing na sambit nito at yumakap sa aking bewang at lalong nagsumiksik, kaya wala akong gawa kundi ang yakapin siya pabalik.

"Let's have a date today" aya nito sa akin na ikinangiti ko.

"Sure" masaya kong sambit.

Ilang minuto pa ay napagdesisyunan na naming tumayo ay maghanda ng aming umagahan.

Nayakap siya sa akin mula sa likod at ang kanyang baba ay nasa aking balikat, habang ako naman ay busy magluto.

"Halatang chef ka, sanay na sanay at propesyonal na propesyonal kang kumilos, nakakainlove" sambit nito kaya humarap ako sa kanya at inilagay ko ang aking mga palad sa kanyang mga pisngi.

"Ikaw din naman, ang galing mong CEO, tapos ang bait-bait pa, naka-
kainlove tuloy" panggagaya ko sa kanya.

Ngumiti siya sa akin at saka ako mabilis na hinalikan sa aking labi.

"Halika na akin na tayo" aya ko sa kanya at saka ko inayos ang aming pagkakainan sa lamesa.

Uupo na sana ako sa tabi niya ng biglang may kumatok sa pintuan.

"Ako" presinta ni Deanna at saka siya lumapit sa pintuan.

Deanna POV:

Pagbukas ko sa pintuan ay bumungad sa akin ang isang may katandaan ng lalaki.

Nagulat ito ng makita ako ngunit agad ding napalitan inis, galit o kung ano mang hindi ko mawari.

"Asaan ang anak ko?" tanong nito na ikinabilis ng tibok ng puso ko, siya pala ang ama ni Jema.

"Na--sa lo--ob po Sir" Kinakabahan kong sambit.

Wala naman itong sabi-sabi na pumasok sa loob ng apartment ni Jema.

"So totoo pala nagli-live in na kayo ng lesbianang ito" galit na sambit nito sa kanyang anak.

"Dad!" saway ni Jema sa kanya.

"Umuwi kana Jema, huwag mo na akong hintayin na magalit sayo, kase alam mo kung paano ako magalit" banta nito.

Humarap ito sa akin at unting-unti na lumapit kaya napalapit sa ami si Jema.

"At ikaw batang Wong, huwag ka ng lalapit sa akin anak, ikakasal na siya sa ikalawang linggo, kaya kung ako sayo ay lumayo kana" ani nito na ikinasinghap ni Jema sa gulat.

Napalunok naman ako ng sarili kong laway at saka matapang kong hiarap ang nag-aalab na titig sa akin ni Mr. Galanza.

"I'm sorry Sir, mahal ko ang inyong anak kaya kahit anong sabihin niyo ay hindi ako susunod, pasensya na pero matagal kong hinintay ang anak niyo, kaya naman hindi na ako, muling papayag na mawala ulit siya sa akin" mahabang sambit ko na ikinangisi nito at pekeng tumawa.

"Magaling, para kang mga magulang mo, talaga ngang malalakas ng loob ng mga Wong, kaya di na ako nagtataka kung bakit ganyan ka kumilos" sarkastikong sambit nito.

Humarap siya sa kanyang anak na ngayon ay hindi alam ang gagawin.

"Hihintayin kita sa bahay, at kapag di ka pa umuwi ngayong araw ay papapuntahin ko ang aking mga tauhan dito para pilitin ka" banta pa nito.

Magsasalita pa sana si Jema ngunit walang lumabas miski isang salita sa kanyang bibig.

"Aalis na ako" sambit nito at lalapit na sa pintuan ng muli itong humarap sa amin.

"At Wong, uulitin ko, layuan mo ang aking anak" banta nito sa akin, bago lumabas.

Nanghihina namang napaupo si Jema, kaya nilapitan ko siya at saka ko siya niyakap.

_______________
--- --- ---- --- ---- --
Hey! Babee's❣️

Salamat sa mga nagbabasa nito kung meron man po.

Maraming-maraming tenkyu❣️

Back At One (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon