Deanna POV:
Hindi ko alam kung anong klase na naman ba ng kabaliwan ang sumanib sa akin kanina, at sinundan ko si Jema sa loob ng kitchen.
Wala naman akong planong sundan siya, ngunit para bang merong isang bagay na naghihila sa akin upang lapitan ko siya.
Pagkasunod ko sa kanya ay nakita ko siyang masayang nakikipag usap sa isang babae na ikinainis ko.
Sino ba naman ang hindi maiinis, kung halatang naglalandian sila, at dito pa talaga sa mismong kitchen huh.
Nagseselos ka lang sambit ng mahadera kong utak.
Hindi ako nagseselos, bat ako magseselos? wala naman akong karapatan upang gawin iyon.
Nang hindi na ako nakatiis sa aking nakikita ay agad akong lumapit sa kanila.
"Maganda na, magaling pang magluto, that's you" rinig kong sambit ng babaeng kalandian niya.
Pagkahanap sa akin ni Jema ay walang ekspresyon kong mukha ang sumalubong sa kanya.
Marami akong gustong sabihin sa kanya pero nanatili lang akong tahimik.
Ayoko namang ma-issue...
"Cook lunch for me" utos ko sa kanya, at walang sabi-sabing tumalikod ako at lumabas ng kitchen.
Pagkalabas ko ay agad kong bina-
tukan at pinagmumura ang aking sarili."Ang tanga-tanga mo talaga" sambit ko sa aking sarili at halos gusto ko ng lamunin ako ng lupa sa sobrang kakahiyan.
"Sinong tanga?" tanong ni Jaycel na ikinagulat ko.
Sinamaan ko siya ng tinggin bigla siyang tumawa at halos lahat ng trabahador ay nakatingin na sa kanya.
"Hahaha sorry, sorry" natatawang paumanhin nito habang nakahawak sa kanyang tiyan.
Sa sobrang inis ko sa kanya ay hinila ko siya papasok sa aking office.
Lintek na babae ito parang loka-loka kung tumawa, parang takas ng mental.
"Ouch" inda nito ng batukan ko siya.
Akmang gaganti na siya ng matalim ko siyang tinitigan.
Agad naman siyang nag peace sign sa akin at saka prenteng naupo sa isang couch na nandito sa loob ng aking office.
Pumunta naman ako sa aking office table at saka ako naupo sa aking swivel chair.
"Kamusta ang bakasyon sa France?" tanong ko sa kanya, kagagaling niya lang kase sa France kasama ang girlfriend niyang si Ayumi.
"It was so fun, you should try to go there" masayang sambit nito, kulang nalang ay may kabituin ang kanyang mata sa sobrang pagkakakislap.
"I don't have time to travel" sambit ko at saka ko kinuha ang isang folder na may lamang documents.
"Puro ka work, ni wala ka ng time para enjoyin ang buhay mo" sambit nito.
Kailan ba nung huli akong nagbakasyon?
Hindi ko ka halos matandaan.
Buong buhay ko kase ay itinutok ko sa pagtatrabaho para maipakita kay Jema na isa na akong successful na tao, tulad ng gusto niya.
Napabuntong hininga ako at saka ibinalik ang folder sa aking pinagkuhanan kanina.
"She's working here" sambit ko, hindi naman siya na gulat at para bang alam na dito nagtatrabaho si Jema.
Siguro ay naikwento na ni Madz. Ang daldal talaga ng babaeng iyon.
"I know" ani nito at saka kinuha ang isang apple na nasa glass table at saka kinagatan.
"And I heard, na kinidnap mo siya" ngising sambit nito.
"Yeah, I kidnapped her" walang kagatol- gatol na sambit ko.
"Anyare?" tanong nito.
"Wala" sagot ko na ikinataas niya ng kaliwang kilay.
"Pardon" sambit nito.
"Walang nangyare, pinakawalan ko siya, that's it"
"So tanggap mo na, na magpapakasal na siya sa iba?" mapang-asar na tanong nito sa akin.
Napakuyom naman ako ng aking kamao ng biglang nanikip ang aking dibdib, at biglang kumalat ang sakit na aking nararamdaman.
"If that's, what she want then I let her marry that man" sambit ko, kahit hindi naman ako pabor na magpakasal siya sa lalaking iyon.
Biglang may tumawag kay Jaycel kaya agad niya itong sinagod at pagkatapos ng tawag ay nagmamadali siyang nagpaalam sa akin at umalis ng aking office, habang ako naman ay naiwan na namang nag-iisa sa office na ito.
Kinuha ko ang ibang documents at binasa at inaral itong maigi, upang hindi magkaproblema sa aming kumpanya.
Lumipas ang ilang oras at pumasok ang aking sekretarya dala-dala ang pagkaing pinaluto ko kay Jema.
Hindi sana ako kakain ng biglang kumalam ang aking sikmura kaya wala akong nagawa kundi ang kainin ang pagkain.
Nang matikman ko ang pagkain ay bigla nalang akong napaluha.
Hindi dahil mapanget ang lasa, kundi dahil muling bumalik ang masasaya naming alaala.
Alaala na hanggang alaala nalang talaga at mga pangakong hinding- hindi kailanman mangyayari.
Hindi ko na malayan na naubos ko na pala ang aking pagkain kaya tinawag ko ang aking sekretarya para ibalik ang mga kubyertos na aking ginamit at pina cancel ko rin lahat ng aking appointment para mag early out.
Pagtapak ng aking mga paa sa parking lot upang kuhanin ang aking sasakyan ay agad kong narinig ang sigawan ng mag kasintahan na nag-aaway di kalayuan sa aking sasakyan.
Pagkalapit ko sa aking sasakyan ay biglang kumalabog ang aking dibdib ng makitang si Jema ay naiyak habang kaharap ang isang lalaki.
Kung hindi ako nagkakamali ay ito ang kanyang fiancé.
Sasakay na sana ako sa loob ng aking sasakyan ng marahas na hinila si Jema ng kanyang fiancé kaya naman, walang sabi-sabing lumapit ako sa kanila at agad kong sinapok ang bwisit na lalaki na ito.
Agad itong napaupo sa lapag sa lakas ng impak ng pagkakasapok ko dito, babangon na sana ito ng bigla kong sipain ang kanyang hinaharap kaya na pa inda ito.
Habang si Jema naman ay gulat na gulat na nakatingin sa akin. Kaya hinila ko siya at saka isinakay sa aking sasakyan at matulin ko itong pinatakbo pa punta sa aking condo.
Pag pasok namin sa aking unit ay tahimik lamang siya habang pinagmamasdan ang ka looban ng aking condo.
Bahala na kung makita niya man diyan sa aking sala ang iba't-ibang larawan namin.
Pumasok ako sa aking kwarto upang maglinis ng katawan at makapag palit ng damit.
Ang init sa katawan nitong blazer na suot ko.
Pag katapos ko maglinis ng aking katawan ay agad akong lumabas upang hanapin si Jema, baka kase walang paalam na umalis na ito.
Paglabas ko ay agad ko siyang nakita sa sala habang tahimik na nakatingin sa aming pictures na nakacollage, mga hayskul pa kami sa larawan at kitang-kita kung gaano kami kasaya noon, kung gaano kami ka lapit noon, at kung gaano namin ka mahal ang isa't-isa.
Hindi tulad ngayon na iba ang sitwasyon, siya na ikakasal na sa loob ng dalawa't kalahating buwan, at ako na patuloy siyang minamahal kahit wala ng pag-asa.
BINABASA MO ANG
Back At One (Completed)
Fanfiction"Gusto mong ba talagang malaman?" "Oo, kase karapatan ko iyon" sambit ko sa kanya at halos nagsisigawan na kaming dalawa ngayon. "Kase di kita mahal Deanna" walang ekspresyon na sambit nito, na ikinatulo ng aking mga luha. "That's not true" di nani...