Jema POV:
"Deanna" sambit ko sa kanyang pangalan pagkalabas niya sa banyo.
Umupo siya sa harap ko at saka walang ekspresyon akong tinignan.
"Bakit nagawa mo akong kalimutan?" tanong nito, ngunit walang salita ang lumabas sa aking bibig.
"Akala ko pag-uwi mo galing France ay ako parin ang laman ng puso mo, pero hindi na pala, ginawa ko ang lahat para maging successful para kapag balik mo ay pwede na tayong magpakasal, alam mo bang dala-dala ko parin ang pangako natin sa isa't-isa hanggang ngayon, ang saya pa natin ng magkahiwalay tayo, pero mula ng nasa France kana ay hindi mo manlang ako nagawang kontakin, hinintay kita Jema" sambit nito na ikinasikip ng aking dibdib, hindi ko naman ginusto na limutin siya.
"Nung bumalik ka sobrang saya, pero ilang beses na tayong nagkatagpo, ilang beses na rin ako nagpapansin sayo ay hindi mo manlang ako mapansin, sobrang sakit, kase kailangan ko pang gawin ito para maalala mo lang ako ulit, alam kong mali dahil ikakasal kana" dagdag niya pa at saka tumayo palapit sa akin.
Hinaplos niya ang aking pisngi na ikinapikit ko.
"Mahal kita, mahal na mahal" malambing na sambit nito na ikinatulo ng aking mga luha.
Mahal din kita gusto kong sabihin ngunit merong isang malaking bato ang pumipigil sa aking upang sabihin sa kanya ang mga salitang iyon.
Tinanggal niya ang posas sa akin at saka sinuotan ako ng Nike na sapatos sa aking mga paa.
Inabot niya rin sa akin ang isang pitaka, na aking ipinagtaka.
"Umalis kana, hanggang kaya ko pang pigilan ang aking sarili na hindi ka habulin" sambit nito na ikinalungkot ko.
Gusto ko pa dito, gusto ko pa siyang makasama.
"Deanna" tawag ko sa pangalan niya na kanyang ikinapikit.
Nag-uunahan naring tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata.
"Umalis ka na" sambit niya at saka tumalikod sa akin at tumingin sa bintana kung saan tanaw ang nagsisitaasang mga building.
Mabigat ang mga paang lumabas ako sa kwarto niya, napatingin pa akong muli sa pinto ng kanyang kwarto na para ba akong hinihila nito, ngunit tinapangan ko ang aking sarili at saka ako lumabas sa kanyang unit na nasa pinakataas ng building na ito.
"I love you Deanna" mahina kong sambit at saka napahikbi, sobrang sakit, ang hirap magpanggap na nakalimutan ko na siya.
"I'm sorry" sambit ko pa at saka ko inayos ang aking sarili.
Nang makauwi ako sa aming bahay ay nadatnan ko agad ang nag-aalalang mukha ni Ian.
"Omygod Jema, Where have you been?" nag-aalalang tanong nito at saka ako niyakap.
"Pinag-alala mo ako Honey" sambit pa nito na alam ko namang peke, alam kong pinagkasundo lang kami ni Dad kase pareho nilang gustong pabak-
sakin ang mga Wong, ang mga magulang ni Deanna."I'm okay, don't worry. I'm just tired" sagot ko naman at saka ako umakyat ng second floor at nagkulong sa aking kwarto.
"Deanna" sambit ko sa pangalan niya at muli na naman akong napahikbi, napakaduwag ko, ni hindi ko manlang siya kayang ipaglaban sa aking ama.
"Jema" galit na tawag sa akin ni Dad, kaya naman kinabahan ako, alam ko kapag galit si Dad ay kaya niyang pagbuhatan ng kamay kahit sino.
"Dad" sambit ko pangalan niya ngunit Malakas niya lang akong sinampal na ikinahawak ko sa aking pisngi.
BINABASA MO ANG
Back At One (Completed)
Fiksi Penggemar"Gusto mong ba talagang malaman?" "Oo, kase karapatan ko iyon" sambit ko sa kanya at halos nagsisigawan na kaming dalawa ngayon. "Kase di kita mahal Deanna" walang ekspresyon na sambit nito, na ikinatulo ng aking mga luha. "That's not true" di nani...