Chapter Eighteen

1.7K 59 0
                                    

Jema POV:

Isang linggo, mula ng pumunta sa aking apartment ang aking ama ay napagdesisyunan namin ni Deanna na magpakalayo-layo.

Nandito kami ngayon sa rest house, nila sa Tagaytay malayo sa aking pamilya at lalong malayo sa aking mapapangasawa.

"Hey" bati sa akin nito at saka yumakap sa akin mula sa likod,na ikinangiti ko.

"What are you doing here? Gabi na baka sipunin ka" ani nito.

"Gusto ko lang naman pagmasdan ang katahimikan ng lugar" sambit ko.

"Pasok na tayo, sobrang lamig na dito sa labas, giniginaw na ako" aya nito sa akin at saka pinagsiklop ang aming mga palad, bago kami pumasok sa kwarto.

"Ang lamiiig" tili nito at saka nagmamadaling humiga sa kama at saka nagtalukbong ng kumot na ikinatawa ko.

Ang lamig na kase dito sa Tagaytay, kaya naman halos nagtitili na si Deanna.

Lumapit ako sa kama at saka ko siya niyakap ng mahigpit.

Ang warm ng katawan niya, kaya agad akong naging komportable dito.

Nagulat nalang ako ng bigla siyang pumiibabaw sa akin at saka ako hinalikan sa aking mga labi.

Buong pagsuyo niya akong hinalikan na ikinatugon ko sa kanya.

Nagmaghiwalay ang aming mga labi ay iba't-ibang emosyon na ang aking mga nakikita sa kanyang mga mata.

Love and desires are already visible in here eyes.

Ngumiti siya sa akin at saka nahiga sa aking tabi at saka ako niyakap ng mahigpit.

"I really want to make love to you, but I know you're not ready yet" buong paggalang na sambit nito na ikinangiti ko sa kanya.

Ito ng isa sa side na gusto ko sa kanya eh, nirerespeto niya ako.

Yung respetong nagbibigay sa akin ng dahilan upang lalo akong umibig sa kanya.

Humarap ako sa kanya at hinaplos ko ang kanyang kanang pisngi.

Napangiti naman ako ng masilayan ko ang maganda niyang mukha.

I really love this girl sambit ko sa aking sarili at saka walang sabing sinakop ko ang kanyang labi gamit ang akin.

Nang maghiwalay ang aming labi ay pinigot niya ang aking ilong na ikinasimangot ko at ikinatawa niya naman.

Yung tawang nakakahawa, yung tipong kapag narinig mo ay bigla nalang mabubuo yung araw mo.

"Matulog na tayo, baka di ko mapigilan ang aking sarili at baka kung anong magawa ko sayo" ani nito at napanguso pa kaya sa sobrang ka cute-an niya ay bigla kong pinisil ang kanyang pisngi.

"Ouch" inda nito, at saka sumimangot.

"Mukha kang pato, wag kang gumanyan" sambit ko na lalo niyang ikinasimangot.

Tumalikod siya sa akin, at alam kong nagtatampo na siya right now.

"Di kana mabiro oh" sambit ko at saka ko isiniksik ang aking mukha sa kanyang balikat.

Ang bango talaga ng babae ito.

Sa sobrang bango niya ay patuloy ko siyang inaamoy na kanyang ikinakiliti kaya napaharap siya sa akin.

Agad ko namang iniyakap ang aking braso sa bewang niya at ganun din siya sa akin.

"Kainis ka, dapat nagtatampo ako ngayon sayo, pero bat di ko magawa" sambit nito at saka napanguso.

Mabilis ko naman siyang hinalikan sa labi na ikinangiti niya.

"Mahal mo kase ako" sambit ko.

"Mahal na mahal" diretsyong sambit nito at saka ako tinitignan sa aking mga mata.

Bigla namang biglang may pumasok na emosyon sa aking dibdib.

"At mahal na mahal din kita" sambit ko na ikinangiti niya kaya pati ako ay napangiti na rin.

Mr. Galanza POV:

Pinagtatapon ni Ian ang mga gamit na mahawakan niya dito sa loob ng opisina ko.

Pinabayaan ko lang siya sa kanyang ginagawa, dahil alam kong maya-maya ay mapapagod na rin ito sa kalokohan niyang ginagawa.

"Sir, nahanap na po namin kung asaan si Ms. Jema" sambit ng tauhan niya na ikinatigil niya sa kanyang ginagawa.

"Talaga??!!" sambit nito.

"Saan?" dagdag pa niya.

"Nasa rest house po ng mga Wong sa Tagaytay" sagot naman nito.

Dali-dali namang kumilos si Ian at saka lumabas ng opisina ko.

Kinuha ko ang aking cellphone at tinawagan ang aking kanang kamay.

"Sir" sambit nito.

"Alam mo na ang gagawin mo, bantayan mong maigi ang aking anak, wala akong tiwala sa Ian na yun" sambit ko.

"Copy, Sir" sambit nito at saka ibinaba ang aking tawag.

Hindi pa rin ako makapaniwala, na isang drug lord ang Ama ni Ian, at ganun din ito, kaya naman ng malaman ko ito ay agad akong nag- alala para sa aking anak.

Napakawala kong kwentang ama, sapagkat inilalayo ko siya taong mahal niya na alam kong makaka
pagpasaya sa kanya, at inilalapit ko siya sa taong kapahamakan lang ang tanging dala sa kanya.

Napahigpit ako ng hawak sa aking cellphone at nanghihinang napaupo, ang gusto ko lang naman ay pabagsakin ang mga Wong, ng naramdaman nila kung gaanong hirap ang dinanas naming dalawa ng aking anak, dahil sa hindi nila pagtulong sa amin noon.

Nag-aagaw buhay ang aking asawa, that time at humaharap naman sa malaking problema ang aming kompanya kaya, humingi ako ng tulong sa mga Wong.

Pero anong natanggap ko?

Wala.

Kaya naman mula noon, ay nagalit ka ako sa kanila.

Sa kanila ko isinisi ang pagkawala ang ng aking asawa.

Pinagkaitan nila kami ng aking anak na makasama ang aking asawa, kaya hanggang ngayon ay buong-buo pa rin ang galit ko sa kanila.

Tanggap ko kung sino at ano ang anak ko, ang hindi ko lang tanggap ay ang maging karelasyon niya ang batang Wong na iyon.

Napasandal ako sa aking kinauupuan at saka mariing napapikit.

Kailan kaya ako mapapatawad ng aking anak sa mga nagawa kong kasalan sa kanya?

Kahit sutil ang aking anak na iyon ay mahal na mahal ko iyon, higit pa sa mga yamang meron ako ngayon.

Kaya labis kong pinagsisisihan ang aking padalos-dalos na desisyon, na alam kong ikakapahamak niya.

Napabuntong-hininga ako at saka tumayo sa at nagmamadaling sumakay sa aking kotse, upang sundan si Ian, at saka iligtas ang aking anak.

Dahil sa pagmumukha pa lamang ni Ian at ng mga tauhan niya ay alam kung hindi ito gagawa ng matino.

Oo nga't pinadala ko ang aking kamay para bantayan siya, pero alam kong hindi pa rin iyon sapat upang mapangalagaan niya ang aking anak.

—---------------------
------------------------

Babee's ❣️

Back At One (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon