Deanna POV:
Pagkatapos ng laro namin ay napag desisyunan na naming bumalik sa hotel upang doon, magsalo-salo ng pananghalian.
"Ang galing pala mag laro ng volley- ball ni Jema" sambit ni Maddie.
"Kaya nga, dahil sa kanya kaya tayo natalo eh" pag sang-ayon naman ni Jaycel.
Hindi naman kase nila alam na katulad namin ay dati ding volleyball player si Jema.
Noong highschool kami ay siya pa nga ang Captain namin, dahil sa husay nitong mag volleyball, at dahil dun kaya ko siya nagustuhan.
"Hindi mo nalaman sinabi sa aming magaling palang mag volleyball ang iyong irog" sambit sa akin ni Jaycel at saka nginisian ako.
Tinaasan ko naman siya ng kilay, kaya agad itong sumimangot.
Pagdating namin sa aming pagka-
kainan ay agad akong umupo sa isang bakanteng upuan kaharap ng kay Jema, tumabi naman sa akin ang taklesa kong pinsan."Alam mo cous, kung hindi ko lang alam na ikakasal na yang irog mo baka mapag kamalan kong sila na ng babaeng katabi niya" bulong sa akin ng tsismosa kong pinsan.
"Wag mo ngang bigyan ng meaning yang nakikita mo, mag kaibigan lang sila" naiinis kong sambit.
"Sa akin mo ba sinasabi yan o sa sarili mo?" pambabara naman nito sa akin.
Kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Sabi ko nga, wag ng bigyan ng meaning" sambit nito at saka tahimik na kumain.
Tumingin ako kay Jema at sa babaeng lagi nitong kasama na ngayon ay ang sweet-sweet, ngali-ngali kong upakan ang babaeng ito, ng matauhan naman.
"Cous, yung karne gutay-gutay na" sambit ni Jaycel kaya napatingin sa akin ang lahat ng kasamahan namin.
Nahihiya na naman akong napa ayos ng upo.
"Ah, eh ganto talaga ako kumain ng karne, para mabilis kainin" pag dadahilan ko at saka kinurot si Jaycel sa kanyang tagiliran.
Impit naman itong napainda na ikinangisi ko.
Nagbalikan sila sa kanilang pagkain habang ako naman ay pilit na pinapakain ang aking sarili dahil nawalan ata ako ng gana, dahil sa kasweetan ng dalawang babae na nasa harapan ko.
"Ako na, Klea" rinig kong sambit ni Jema.
"Ako na Chef" sambit naman nito at saka pinaghimayan si Jema ng hipon.
"Ang sweet nila" nangangasar na bulong sa akin ni Jaycel, kaya tinapakan ko ang kanyang paa.
"Aray" inda nito, kaya napatingin naman sa kanya ang aming mga kasama.
"Anyare sayo Jays" tanong ni Maddie.
"Ah, eh nakagat ko yung dila ko" ani nito at sinamaan ako ng tinggin.
Pinaningkitan ko naman siya ng tingin kaya napaayos ito ng upo.
"Deanna?" tanong ng pamilyar na boses sa akin, kaya napaharap ako dito.
"Deanna, ikaw nga" masayang sambit nito at saka mabilis na lumapit sa akin at hinalikan ako sa kaliwang pisngi na ikinasinghap nila at iba naman ay napatili.
"Ang pogi"
"Mukhang modelo"
Iba't-ibang kumento naman ang narinig ko sa mga kasamahan namin.
"What are you doin' here?" tanong ko sa kanya.
"Family Outing" maikling sambit nito, na ikinatango ko.
BINABASA MO ANG
Back At One (Completed)
Fanfic"Gusto mong ba talagang malaman?" "Oo, kase karapatan ko iyon" sambit ko sa kanya at halos nagsisigawan na kaming dalawa ngayon. "Kase di kita mahal Deanna" walang ekspresyon na sambit nito, na ikinatulo ng aking mga luha. "That's not true" di nani...