Chapter Seven

1.8K 64 2
                                    

Jema POV:

Hilam ang aking mga mata habang nakatingin kay Deanna.

Sa araw na ito ay ang kanyang itinak-
dang pag-alis upang magbakasyon.

Alam kong hindi talaga ang pag-
papahinga sa trabaho ang dahilan kaya siya'y mag babakasyon, alam kong dahil sa akin kaya siya aalis.

Nasaktan ko na naman siya.

Nasaktan ko na naman ang babaeng patuloy na nagmamahal sa akin.

Tuwing nakikita kong nasasaktan siya ng dahil sa akin, ay halos madurog ang aking puso, sapagkat tripleng sakit ang nararamdaman ko.

Alam kong mas makakabuting kali-
mutan niya na ako kasya naman paulit-ulit niya lang maramdaman ang sakit.

Masakit para sa akin, pero kung ikabubuti niya naman iyon, ay tatanggapin ko.

Ako ang dahilan kung bakit siya na sasaktan, ako ang dahilan kung bat siya nagkakaganyan...

Yung araw na sinabi kong hindi ko siya kayang mahalin, ay isang malaking kasinungalingan, dahil mula ng makilala ko siya, ay siya lang aking aking minahal at patuloy na minamahal.

Hindi nagbago ang pagmamahal ko sa kanya at tiyak kong hindi na talaga ito magbabago.

Malungkot akong napangiti ng makita kong niyakap siya ng kanyang kaibigan na nag ngangalang Maddie.

Buti pa siya..

Buti pa siya, nayayakap niya si Deanna, samantalang ako ito sa isang tagong lugar upang hindi nila makita.

Gusto kong yakapin at bawiin ang aking mga nasabi kay Deanna upang hindi na siya umalis, upang manatili lang siya sa aking tabi, ngunit ayokong maging makasarili.

Hindi ko ipagpapalit ang kasayahan niya para lamang sa kasayahan ko.

"It's you" sambit ni Klea.

Napatingin naman ako sa kanya at nakita ko siyang nakatingin rin sa gawi nila Deanna.

Isinama ko siya ngayon, dahil alam kong kapag hindi ako nagsama ng kaibigan ay baka hindi ko matiis at lumapit ako kay Deanna upang pigilan ito.

"Ikaw yung sinasabi nilang girlfriend ni Ms. Deanna, tama ba ako?" tanong nito.

Tumango ako sa kanya bilang sagot na ikinasinghap niya, at di siya maka-
paniwalang nagpasalit-salit ang tinggin sa amin ni Deanna.

"Pa--anong?!!" tanong nito, at saka tumingin sa akin.

Agad na sumilay ang lungkot sa kanyang mga mata ng makita akong tahimik na humihikbi.

Niyakap niya ako, kaya naman ibinaon ko ang aking mukha sa kanyang dibdib at doon umiyak.

Hinagod niya ang aking likod upang pakalmahin ako, ngunit mas lalo akong napaiyak sa ginawa niyang pag-aalo.

Deanna POV:

     Habang nasa departure  lounge ako ay tahimik akong nakaupo at naki- kinig ng kanta, kakaalis lang nila Maddie at Jaycel, nagpapasalamat talaga ako sa dalawa dahil hinatid pa nila ako dito sa airport.

Back At One (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon