CHAPTER 06 [First Attempt]

432 36 42
                                    

CHAPTER 06
[FIRST ATTEMPT]

AEROL.

“Goodbye my ex-husband.” Nakangiting sabi ko sa kaniya. Hindi kaagad ito nakapagsalita kaya't isasara ko na ang pintuan ngunit bigla niya itong pinigilan.

“No. I'm not,” sabi niya habang hawak ang pinto at nakatingin sa akin na magkasalubong ang kilay nito.

“Get lost.” Hinatak ko ang siradura upang maisara ko na ngunit ayaw din niya magpatinag.

“Hindi ako papayag sa gusto mo.”

“Basahin mo mabuti. Nakapirma ka na riyan kaya't wala nang tayo.”

“Ah, ito ba?” Iniangat niya ang divorce paper sabay, “Nasaan ang kontrata?” Pinunit niya hanggang sa nagkapiraso-piraso na lang ito.

“Siraulo ka!” Sigaw ko.

“I love you,” sagot niya.

“I love you mo mukha mo!” Buong pwersa ko siyang itinulak para hindi na nito mapigilan ang pagsara sa pintuan. Napaupo siya sa sahig kaya't kinuha ko na ang pagkakataon para makapasok ngunit…

“Aray!” Mas mabilis si Zero sa akin. Nahawakan niya ang paa ko at sumubsob ako sa sahig.

“Ayaw mo kong papasukin ha, sige, humanda ka sa akin!” Dahil nga't hindi pa ako nakakabangon. Nauna siyang tumayo sa akin at pumasok sa loob. Isinara nito ang pinto habang hawak-hawak ang paa ko.

“Zero, bitiwan mo ako!”

“Huh, anong Zero? Saka kita bibitawan kung Mister ko ang itatawag mo sa akin.”

“As if!”

“Okay, madali lang akong kausap.”

Ipinasok nito ang isang kamay sa bulsa niya at hindi talaga ako binitiwan. Imagine!? Nakadapa ako sa sahig at hatak-hatak nito ang paa ko habang sumisipol ito na akala mo'y may dalang pushcart sa loob ng supermarket. Napakawalangya talaga!

“Zero, bitiwan mo na ako!!!”

“Say the magic word.” May tono niya pang sinabi at halatang nang-aasar ito.

“Mukha mo magic word!”

Hindi na siya nagsalita at dumiretsyo ito sa kusina para uminom ng tubig habang hatak-hatak ako. Nagmistulang floor mop ang katawan ko sa ginagawa niya. Pumapalag ako ngunit ayaw niyang bitawan ang paa ko. Nakainom na ito ng tubig at dumako naman sa sala. Hindi ako makahinga sa ginagawa niya kaya't natahimik na lang ako bigla.

“Ano kaya pa?” tanong nito sa akin. Sa wakas! Binitawan na niya ang paa ko. Umupo siya sa sofa at ipinatong ang dalawang paa sa kaharap na table. Tumihaya naman ako at huminga ng malalim. Napahawak ako sa aking dibdib saka pumikit.

“Parang mas pagod na pagod ka pa sa akin.” Hindi muna ako umimik sa sinabi niya. Nanatili pa rin akong nakahiga sa sahig at habol hininga.

“So, ano na?” Panibagong salita na naman ang lumabas sa kaniyang bibig. Tikom pa rin ako at namaluktot ng higa.

“Aerol, ayos ka lang?” Nagsimula na ito mag-alala. Hindi ko makita ang ekspresyon ng kaniyang mukha dahil nakapikit ako.

“Huy, Aerol!” Naramdaman kong tumayo siya mula sa pagkakaupo nito. Rinig ko ang yapag ng kaniyang paa na papalapit sa akin. Hindi ako nagkamali, binuhat ako nito patungo sa sofa at inihiga. Dali-dali itong pumunta sa kitchen para kumuha ng tubig ngunit tinanggihan ko ito.

WITHOUT YOU [ZEROL UNIVERSE BOOK#2] (COMPLETED ✅)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon