CHAPTER 27 [Fight For Your Right]

173 26 7
                                    

CHAPTER 27
[FIGHT FOR YOUR RIGHT]

***

AEROL.

Kinuha ko ang ilang gamit at ipinasok ito sa loob ng bag. Napansin ni Zero na may plano akong umalis ngayong gabi kaya kuwinestyon niya ito.

“Saan ka pupunta?” tanong niya. Hindi kaagad ako sumagot bagkus ay pinagpatuloy ko ang pagsuot ng sapatos.

Iiwanan mo ako?” Dagdag niya.

“Pupunta ako kila Hailey.”

“Bakit? Anong gagawin mo sa kanila?”

“Gusto ko lang may taong makausap.”

“Nandito naman ako.”

“I know.” At tumayo ako mula sa pagkakaluhod dahil sa pagsintas ng aking sapatos. Ngunit hindi lahat kailangan mo malaman.”

“What do you mean?”

Tumungo kaagad ako sa pintuan ngunit bago ako tuluyang lumabas ay nilingon ko siya. “Minsan may mga lihim na hindi dapat malaman upang hindi makasakit ng iba. Pero anong ginawa ko? Hindi mo pinaalam ngunit nakita ko.”

Hindi ko na pinansin ang kaniyang sasabihin at tuluyan akong lumabas ng bahay. Kahit malalim na ang gabi ay talagang binaybay ko patungo sa lugar ng aking kaibigan upang may mapaglabasan ng sama ng loob.

Para akong tanga habang umiiyak sa loob ng taxi at nakasilip sa labas ng bintana. Ramdam ko pa rin yung pait at sakit nung nakita ko siyang ikinakasal sa iba. Sa totoo lang gusto kong lumaban upang mabuhay ngunit habang nabubuhay ako, unti-unti naman akong pinapatay.

Pagkabukas ng pinto ay sinalubong ko nang yakap si Hailey. Sinubsob ko ang aking mukha sa kaniyang balikat habang humahagulgol ng iyak.

“Besh, anong nangyayari sa iyo?” tanong niya ngunit hindi ko ito masagot dahil sa pagluha ko. Nabulabog ko naman sila Agatha at Maria kaya’t napalabas silang dalawa sa kanilang kuwarto.

“Anong nangyayari?” tanong ni Maria ngunit nagkibit balikat lang si Hailey bilang sagot.

Tuluyan kaming pumasok sa loob ng apartment at inabutan nila ako ng isang basong tubig. Pinakalma ko muna ang aking sarili bago ko inumin iyon. Nakaramdam din ako ng pagod dahil sa ginawa kong paghagulgol. Tumapat ang tatlong babae sa harapan ko. Nakaluhod si Hailey habang hawak ang aking kamay. Si Agatha naman ay naka-cross arm habang tinititigan ako at si Maria naman ay nakapamewang habang sumisipsip nang zesto.

“Okay ka na?” tanong ni Hailey sa akin at tumango ako bilang sagot. “Bakit umiiyak ang Besh ko?”

Nakakainis! Bigla na naman akong lumuha nung tinanong ako nito. Napakahina ko talaga!

“It’s okay, iiyak mo lang.” Niyakap ako ni Hailey habang hinihimas ang likuran ko upang pakalmahin.

“I feel you.” Narinig ko ang boses ni Maria at lumapit ito upang yumakap rin sa akin. Naramdaman ko rin ang bisig ni Agatha kaya mas lalo akong umiyak sa kanila.

“Bakla ka huwag kang umiyak ng malala, alam mo namang bawal sa iyo.” Paninita ni Maria sa akin.

“Wala ka pang ikinukuwento pero naiiyak ako.” Nanginginig naman ang boses ni Agatha habang binabanggit ito.

WITHOUT YOU [ZEROL UNIVERSE BOOK#2] (COMPLETED ✅)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon