CHAPTER 25 [The Wedding Singer]

194 24 18
                                    

CHAPTER  25
[THE WEDDING SINGER]

(A/N: Before you read this chapter, kindly download or listen PAUBAYA by: MOIRA DELA TORRE when It comes to AEROL’S POV)

***

AEROL.

Mabuti na lang at may tumulong sa akin kanina nung mga panahong nakulong ako sa loob. Wala sa isipan ko na biglang lilitaw si Zero sa mga oras na iyon upang sagipin ako, kahit kailan talaga sa mga ganitong pagkakataon ay nariyan siya para sa akin— para iligtas ako.

“Kain na.” Masaya ko siyang inaya upang makakain, kaagad naman itong dumako sa hapag-kainan at naupo sa aking harapan.

“Wow, marunong ka pala magluto?”

“Ako naman talaga dati mo pang tagaluto.”

“Totoo? Magaling ka pala eh, pwede ka na mag-asawa.”

“Ikaw kaya—” Natigil ako sa aking sinabi nung bibigkasin ko sana na siya ang asawa ko.

“Ako ang ano?”

“Wala. Never mind.”

“Ah, okay. Wait— bacon and egg ba ito?”

“Yep, why?”

“Wala na bang iba?”

“Favorite mo kaya iyan.”

“Seriously?”

“Oo naman! Oh, ito try mo.” Tinusok ko ang isang bacon gamit ang tinidor at pinapasubo ko sa kaniya. “Say ah.”

Hindi kaagad ito nakaimik at nagtaka sa aking ginagawa. “K-kakainin ko ba talaga?”

“Why not? Parati ko naman ito ginagawa sa iyo before.”

“Daig pa natin mag-asawa ah.” Kinuha naman nito ang tinidor na hawak ko at siya na mismo kumain ng inaalok ko. “Eh, mag-pinsan lang naman tayo.”

“S-sabagay.” Bigla naman ako napayuko sa kaniyang sinabi dahil sa kahihiyan.

“But thanks...” Bumungad naman sa harapan ko ang tinidor na kinuha niya sa akin. Iniangat ko ang aking ulo at tinignan siya. “Sa pagpapaalala.”

Nginitian ko siya dahil kahit papaano ay na-appreciate niya ang ginawa ko. Pinagpatuloy ko na ang pagkain ngunit nagtaka naman ako nung hindi niya ginagalaw ang pagkain nito.

“B-bakit? May problema ba?” tanong ko sa kaniya at umiling lang ito bilang sagot. “Kung wala naman pala, bakit hindi ka kumain?”

“Pakainin mo ako.”

“Huh?”

“Hindi ba sabi mo ikaw ang nagpapakain sa akin, kaya pakainin mo ako.”

“S-seryoso ba?”

“Oo naman. Kaya ka nga nariyan para ipaalala sa akin yung mga bagay na nakalimutan ko, sa tingin ko nga ikaw talaga ang nakakakilala sa akin dahil nasa isang bubong lang tayo.”

Pinilit kong ngumiti sa kaniya dahil pakiramdam ko may papatak na luha sa mga mata ko. Kagaya ng kinagawian noon ay tumabi ako sa kaniya at sinubuan ko ito ng pagkain, parang may sanggol akong pinapakain dahil sa bawat pagnguya niya ay napapangiti siya.

Para akong tanga na ngumingiti rin sa ginagawa ko sa kaniya. Ilang taon na rin ang dumaan simula na maulit muli namin ito, kung kailan hindi na niya ako maalala bilang asawa ay tsaka pa namin nagawa ito.

WITHOUT YOU [ZEROL UNIVERSE BOOK#2] (COMPLETED ✅)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon