CHAPTER 15 [Stressful Night]

207 25 31
                                    

CHAPTER 15
[STRESSFUL NIGHT]

***

CHAD.

Kakarating ko lang sa location na kung saan niya ako pinapunta. Maayos ang aking pananamit na akala mo'y kakagaling lang sa galaan. Habang ako'y naglalakad may sumagi sa aking paningin na hindi ko inaasahan.

“Aerol,” saad ko sa aking sarili ngunit mas nagtaka ako nung nakita kong kasama nito ang ex-boyfriend ko. “Kenno?”

Napakuyom ang aking mga palad habang pinagmamasdan silang masaya na magkasama sa loob ng isang convenience store. Hindi ito maaari! Walang sasaya ngayong gabi. Nais ko sanang pasukin sila upang mang-inis, nung nasa harapan na ako ng pintuan ay bigla akong napahinto.

Teka…

Kung mang-iinis man ako eh 'di sana yung mas malala na.

Hindi ako pumasok bagkus ay itutuloy ko ang unang plano. Nagmadali akong makarating sa nasabing shop at nakita ko si Zero na papasok sa kaniyang sasakyan.

“Hoy, sungit!” Tawag ko upang makuha ang kaniyang atensyon. Nahinto ito sa paglakad at nilingon ako.

“Ginagawa mo rito?” tanong niya.

“Mangamusta ka naman, grabe ka!”

“Para kang kabute, sulpot ng sulpot.”

“Tse!” At hinawakan ko ito sa braso. “Samahan mo ako saglit.”

“Ayoko, uuwi na ako.”

“Ang sama mo! Diyan lang oh, may bibilhin lang ako.”

“Ikaw na bumili mag-isa.”

“Please? Need kong bumili ‘non dahil wala akong ID.”

“Ano ba iyon?”

“Gamot.”

“Gamot saan?”

“Dali na… kailangan na kailangan ko talaga iyon.”

“Saan ba kasi?”

“Sa kabilang tawid lang iyon. Buti nga nakita kita kung hindi baka mapaano na ako.”

“Para saan nga?”

“Pamparegla.”

“Gag*!”

“Bad!”

“Tara na nga at matapos na ito.”

Sa sobrang pangungulit ko ay hindi na siya nakatanggi pa. Alam ko sa bawat pang-iinis ko ay mapipilitan ito, mabuti na lang at malapad ang aking ngiti dahil naaayon ito sa plano. Sabay kaming tumawid upang hanapin ang tindahan ng gamot, sa totoo lang alibi ko lang iyon upang makasama siya. Wala akong bibilhing gamot dahil iba ang gusto ko mangyari ngayon.

“Nice jacket ha, saan mo nabili iyan?” tanong ko dahil umagaw pansin ito sa akin.

“Ah ito ba? Si Aerol nagbigay sa akin nito.”

“Aerol na naman.”

“Sino pa ba? Malamang siya lang!”

Nanlaki ang mata ko nung napansin kong pasalubong sa amin sila Aerol at Kenno. Bigla akong kinabahan dahil hindi ko inaasahan na mapapadaan din sila sa dadaanan namin.

“Aray!” Bigla kong hinawakan ang aking mata upang matakpan rin ang aking mukha. “Napuwing ako,” sabi ko sa kaniya kahit hindi naman talaga.

WITHOUT YOU [ZEROL UNIVERSE BOOK#2] (COMPLETED ✅)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon