CHAPTER 17
[THE FIFTH CASANOVA]***
ZERO.
Maaga akong umuwi mula sa trabaho upang magawa ang iniisip kong plano, sa totoo lang hindi ako nakakasigurado kung matutuwa ba siya rito kapag nakita niya ang gagawin ko. Bumungad sa akin ang madilim na bahay at walang katao-tao, pumasok ako sa loob upang simulan na ito. Naglagay ako ng mga kandila sa buong paligid ng bahay, oo ako lang mag-isa ang gumawa nito nang walang katulong. Sinigurado ko ang madadaanan niya ay gagabay ang liwanag ng mga kandila na patungo sa akin. Inayos ko ang lamesa’t may candle holder din dito, bumili pa ako ng red wine upang magmukhang date ang gagawin ko. Sakto’t kakarating lang nang pina-order kong roasted chicken, vegetable salad at carbonara. Hindi kasi ako marunong magluto kaya’t bumili na lang ako sa labas. Habang wala pa siya ay naligo muna ako para mabangong tignan, dagdag pogi points din iyon. Habang pumapatak ang tubig sa aking balat ay lumalalim ang isip ko sa tuwing naaalala ko ang sinabi sa akin ni Onn.
Magtira ka ng pagmamahal para sa sarili mo.
Paulit-ulit itong naglalaro sa aking isipan na tila’y may malalim pa itong dahilan. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis ako ng presentable at nagpabango.
Anong oras kaya siya uuwi?
Muli akong bumalik sa pool area upang doon maghintay. Hinawakan ko ang bulaklak na binili ko kanina para hindi niya masabing nakalimutan ko ito. May narinig akong sasakyan na huminto rito sa tapat ng aming bahay.
Teka, siya na kaya iyon?
Hindi nga ako nagkamali at narinig kong bumukas ang pintuan namin. Bumilis ang pagkabog ng aking dibdib dahil pakiramdam ko ay nagliligawan pa lang kami, sa totoo lang hindi kami dumaan sa ligawan stage dahil nung naging kami ay nahulo ang loob namin sa isa’t isa simula nung nagso-shoot pa kami ng 91 Days With You.
Ayan na!
Naririnig ko ang pagyapak ng mga paa niyang papalapit sa akin.
Ito na…
Malapit na siya!
Ayan na…
Ayan na!
“Misis ko.” Nakangiting pagbati ko sa kaniya. Pansin ko sa reaksyon nito na hindi siya makapaniwala sa kaniyang nakikita. Napatakip pa siya ng bibig nung nasa harapan niya ako habang masaya siyang pinagmamasdan.
“A-anong meron?” tanong niya.
“Hindi kita iiwan kahit sa kadiliman,” sagot ko. Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang kaniyang mga kamay. “Wala man tayong kuryente at tubig, hindi magdi-disconnection ang pagmamahal ko sa iyo.”
Hindi siya nakapagsalita at natulala na lang ito sa aking ginagawa. Napansin ko ang pagkagat nito sa kaniyang labi at maski ang malalim nitong paghinga.
“This way.” Itinuro ko pa ang dadaanan niya patungo sa lamesang aming pagkakainan. Ako mismo ang nag-urong ng upuan niya upang makaupo ito. Nung nasa harapan niya ako ay umagaw pansin sa akin ang mga luha niyang kanina pa nagpipigil sa magkabila nitong mga mata.
“Ayus ka lang?” tanong ko, ilang segundo bago pa ito sumagot sa pamamagitan ng kaniyang pagtango.
“Nananaginip ba ako?” tanong niya.
“Hindi mo kailangan managinip para ito’y magkatotoo.” Nakangiting sagot ko sa kaniya.
Sinimulan namin ang gabing iyon habang kumakain kami ng matiwasay. Natihimik pa rin siya gaya kanina dahil hindi pa rin ito makapaniwala. Nangako ako sa kaniya na gagawin ko ang lahat mapasaya lang siya. Nung nahinto na ito sa kaniyang pagkain ay lumapit ako sa harapan niya.
BINABASA MO ANG
WITHOUT YOU [ZEROL UNIVERSE BOOK#2] (COMPLETED ✅)
Romansa91 DAYS WITH YOU BOOK 2 ‼️ Iba't iba ang dahilan kung bakit naghihiwalay ang dalawang taong nagmamahalan. Pupwedeng may mahal na itong iba, walang oras sa isa't isa, toxic na ang pagsasama o hindi na masaya. Maraming klase at maraming dahilan, nguni...