CHAPTER 39
[THE KILLER]***
ZERO.
Ikalawang gabi na simula nung isinugod ko si Aerol sa ospital. Bawat segundo ay binabantayan ko dahil natatakot ako na hindi siya muling gumising pa. Binalita ko kay Papa ang tungkol sa nangyari sa kaniyang anak kaya parating na sila binabukasan at kasama sila Daddy at tita Cath.
Ala una na nang madaling araw at gising pa ako. Tumabi ako sa kaniya habang nakayakap at siya naman ay mahimbing na natutulog. Patuloy pa rin ang pagtunog ng heart rate monitor. Kung minsan pa nga sa sobrang pag-aalala ko ay nakatutok lang ako sa kaniyang dibdib baka tumigil ito sa paghinga. Tinatawanan pa nga ako nang ibang nurse dahil masiyado raw akong paranoid dahil tumatawag kaagad ako nang doctor kapag napansin kong hindi humihinga ito ngunit sa monitor ay patuloy pa rin ang kaniyang pagtibok.
Hindi ko na inabala ang mga kaibigan ko at sabi ko sa kanila ay ako na ang magbabantay kay Aerol. Kung minsan naman makulit si Hailey kaya pumupunta siya rito upang ma-double check ang kaibigan niya. Siya rin ang kapalitan ko kapag kailangan kong umuwi sa bahay upang kumuha ng ilang gamit o lumabas para makabili ng pagkain. Naikuwento na sa akin ni Hailey tungkol sa divorce paper, sinabi niya rin ang mga nabuo nilang plano upang mapaghiwalay kami ni Aerol. Gusto man daw niyang si Aerol na ang magsabi sa akin tungkol dito ngunit naisip niya na kung siya ang magsasabi nito ay baka maging emosiyonal pa ito.
Patulog na sana ako ngunit naramdaman kong pumintig ang daliri ni Aerol kaya napadilat ako. Pinagmasdan ko siya at tila gumagalaw ang mata niyang nakapikit.
“Kitty…” Mahinang tawag ko sa kaniya ngunit nanatiling sarado ang mata nito at hindi na muling kumilos ang kaniyang daliri.
Nawalan ako nang pag-asang didilat siya ngayon kaya bumalik ako sa pagkakahiga. Binalot ko ng kumot ang aming katawan at niyakap ko siya nang mahigpit na para bang ayoko na siyang pakawalan. Muli akong pumikit at sinusubukan matulog dahil kulang at bitin ang mga tulog ko, hanggang sa maya-maya nakaramdam akong may humahaplos sa aking buhok at narinig ko ang malamig niyang boses.
“Doggy…” Iniangat ko ang aking paningin at awtomatikong nangibabaw kaagad ang mga luha ko nung nakita ko siyang nakangiti sa harapan ko.
Walang salitang lumabas sa aking bibig nung nagsalubong ang aming tingin. Iyak ako ng iyak sa kaniyang dibdib na parang bata na inagwan ng laruan. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa tagal kong hinintay siyang dumilat ay naabutan ko ito.
“Shh, tama na.” Pagsuway niya sa akin habang hinahaplos nito ang buhok ko. “Para kang bata. Big boy na ang Baby Z ko kaya huwag ka nang umiyak.”
Kahit anong klasing pagpigil ko sa aking luha ay patuloy pa rin sila sa pagkawala. Humarap ako sa kaniya habang natatawa at pinipilit na ngumiti kahit nahihirapan na.
“Ikaw kasi eh, pinag-alala mo ako.” Sinusubukan kong punasan ang mga luha ko ngunit umaagos pa rin ito.
“Sorry kung pinag-alala kita.” At napansin kong namumuo na ang luha niya sa magkabilang mata. “Sorry sa lahat.” Pinunasan naman nito ang luhang pumatak sa kaniya. “Ayan tuloy naiyak ako. Ikaw kasi eh, alam mo naman mababaw ang luha ko lalo na kapag nakikita kitang umiiyak.”
“Mahal ko, tama na iyan. Huwag kang umiyak please, masama ito para sa iyo.”
“Paano ko lalabanan kung sarili ko ang kalaban ko. Ang hirap kaya… sobrang hirap. Kasi sa bawat emosiyon ko ito ang papatay sa akin.”
Kaagad ko siyang hinalikan sa noo at niyakap. Wala akong masabi dahil wala akong magawa para sa kaniya, alam mo kung ano ang nagawa ko? Ang pagmasdan siyang nasasaktan.
BINABASA MO ANG
WITHOUT YOU [ZEROL UNIVERSE BOOK#2] (COMPLETED ✅)
Romance91 DAYS WITH YOU BOOK 2 ‼️ Iba't iba ang dahilan kung bakit naghihiwalay ang dalawang taong nagmamahalan. Pupwedeng may mahal na itong iba, walang oras sa isa't isa, toxic na ang pagsasama o hindi na masaya. Maraming klase at maraming dahilan, nguni...