CHAPTER 20
[PLEASE SAVE HER]***
AEROL.
Kinaumagahan ay umuwi kami kaagad sa bahay. Alas-dose na ako nagising at si Zero naman ay pumasok sa trabaho. Bumangon ako upang makapaghanda ng makakain kahit antok na antok pa ako.
“Hmmm?” Kaharap ko ang refrigerator habang namimili ng aking lulutuin. Naudlot ang aking ginagawa nung narinig ko ang pagtunog ng aking cellphone. Lumapit ako sa table para kunin ito.
“Hello?”
“Anak, kumusta ka riyan? Nakauwi ba kayo nang maayos?”
“Opo Pa, huwag na kayo mag-alala.”
“Sinisigurado ko lang.”
“Teka nasaan po pala kayo?”
“Nandito ako kay tita Cath mo pero pumunta muna siya sa TMP upang makadalaw.”
“Baka magkita sila ni Zero roon. Pakumusta ako kay tita ha?”
“Oo naman. O siya sige anak at tumawag lang ako upang makasigurado kung ano ang kalagayan mo riyan.”
“Si Papa talaga. Sige na’t magluluto muna po ako ng makakain.”
“Ipagluto mo ako sa susunod ha.”
“Oo naman po.”
“Salamat nak, ingat ka riyan. Love you!”
“Love you too, Pa.”
Ibinaba ko na ang tawag at bumalik ako sa harapan ng refrigerator. May napili na akong lulutuin ngunit naudlot na naman nung may tumawag muli sa cellphone ko.
“Grrr! Nagugutom na ako.” At sinagot ko ang tawag. “Hello?”
“Good afternoon Mr. Delos Santos. This is Mrs. Bartolome from the Head office of Millburn Academy.”
“Ah… yes po?” Pagtataka ko at hinayaan ko lang siya pakinggan sa kaniyang sasabihin, hanggang sa nanlaki ang aking mata sa sobrang pagkabigla.
“Ano? Totoo ba iyan!?”
“Opo, kung maaari ay pumunta po kayo ngayon dito.”
“Anong nangyari kay Zach!?”
Tanghaling tapat ay napabyahe ako ng wala sa oras. Tinawagan ko si Zero upang malaman ang balita na iyon kaya't maski rin siya ay papunta ngayon sa eskuwelahan. Hindi ako mapalagay at kinakabahan sa nangyayari. Nung nakarating na ako ay kaagad akong tumungo sa Head office. Nadatnan ko roon si Zach na gulo-gulo ang kaniyang buhok at gusot ang kaniyang damit, may maliit na sugat ito sa kaniyang pisngi ngunit ang pogi pa rin.
“Zach, are you okay? Wala bang masakit sa iyo?” tanong ko sa kaniya habang nakaluhod sa harapan niya't hawak ang magkabilang braso nito.
“Yes po tito Aerol.”
“Tumawag ka na ba sa mommy mo? Diyos ko naman bakit ganito nangyari sa iyo?” Maluha-luha ako habang pinagmamasdan siya.
BINABASA MO ANG
WITHOUT YOU [ZEROL UNIVERSE BOOK#2] (COMPLETED ✅)
Romance91 DAYS WITH YOU BOOK 2 ‼️ Iba't iba ang dahilan kung bakit naghihiwalay ang dalawang taong nagmamahalan. Pupwedeng may mahal na itong iba, walang oras sa isa't isa, toxic na ang pagsasama o hindi na masaya. Maraming klase at maraming dahilan, nguni...