CHAPTER 31 [The Message Part I]

162 27 7
                                    

CHAPTER 31
[THE MESSAGE PART I]

***

ZERO.

Hindi kami makapaniwala sa narinig naming balita mula sa telebisiyon. Para akong nananaginip na pilit kong ginigising ang sarili ko ngunit totoo ang mga ito. Kumuha nang atensiyon namin ang tunog ng isang nalaglag na bagay kaya napalingon kami.

“Aerol!” Nabitawan niya ang dalang cake na hawak nito. Nanginginig ang buong katawan niya at patuloy na umaagos ang kaniyang luha.

“Maria, patayin mo ang tv!” Utos ni Agatha sa kaniya at kaagad naman nitong sinunod.

Tumayo ako mula sa aking kinauupuan dahil pansin kong nanghihina ang kaniyang tuhod at pabagsak siya sa sahig. Mabuti na lang kaagad ko siyang nasalo at napayakap ako sa kaniya.

“Kenno… Kenno!” Banggit niya sa pangalan nang aming kaibigan. Lumapit naman si Hailey sa amin at nagtaka na ako sa mga kasunod na pangyayari.

“Aerol, gising! Aerol?!” Pagkalingon ko ay nakapikit na ito habang nakayakap ako sa kaniya. Tinapik-tapik pa ni Hailey ang mukha nang aking asawa habang ginigising niya.

“Tumawag kayo ng ambulansya!” Nataranta naman si Agatha at nag-dial na si Maria upang makatawag ngunit pinigilan siya ni Hailey.

“Hindi! Huwag kayong tatawag!” Wala akong ideya sa nangyayari at bakit kailangan nilang tumawag ng ambulansya? Humingi nang pabor sa akin si Hailey na ipasok si Aerol sa loob ng kuwarto.

Binuhat ko ang aking asawa at inihiga ito sa kama. Nasa likod ko si Hailey at Agatha. Nakatayo sa harapan namin si Maria habang kagat-kagat nito ang kaniyang hinlalaki at si Chad naman ay nakasilip sa labas nang pintuan.

Nilingon ko si Hailey na nakakunot ang aking noo dahil sa pagtataka. “Anong nangyayari?” tanong ko.

“Girls, palabasin niyo muna si Zero.” Utos nito sa dalawa niyang kaibigan. Lumapit sa akin si Maria at hinawakan ang aking braso upang mahatak papalabas.

“T-teka! Bakit kailangan kong lumabas? Hindi ba pwedeng—”

“Zero, ano ba!?” Nagulat ako sa pagtaas nang boses ni Agatha. First time ito kaya’t hindi ako makapaniwala. “Pwede ba sumunod ka naman sa amin!?” Ayon sa pananalita niya ay parang malaki ang naging kasalanan ko. Hindi ako nakasagot at nakatulala ako habang hinahatak ako ni Maria papalabas nang kuwarto.

Bago tuluyang maisara ang pinto ay sinundan tingin ko si Aerol habang nakapikit ito. Hinimas ni Chad ang likuran ko at ako naman ay unti-unting napaupo sa sahig katapat ng pintuan.

“Anong nangyayari? B-bakit ganito?” tanong ko sa aking sarili at napahawak sa aking buhok.

Lumipas ang tatlong oras ngunit nakasara pa rin ang pintuan. Alalang-alala na ako sa nangyayari dahil hindi ko alam kung ano ang balita ngayon kay Aerol. Napatingin ako kay Chad at saka ko siya tinanong.

“Anong nangyari kay Aerol?”

“Ewan ko? Kayo madalas magkasama hindi mo alam?”

“Hindi ko alam ang alin?” Bakas sa inireaksiyon niya na nabigla ito sa itinanong ko. Kaagad niyang iniwas ang tingin sa akin at napakagat ito ng labi. “May alam ka ba na hindi ko alam?”

“W-wala.”

“Nagtaka rin ako kanina. Bakit sinabi ni Agatha na magtawag kaagad nang ambulansya? Para saan?”

WITHOUT YOU [ZEROL UNIVERSE BOOK#2] (COMPLETED ✅)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon