EPILOGUE

516 31 35
                                    

EPILOGUE
[AFTER CREDITS]

~~~

Oh, ikaw. Oo ikaw! Alam kong binabasa mo muna ang Epilogue para malaman kung happy or sad ending, matindi rin diskarte mo ah. Kung gusto mong i-spoil ang sarili mo hindi kita pipigilan pero ito lang masasabi ko, maguguluhan ka lang lalo kapag binasa mo ito nang hindi natatapos ang istorya. Bahala ka diyan!

- Rodniverse

***

<MAIN CHARACTERS>

AEROL.

Patapos na ang huling eksena at narito na si Zero sa loob ng kuwarto at nag-iisa. Nahanap na niya ang nakatagong guitar bag at doon nito natuklasan ang regalong ibinigay ko sa kaniya sa unang eksena.

Zero Delos Santos
Aerol Alvarez Jr.

Mula sa malayo ay pinapanood ko siya rito mag-isa. Sa totoo lang sa dinami-rami naming eksena ay ito ang pinakamasakit dahil dito mo makikita kung gaano niya ako kamahal.

Kenno Natividad
Chad Serrano

Para bang sa bawat salita ay nasasaktan ako kaya mas pinili kong maging matatag at maging professional matapos lang namin ito.

Hailey Brittany Farro
Agatha Nier De Castro
Maria Luisa

Sinimulan niya nang i-play ang nakita nito mula sa loob ng guitar bag. Laking gulat niya nung nakita ang mukha ko sa screen at paulit-ulit kong binabanggit ang salitang, “Goodmorning, Mahal ko.”

Onn Costudio
Travis Tan
Hash Cobrero

One time napaisip ako na kung bakit namin tinanggap ang proyektong ito. Sa totoo lang malaking sampal ito sa amin para sa mga LGBTQ dahil pinapakita nito ang maaaring mangyari sa totoong buhay.

Kyle James Abalos
Justine Ryle Abalos

Patuloy lang namin narinig ang aking boses mula sa laptop. Hindi ko na napigilan maiyak habang pinagmamasdan si Zero na nasasaktan. Mahal ko siya, mahal na mahal. Kung mangyayari man ito sa tunay na buhay ay baka hindi ko rin kayanin.

Omar Romero
Theodore Ishikawa
Denver Diaz

Sa tutuusin bilib ako sa writer o gumawa ng istoryang ito. Hindi ko alam kung paano niya napagtagpi-tagpi lahat hanggang sa nakabuo siya ng kuwento.

Xierra Chen

Nung una ay napaisip kami ni Zero kung itutuloy pa ba namin dahil ginawan niya ng kuwento ang buhay namin na ikinonekta sa buhay ni mama at papa. Pero na-realize ko na what if ipakita namin sa lahat ang nangyari sa lovestory nila mama’t papa dahil hindi nila ito nakita sa 91 Days With You. Ang mangyayari lang ay ako at si Zero ang gaganap bilang bida rito.

Zeri Delos Santos Harrington
Zachary Myron DS Harrington
Wilson Andrew Harrington

Natapos na ang panonood ni Zero nang video ko kaya inulit-ulit niya ito hanggang sa may natuklasan siyang hidden message. Isa pa ito. Ang plot twist na ibinigay nung writer ay talagang napahanga niya kaming lahat dahil hindi mo aakalain na nung unang scene ay konektado pala sa final scene. Nakakasigurado ako na maraming makaka-relate sa istoryang ito.

Nicholas Natividad
Sonya Natividad

Nagsimula nang kumanta si Zero para sa huling eksena. Alam mo yung feeling na napakasakit ng bawat linya sa kanta habang nagpe-play ang boses niya sa background na para bang inilalahad nito ang damdamin niya sa musika. Napadukot tuloy ako ng tissue at hindi ko akalain sa likuran ko nagsisiiyakan na rin pala sila.

Cairo Tan
Hilda Tan
Madam Renz

Ngayon naintindihan na namin kung ano ba talaga ang tunay na aral sa kuwentong ito. Ang salitang Without You ay hindi lang para sa isang tao kundi sa mga bagay na pagsisisihan mo kapag nawala na ito sa iyo. Sa bawat eksena ay talagang may mapupulot kang aral dahil ipinapakita nito na ingatan at pahalagahan ang tao o bagay hangga’t nabubuhay ka pa.

Khryst Margo
Mark Zanetti Buttafuoco
Cassey Casido

Tama nga sila. Habang tumatanda tayo ay dapat i-enjoy natin ang buhay dahil isang beses lang ang buhay na ibinigay sa atin kaya ingatan natin. Gaya sa kuwento namin ngayon. Pinagsisihan namin ang bawat sandali dahil kung kailan isa na ang nawala sa amin ay doon pa kami nagsisi.

In a very special participation with
Henry Delos Santos
Catherine Flores
&
Aerol Alvarez Sr.

Natatandaan niyo pa ba sa panimula ay sinabi ni Zero roon na dalawa ang aking trabaho at mas pinagtuunang pansin ang pagiging musikero ko dahil ito ang ibinigay sa akin ng writer. Pero ang totoo niyan ang tunay kong trabaho ay ito.

In a memory of
Christine "Tanya" Flores Alvarez

Written by
Rodniverse

Pagkatapos kumanta nang aking asawa ay muli itong tumayo upang tapusin na ang eksena. Habang naririnig namin ang mind voice niya sa background ay para bang hindi kami makapaniwala na natapos na.

Exclusive Producer
Zero Alvarez Delos Santos

Tumungtong na siya sa upuan at humarap sa lubid na kaniyang pagsasabitan. Pumikit siya na para bang namamaalam at tumulo na ang kaniyang luha. Ito na ang huling eksena at para bang napakagaan sa pakiramdam namin dahil tapos na.

Kung naaalala ninyo ay sinabi rin ni Zero sa panimula na ang istoryang ito ay likha naming dalawa. Dahil ang totoo niyan siya ang nag-produce nitong pelikula at ako naman ang nagsabing…

“And cut!”

Directed by
Aerol Alvarez Delos Santos Jr.

Directed byAerol Alvarez Delos Santos Jr

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
WITHOUT YOU [ZEROL UNIVERSE BOOK#2] (COMPLETED ✅)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon