CHAPTER 33 [Wrong Person]

191 25 16
                                    

CHAPTER 33
[WRONG PERSON]

***

TRAVIS.

December 30. 10AM. Narito kami ngayon sa sementeryo dahil ngayon araw ang libing ni Kenno. Lahat naghihinagpis sa pagkawala nang aming kaibigan. Kumpleto ang lahat maski ang mga kaibigan ni Aerol ay narito at si Chad. Habang ibinababa sa lupa ang kaniyang kabaong ay mas lalong lumakas ang iyakan nang bawat isa. Ang mama ni Kenno na si tita Sonya ay halos gusto na nitong sumunod sa kaniyang anak. Ang sakit makita na ganito ang isang ina, kaya iniingatan ko ang aking mama dahil ayokong masaktan siya. Matapos ang ilang sandali ay pauwi na rin kami ngunit sinabi ko kila Onn na hintayin na lang ako sa sasakyan dahil kakausapin ko lang ang mama ni Kenno.

“Tita.” Tawag ko sa kaniya at nilingon ako nito.

“Hijo.” Bakas sa tono niya na hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin siya. May inilabas ako mula sa bulsa nang aking suot na black coat at iniabot ito sa kaniya.

“A-ano ito, hijo?”

“Sulat po. Sulat galing kay Kenno.” Tipid akong ngumiti sa kaniya.

“Mommy. Daddy.” Pagkakabasa niya sa puting papel na ibinigay ko sa kaniya. “Thank you.” Ngumiti siya sa akin kasabay ng pagpatak nang kaniyang luha.

“Mag-iingat po kayo.”

Nung nakaalis na ako sa harapan niya ay hinanap ko kaagad si Chad ngunit hindi ko na ito makita sa paligid. Iniabot ko na lang kay Agatha ang sulat upang maibigay niya ito kung sakali.

Nakasakay na kami sa van habang nakamasid ako sa bintana ng sasakyan at sinisilayan ang puntod ni Kenno.

Kenno, kung nasaan ka man ngayon ay gabayan mo kami. Maraming salamat sa iyo.

***

SONYA.

Pagkauwi ko ng bahay ay wala akong kagana-ganang kumilos. Nasa aking isipan na pumunta muna ng kuwarto ngunit hindi ko alam sa aking mga paa ay napatungo ako sa kuwarto nang aking anak na si Kenno. Binuksan ko ang pintuan at pinagmasdan ang paligid ng silid, walang tao at ang tanging narito lang ay ako.

Naglakad ako patungo sa higaan nang anak ko at hinaplos ang inuupuan ko. Huminga ako ng malamin at ngumiti. Sabi ko sa aking sarili na lakasan ang loob upang kayanin humarap kinabukasan. Pumukaw nang atensiyon ko ang isang picture frame na nakapatong sa lamesa na katabi nitong kama. Kinuha ko ito at napangiti dahil ang litratong ito ay kaming tatlo kasama ang daddy niya.

Tumulo ang aking luha hanggang sa napagtanto ko ang sulat na iniabot sa akin kanina nang kaniyang kaibigan. Kinuha ko mula sa loob ng dala kong bag ang sulat na iyon at binasa ko ang para sa akin.

Bago ko tuluyan basahin ito ay biglang humangin ng malakas sa loob ng kuwarto. Gumalaw ang kurtina ngunit nakasara naman ang bintana. Pumikit ako at sinabing, “Anak, kung narito ka man nagmamakaawa akong magpakita ka kay Mommy.”

Pagdilat ko ay tumulo ang aking luha hanggang sa sinimulan ko na magbasa sa aking isipan.

Mommy,

     I love you. Iyan ang unang salita na gusto kong mabasa mo sa sulat kong ito. Mom, pasensya na kung hindi ko nasabi sa iyo ito nang harap-harapan, sa totoo lang nahihiya ako. Mommy, I want to hug you, I want to kiss you and I wanted to say I love you, ngunit hindi ko iyon nagawa dahil nahihiya ako. Bakit ganun ‘no? Kung kailan matanda na kami nahihiya kaming sabihin sa magulang namin na mahal namin sila. Masama na ba akong anak kung hindi ko masabi sa iyo iyon nang personal? But mom, huwag mong iisipin na hindi kita mahal ha, mahal na mahal kita tandaan mo iyan.

WITHOUT YOU [ZEROL UNIVERSE BOOK#2] (COMPLETED ✅)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon