CHAPTER 26
[DISAPPOINTMENT]***
CHAD.
Hindi mabura ang malapad na ngiti sa aking labi habang naririnig ko ang paghihikahos nang bawat salitang binibitawan ni Aerol. Kita naman sa reaksyon ni Zero ang pagtataka niya sa sinasabi nang kaniyang asawa.
Kaibigan? Itinuring mo akong kaibigan ngunit wala kang kaalama-alam sa bawat kilos ko ay hinihiling kong pahirapan ka. Kulang pa ito sa ginawa ni Zero sa taong mahal ko, tandaan mo at iisa-isahin namin kayo.
“Gusto kong sabihin sa iyo na sana ako pa rin, sana ako na lang, sana ako na lang ulit.”
Pagkatapos banggitin niya ang linyang iyan ay kaagad siyang tumakbo papalayo sa amin. Napansin kong si Zero ay plano niyang sundan ito ngunit pinigilan ko siya sa paghakbang nito.
“S-saan ka pupunta?” tanong ko sa kaniya na may tonong halong takot at pangamba. Gagamitin ko muna ang acting skills ko para naman magmukhang makatotohanan.
Hindi siya makasagot bagkus ay pabalik-balik ang tanaw niya kay Aerol at sa akin. Inunahan ko na kaagad para magmukha akong kaawa-awa sa kaniya. “Please, ituloy natin ang kasal,” sabi ko sa kaniya ngunit hindi ko inaasahan ang pag-alis ng kamay ko sa pagkakahawak sa kaniya.
“Zero! Zero!” Kumaripas siya nang takbo patungo kay Aerol. Naiwan akong mag-isa sa harapan ng maraming tao habang sinusundan ng groom ko ang ibang tao. Nagsimula na ang ingay sa paligid habang pinag-uusapan nila kami, hindi ko na pinansin iyon at kaagad kong hinabol ang bawat yapak ni Zero.
Nakarating ako sa Building B nang eskuwelahan— walang tao, ang tanging naroon lang ay si Aerol at Zero. Malayo ang agwat nila sa isa’t isa, nanatiling nakatayo si Aerol habang suot ang mascot na nakatalikod ito sa amin, tinawag siya ni Zero upang makuha ang atensyon nito.
“Sino ka?” tanong ng aking groom sa isang pusa. Marahan na umikot paharap ang mascot na katapat niya at hindi ko lubos akalain na plano niyang umamin kung sino ba talaga siya.
Hindi ito maaari.
Hindi ako papayag!
Hindi pupwede!
Masisira ang plano namin…
Kailangan sila ang dapat sirain.
Sisirain ko sila.
Papatayin ko siya sa pamamagitan ng sakit na mararamdaman niya.
Plano na niyang tanggalin ang nakatakip sa ulo niya.
Ayan na…
Kaunti na lang at makikita na ni Zero siya.
Hindi ito pwede!
Ayan na!
Makikilala na siya!
Hindi ako makakapayag…
Hinding hindi!
Bago man tuluyang makita siya ni Zero ay kaagad ko itong hinatak paharap sa akin at sinunggab ang kaniyang labi. Alam kong kitang kita ito ni Aerol na tila hindi makapaniwala sa aking ginawa, mas pinagbutihan kong saktan siya kaya’t ginapos ko ang aking mga bisig sa batok ng lalaking kahalikan ko.
Siya ang unang kumawala sa aking paghalik, ngunit laking pagtataka ko kung bakit lumuluha ito.
“A-anong problema?” tanong ko sa kaniya ngunit ang tanging ginagawa nito ay pilit niyang pinapawi ang mga luha niya.
BINABASA MO ANG
WITHOUT YOU [ZEROL UNIVERSE BOOK#2] (COMPLETED ✅)
Romance91 DAYS WITH YOU BOOK 2 ‼️ Iba't iba ang dahilan kung bakit naghihiwalay ang dalawang taong nagmamahalan. Pupwedeng may mahal na itong iba, walang oras sa isa't isa, toxic na ang pagsasama o hindi na masaya. Maraming klase at maraming dahilan, nguni...