CHAPTER 07
[MY DREAM OR HIM?]AEROL.
“Besh, nasaan ka ba?” tanong ni Hailey sa akin sa kabilang linya.
“Nandito ako sa shop ni Onn, punta ka please.”
“Sige, sige, hintayin mo ako diyan.”
Ibinaba ko na ang tawag at sumubsob ako sa table na kaharap ko. Napabuntong hininga na lang dahil sa pagkadismaya.
“Coffee.” Pag-aalok ni Onn sa akin at inilapag yung kape malapit sa mukha ko.
“Bawal, water na lang ako.” Mahinang sabi ko sa kaniya. Kinuha nito muli ang kape at umalis sa harapan ko. Lumapit naman sa akin si Hash na may dalang tuwalya at ipinatong ito sa likuran ko.
“Hulaan ko, epic failed?” tanong nito. Pumikit ako at ngumuso kasabay ng pagtango sa kaniya.
“Kung sana ako yung napili mo baka mamaya mas effective pa yung pinagawa ko. Imagine, pinasayaw ka ni Theo na parang baliw sa tapat nang building nila Zero.”
Natahimik bigla si Hash sa pagra-rant sa akin nung narinig nito ang kantang Swalla. Napatingin kami sa kabilang direksyon na kung saan may dalawang babae na pinanonood ang isang video na kumalat sa social media.
“Hindi ka lang ginawang baliw, sikat ka pa!”
“Hash, anong gagawin ko?” Nanlulumong tanong ko sa kaniya.
“Water.” Narinig ko naman ang boses ni Onn at inilapag ang baso sa table na ito.
“Kung ako sa iyo yung plano ko na lang,” sagot naman ni Hash sa akin. “Huwag kang mag-alala, kilala ko si Zero at alam ko kung ano mga kinaiinisan niya.”
“Baka mamaya mahirap iyan ha.”
“Hmmm. Hindi naman.”
“Kaya mo pa ba?” tanong naman ni Onn kaya napalingon ako sa kaniya. Ngumiti ako at tumango.
“Ito na eh, susukuan ko pa ba.”
“Eh, paano kung ikaw ang hindi niya sukuan?”
Nahinto naman ako sa sinabi nito. What if kung hindi ako sukuan ni Zero? Hindi ito pwede! Ayokong magkabalikan pa kaming dalawa.
“Guys, sorry ngayon lang me.” Napalingon naman ako nung narinig ko ang boses ni Hailey. Lumapit naman ito sa kinaroroonan namin at umupo sa tabi ko.
“Basang basa? Sino ka diyan?”
“Patuyo na nga ako eh.”
“Base sa itsura mo, mukhang hindi ka nagtagumpay. Hahahaha!”
“Te, nakakainis! Imbis na ma-turn off siya sa akin mas natuwa pa ito na nakita akong sumayaw.”
“Baka naman kasi first time niyang nakita kang sumayaw.”
“Oo.” Mahina at nahihiyang sagot ko sa kaniya.
“Ah, kaya,” sabi naman ni Hash at napapitik pa ito.
“Effort.” Isang salita na narinig namin mula kay Onn. “Kaya siguro siya natuwa dahil first time niya lang nakita na ginawa mo iyon sa kaniya.” Pagpapatuloy nito.
BINABASA MO ANG
WITHOUT YOU [ZEROL UNIVERSE BOOK#2] (COMPLETED ✅)
Romance91 DAYS WITH YOU BOOK 2 ‼️ Iba't iba ang dahilan kung bakit naghihiwalay ang dalawang taong nagmamahalan. Pupwedeng may mahal na itong iba, walang oras sa isa't isa, toxic na ang pagsasama o hindi na masaya. Maraming klase at maraming dahilan, nguni...