WITHOUT YOU
written by: Rodniverse
[ZEROL UNIVERSE #BOOK2]Copyright © by Rodniverse (2020)
ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including, photocopying, recording, or by and information storage and retrieval system, without the written permisson of the author, except where permitted by law.
DATE STARTED: December 16, 2020
DATE FINISHED: April 09, 2021***
[PROLOGUE]
ZERO.
<video recording>
“Good morning, mister ko!” Every morning ganiyan ang parating inaatupag ni Aerol, kundi video-han ako habang masaya niya akong ginigising.
“Misis ko, I’m still sleepy,” sabi ko sa kaniya ngunit hindi ito nagpatinag at patuloy pa rin siya sa pagkuha ng video sa akin.
“Bangon na, bangon na. It’s time to work.”
“I have still five minutes.”
“Bawal ma-late ang isang producer.”
“Grrr!”
Gaya nang narinig ninyo, isa akong producer. Hindi man natuloy ang pagiging tagapagmana ko sa DS Corporation, naging sikat na producer naman ako sa bansa. Nagsimula akong magtrabaho sa TMP after ko gumaduate ng college. Tinulungan ako ni Direk Cath este tita Cath na makapagtrabaho sa team nila. Pinalad ako gaya ng nakikita ninyo sa posisyon ko ngayon. Si Aerol naman dalawa ang trabaho nito ngunit mas pinagtunan niyang pansin ang pagiging musikero dahil ito ang ibinigay sa kaniya. Kinahiligan niya ang musika at hindi nawala ang pagiging Ben&Ben fever niya.
Parating bumubungad sa akin ang matatamis niyang ngiti tuwing umaaga para gisingin ako. Routine na niya iyan. Hawak-hawak nito ang video recorder sa umaga para lang batiin ako. One time I asked him, bakit niya ginagawa ang pagre-record sa akin everyday. He said, “Para balikan ang mga alaala, baka kasi sa susunod… hindi na natin ito mabalikan.” Hindi ko makuha kung ano ang tinutukoy niya rito, pero kita ko naman na masaya siya sa ginagawa niya kaya hinahayaan ko lang siya.
Nasanay na ako sa palagi niyang ginagawa. Gaya ngayon, tinutukok niya sa akin ang recorder habang nagtu-toothbrush ako.
“Doggy, bark!” Abnormal. Hilig niya akong patahulin dahil pang-aso ang tawag niya sa akin. Hindi bale, mahal ko naman siya kaya kahit anong itawag niya sa akin ay ayos lang.
“Hey yow, misis ko.” Iniwan naman niya ang camera kaya ginamit ko ito at vini-video-han ko ang pagtae niya. “Weh, ang baboy!” Kinabig ko ang pintuan para masilip ko siya habang nakaupo sa trono. “Ang baho ha, amoy tae!” Pagbibiro ko sa kaniya. Ganiyan kami magmahalan at maglambingan, idinadaan namin sa biruan ngunit parehas din kaming napipikon. Well, madalas akong mapikon dahil maikli lang talaga ang pasensya ko… Noon. But now, nagbago na ako para intindihin siya sa abot ng aking makakaya.
<video recording>
“Mahal ko,” tawag niya sa akin habang nagsusuot ako ng sapatos. “I love you,” aniya. Tinutok niya sa akin ang camera at inaabang ang sagot ko. “K.” Mapang-asar kong sagot kaya’t binato ako ng unan nito. “Maga-I love you too ka o bubugbugin kita?” Kita mo asar talo talaga. “Charot lang ’to naman. I love you too po,” sabi ko sa kaniya at lumapit ito sa akin.
“Siya nga po pala ang asawa kong si Zero.” Masaya niyang itinuro ako sa harapan nang camera.
“Mahal kong Zero.”
“Aking Aerol.”
Nanatili pa rin na hawak-hawak niya ito habang nakatutok sa akin.
“Mahal kita.”
Ang sarap pakinggan na animo’y musika ito na paulit-ulit na tumutunog sa aking tainga. Mahal ko siya, mahal niya ako, ngunit...
Bumaligtad ang mundo.
Sa araw-araw niyang ginagawa ito sa akin. Sa araw-araw niya akong pinapasaya at pinapakilig. Sa araw-araw niya akong ginigising tuwing umaga. Sa araw-araw niya akong sinasabihan nang, ‘mahal kita’.
Nagising na lang ako isang araw na…
Hindi na niya ako mahal.
Everything is fine. Walang dahilan para lokohin namin ang isa’t isa o ’di kaya magsakitan kaming dalawa. Wala… as in wala. Parati kong pinaparamdam sa kaniya na mahal ko siya ngunit sabi nga nila; Huwag kang makampante kung mahal ka niya dahil hindi habang panahon mananatili nasa tabi mo siya. Totoo nga… at naranasan ko ito sa kaniya.
Ang hirap hulaan kung ano ang dahilan kung bakit niya ako iniwan. Oo, may oras na hindi kami nakakaintindihan ngunit sa sitwasyon namin noon, after that party ay nagising na lang ako na hiwalay na pala kaming dalawa.
Naranasan mo ba itong nararamdaman ko?
Yung pinaramdam niya sa’yo na mahal ka niya ngunit siya pala ang unang bibitaw at mawawala.
Kung bibigyan lang ako ng pagkakataon para balikan muli ang simula para maitama ko ang mali na nagawa ko sa kaniya, siguro ginawa ko na.
Kaso hindi na maibabalik ang dating istorya na ibinigay sa amin.
Dahil ang istoryang ito ay tungkol sa pagmamahal na gigisingin ka sa katotohanan…
Susubukan ang iyong katatagan...
Papakiligin ka na may halong kalokohan…
Papaiyakin ka hanggang katapusan…
At
Papaiyakin ka ulit hanggang sa ayaw mo nang umulit.
Pag-isipan mong mabuti kung itutuloy mo pa ang pagbabasa nito kung hindi ay manatili ka na lang maging masaya sa kung anong meron ka.
At iyong pakatandaan hanggang sa matapos mo ang pagbabasa…
Ang istoryang ito ay…
Likha naming dalawa.
BINABASA MO ANG
WITHOUT YOU [ZEROL UNIVERSE BOOK#2] (COMPLETED ✅)
Romance91 DAYS WITH YOU BOOK 2 ‼️ Iba't iba ang dahilan kung bakit naghihiwalay ang dalawang taong nagmamahalan. Pupwedeng may mahal na itong iba, walang oras sa isa't isa, toxic na ang pagsasama o hindi na masaya. Maraming klase at maraming dahilan, nguni...