CHAPTER 29 [I Love You, I'm Sorry]

205 27 24
                                    

CHAPTER 29
[I LOVE YOU, I'M SORRY]

***

KENNO.

Wedding day! Narito kami ngayon sa isang hotel na malapit sa simbahan. Dito kami nag-ayos dahil sabi sa amin na kung sa bahay pa baka kulangin kami sa oras. Nung nabakante ako ay naisipan kong puntahan si Xierra sa kaniyang kuwarto kaya’t dumiretsyo ako roon.

“Xierra? Xierra!” Kinakatok ko ang kaniyang pintuan at ilang sandali'y bumukas ito.

“Kenny, anong ginagawa mo?” Nagtatakang tanong niya sa akin at kaagad ko naman itong hinatak papasok sa loob nang kaniyang kuwarto.

“Ready ka na ba?” tanong ko sa kaniya.

“Ready saan?”

“Yung plano.”

“Baka mapahamak tayo niyan, Kenny?”

“Akala ko ba okay na nung nag-usap tayo kagabi?”

“I know but iniisip lang kita, baka ikapahamak mo ito.”

“You know how miserable my life hindi ba? Xierra gusto ko nang kumawala roon.”

“Yes I know pero sa tingin mo makakatakas ka sa gagawin ninyo?”

“Magtiwala ka lang.” At niyakap ko siya ng mahigpit. “I love you.” Tsaka ko siya hinalikan sa noo.

Lalabas na ako sa kaniyang kuwarto ngunit natigil ako nung muli niya akong tinawag. “Kenny, wait!” Nilingon ko naman siya. “Alam mo bang bawal magkita ang groom at bride bago magsimula ang kasal?”

“I know.” At nginitian ko siya. “Isusugal ko na ito para sa kalayaan ko.”

Desidido na ako sa aming plano at may tiwala ako sa Casanova's. Ang hindi namin kasama ay si Zero dahil ayaw namin makadagdag pa sa iisipin nila ni Aerol. Tinawagan ko sa kabilang linya si Travis at naka-set up na ang lahat sa gagawing eksena mamaya.

Hindi katagalan ay dumating na ang oras ng kasal. Nauna kami sa simabahan gaya ng tradisiyon dito sa pinas. Panay tingin ako sa aking orasan dahil maya-maya’y darating na ang aking bride.

“Excited, huh?” Ramdam ko ang pagiging sarcastic ni Dad nung sinabi niya iyon ngunit hindi ko na lang pinatulan. “Be ready.” Dagdag niya.

Bukas ang pintuan ng simbahan at narinig namin ang sasakyan na pumarada rito. Nagtayuan ang iilang bisita upang makita ang bride.

“Omg! Ang ganda niya!”

“Isa siyang diyosa.”

“Mali ka. Isa siyang anghel.”

“Bagay na bagay sila ni Kenedicto.”

“Napakaswerte nila.”

“Naiinggit ako!”

“Mas bagay kami ng groom.”

“Echusera ka kita mong ikakasal na!”

“Paki mo ba?”

Nung bumaba nang sasakyan si Xierra ay dala nito ang bridal bouquet niya. Napakaganda niya at walang kakupas-kupas. Sumasayad sa lupa ang mahaba niyang wedding gown habang nakangiti itong papasok sa loob ng simbahan ngunit…

“Itaas ang kamay!”

Nagsigawan naman ang mga bisita nung dumating ang mga armadaong lalaki na nakasuot ng pulang jumpsuits at naka-Dali Mask. Bigla kong naalala ang Money Heist sa kanilang outfit dahil hindi naman ito ang napag-usapan.

WITHOUT YOU [ZEROL UNIVERSE BOOK#2] (COMPLETED ✅)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon