CHAPTER 40 [The Real Death Of Justine]

216 24 8
                                    

CHAPTER 40
[THE REAL DEATH OF JUSTINE]

CLIMAX PART I

***

HAILEY.

Nakakagat ako sa aking kuko habang nag-aalalang tumatawag kay Zero. Pabalik-balik ako sa paglakad na para bang nababaliw sa sobrang takot.

“Ano sumagot na ba?” tanong ni Maria na punong puno nang pag-aalala.

“Hindi pa rin.” Matamlay kong sagot.

“T-teka, tatawagan ko.”

Sinubukan naman ni Onn na tawagan si Zero ngunit hindi pa rin ito sumasagot. Tinawagan rin nila Travis at Hash ngunit wala pa rin. Halos lahat kami ay kinakabahan kung bakit hindi sinasagot ni Zero ang tawag namin sa kaniya kaya naisipan ni Onn na i-message na lang ito at lahat kami ay tutungong ospital.

“Guy, let's go.” Pag-aaya ni Onn sa amin.

“Should I print this photo?” tanong ni Denver. “O ipakita na natin ito sa pulis?” Iniharap nito sa amin ang litrato ni Kyle maski na rin ang kuya nito na si Justine.

“Wait.” Bigla kaming napatingin sa taong nagsalita sa aming likuran. “S-Si Justine Ryle Abalos ba iyan?” Nangangatog na tanong nung isang lalaking customer.

“Who are you?” tanong ko sa kaniya. Ni isa walang nakakakilala sa lalaking ito ngunit laking gulat namin ay kilala niya ang Casanova’s Empire.

“I-ikaw si Onn.” Tinuro naman niya ang lalaking katabi ni Denver. “I-ikaw naman si Hash.” Turo naman nito sa taong nasa likuran ko. “At ikaw si…” Nangatog naman ang kamay nito na may dalang baso. Base sa kaniyang eksena kanina ay para bang kakagaling lang nito sa counter at napadaan lang siya sa aming puwesto ngunit nahinto siya nung nakita ang mukha ni Justine. “I-ikaw ang akala nilang pumatay kay J-Justine.”

“Excuse me, kilala ka ba namin?” tanong ni Hash sa kaniya.

“S-sorry. I-I have to go.” Para siyang takot na takot kaya nung paalis na sana ito ay bigla niyang naitapon ang dala niya sa nakabunggo nito. Nagmadali siyang tumungo sa kaniyang upuan at kinuha ang gamit nito’t kumaripas ng takbo upang hindi namin mahabol.

“Sundan niyo siya!” Utos ni Onn at kaagad kumilos ang mga lalaki naming kasama.

“T-teka, bakit niyo pinapasundan eh hindi natin siya knows?” tanong ko naman.

“Hailey, isipin mo— nung nakita niya ang litrato ni Justine ay para bang may alam siya sa pagkamatay nito at ang nakakapagtaka pa ay kilala niya kami.”

“Sh*t oo nga!” Pagsang-ayon naman sa kaniya ni Maria. “Kailangan talaga mahabol natin siya.”

Kumunot ang noo ko at huminga ng malalim. Hindi ako makakapayag na hindi mabibigyan nang hustisiya ito. Kinuha ko naman ang laptop na nakapatong sa lamesa saka ko sinabing…

“Let’s go!”

***

HASH.

Habol hininga kami dahil sa kakatakbo nung sinundan namin ang lalaking nakakakilala sa amin. Takang taka kaming lahat na kung bakit hindi lang kami ang kilala nito maski na rin si Justine.

“Hoy, tumigil ka!” Sigaw ni Theo sa kaniya.

“Huminto ka!” Sigaw rin ni Denver.

WITHOUT YOU [ZEROL UNIVERSE BOOK#2] (COMPLETED ✅)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon