CHAPTER 22
[LOVE IS KILLING ME](A/N: Before you read this chapter, kindly download or listen WALANG IBA by: EZRA BAND when It comes to AEROL’S POV)
***
<FLASHBACK>
[A WEEK BEFORE PARTY]AEROL.
“Besh, sorry I’m late.” Maarteng sabi ni Hailey sa akin sabay beso.
“Pumokpok ka na naman ‘no?”
“Hoy echusera ka! Sinusustentohan ako ng jowa kong afam, huwag ka.”
“O siya sige na at pumasok na tayo sa loob.”
“Bakit kasi may pa Meeting de Abanse ka?”
“Malalaman mo mamaya.”
Noong nakita ko na ang mga kaibigan ko ay binati kaming dalawa ni Hailey. Narito kami sa Resto bar ni Onn at nagtipon-tipon, kumpleto ang lahat pwera lang kay Zero at Kenno, kaya wala si Kenno dahil nasa ibang bansa ito.
“Mr. Delos Santos!” Nakangiting bati ni Onn.
“Baka, Mrs. Delos Santos.” Pang-aasar naman ni Theo.
“Sakalin kita riyan,” sabi ko.
Nagsimula na ang kaingayan ng paligid at kaniya-kaniya na silang salitan ng salita. Habang tinititigan ko sila ay napapangiti na lang ako dahil naging parte sila ng buhay ko, hindi ko akalin na malayo na ang aking narating at natagpuan ko ang ikalawang pamilya ko na ito.
“Shatap!” Sigaw naman ni Hash at lahat sila ay natigil sa pagsasalita. “So, bakit mo kami pinagtipon-tipon, anong meron?”
“Tsaka sa lahat ba naman ng nawawala rito, bakit si Zero pa?” tanong ni Onn.
“Siguro may surprise ka sa kaniya ‘no?” Paninigurdo ni Omar.
“Ay oo tama ka, Omar! Malapit na kasi Anniversary nila.” Pagsang-ayon naman ni Denver.
“Ayiieeeee.” Pang-aasar ni Theo.
Pumagitna na si Hailey upang matigil ang kani-kanilang sinasabi. “Guys kalma, isa-isa lang. So Aerol, ano bang meron at bakit mo kami pinagtipon-tipon lahat?”
Natahimik naman ako sandali. Inisip ko pa rin kung tama ba itong gagawin ko pero hindi naman ito para sa akin, kundi sa kapakanan ni Zero.
“Guys, I need your help.”
Nakatutok naman silang kahat sa akin inaabangan ang susunod kong sasabihin. Huminga ako ng malamin at pumikit hanggang sa nag-flashback lahat nang nangyari sa amin ni Zero mula sa simula noong nakilala ko siya, sa mga panahong nagkakainisan kami, sa mga pagsubok na pinagdaanan namin at hanggang sa ikinasal kami. Sobrang sarap sa pakiramdam dahil yung taong minahal ko ay mahal na mahal ako ngunit naisip ko na... kung totoong mahal ko siya ay hindi ko hahayaan na masaktan siya habang kasama niya ako. Gusto kong maging masaya siya, gusto ko magkapamilya siya at magka-anak, gusto ko mamuhay siyang normal at lahat ng gagawin kong sakripisyo ay para sa kasiyahan ng taong mahal ko.
“Tulong saan?”
“Tulungan niyo akong...” Nahinto ako sandali at naglakas loob akong i-confess ito sa kanila.
“Makipaghiwalay kay Zero.”
“Ano!?” Lahat sila ay iisa ang reaksyon dahil sa pagkabigla.
BINABASA MO ANG
WITHOUT YOU [ZEROL UNIVERSE BOOK#2] (COMPLETED ✅)
Romance91 DAYS WITH YOU BOOK 2 ‼️ Iba't iba ang dahilan kung bakit naghihiwalay ang dalawang taong nagmamahalan. Pupwedeng may mahal na itong iba, walang oras sa isa't isa, toxic na ang pagsasama o hindi na masaya. Maraming klase at maraming dahilan, nguni...