CHAPTER 24 [Being Gay Is Not A Disease]

166 23 3
                                    

CHAPTER 24
[BEING GAY IS NOT A DISEASE]

***

KENNO.

Pagkababa ko mula sa kuwarto ay sumalubong sa akin si Dad na kasama si Mr. Chen, ang ama ni Xierra.

“Ni hao.” (Hello) Tipid kong bati ko sa kaniya.

“Kenno, my son!” Malapad ang ngiti nito nung nakita ako, pinilit ko na lang ngumiti para hindi ako magmukhang suplado. Lumapit siya sa akin at niyakap ako. “Long time no see.”

“Long time no see too, uncle.”

“Oh, anak, kakagising mo lang ba?” tanong ni papa sa akin na akala mo may pakialam sa akin.

“Opo.”

“Parating na rin si Xierra mamaya, dito na sila magdi-dinner.” Pahayag niya sa akin.

“I guess na-miss mo na ang unica hija ko.” Hindi mawala sa mga ngiti Mr. Chen ang saya dahil sa nalalapit naming kasal nang kaniyang anak.

“O-opo naman.”

“Yah! I told you, mahal na mahal ni Kenno si Xierra. Bata pa lang sabay na silang lumaki hindi ba?” Proud pang sabi ni papa.

“I know, Nicolas. Kung maaari lang sana ipabukas na kaagad ang kasal.”

“Hahaha! Me too, but— mas maganda siguro kung mismong December 24 na para salubong ng pasko.”

“Well, sabagay kaunting araw na lang ay magpapasko na.”

“K-kaagad po?” Pagtataka ko.

“H-hindi mo ba nasabi sa kaniya, Nicolas?”

“Huh? N-nagbibiro lang ang anak ko, alam niya iyan dahil araw nang kasal nila ni Xierra, hindi ba, Kenno?” Pinanlakihan naman ako nang mata ni dad na nagsasabing sumang-ayon ako.

“Opo.” Tipid kong sagot sa kanila.

Lumipas ang oras habang magkasama sila papa at uncle ay nasa terrace lang ako, nagsindi ako ng sigarilyo dahil napapaisip ako kung anong klase ang maaari kong planuhin upang hindi matuloy ang kasal.

Napabuntong hininga ako dahil hindi sinasagot ni Xierra ang tawag ko, naisipan ko naman tawagan si Travis.

“Pre, nasaan ka?” tanong ko.

“Nasa bahay bakit?”

“Pwede ba akong pumunta riyan?”

“Pwede naman kaso maya-maya papasok na rin ako sa trabaho.”

“Sige pupunta ako para lang makalayo rito.”

“May problema ba?”

“As always, hindi na nawalan.”

“Sige pre, punta ka na lang dito.”

Inubos ko saglit ang natira kong yosi at naglakad papasok sa loob, habang patungo akong kuwarto ay nakasalubong ko si dad sa hallway.

“Dad, can I have a favor?”

“Ano?”

“Pwede ko bang imbitahan mga kaibigan ko sa kasal namin?”

Hindi kaagad siya nakapagsalita at hinatak niya ako patungo sa dulong parte ng daanan upang walang makarinig sa pinag-uusapan namin.

“Are you out of your mind? Siyempre hindi! Lalo na yung dalawang bakla mong kaibigan.”

WITHOUT YOU [ZEROL UNIVERSE BOOK#2] (COMPLETED ✅)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon