♥Chapter 26:What about US?♥

137 9 0
                                    


Samantha's POV

Araw-araw na kaming magkakasama ng twins at ng nga bestfriends ko. As usual hinahabol pa rin sila ng mga lalaki pati tuloy kami nadadamay. Lumalabas din kami minsan ni Harrows. Nililibre niya ko madalas. Pero hindi ko lang lubos na maisip, bakit sa tinagal-tagal na nung nangyari yun eh hindi ko parin makalimutan yung pangyayari na yun.

Pag nakikita ko si Maica she just gives me a grin. A grin na parang nangaasar na kinaiinisan ko at kinamumula ng pisngi ko, feeling ko nga eh buong mukha na.

Pag nakasalubong ko naman si Dhane eh ako agad ang iiwas. Tas titigil siya sa paglalakad niya para tignan niya ko. Ayan ang lagi niyang ginagawa pag magkakasalubong kami.

Ang look ni Dhane nagbago na, naging badboy look na. Ang dati niyang buhok na nakababa na akala mo'y dinilaan ng baka eh nakatayo na at may kulay na din. Mapapansin mo din yung itim sa ilalim ng mata niya na tila'y malalaking eyebags. Meron na din siyang hikaw sa left na tenga. at palagi na ding tulog sa klase. Ang laki ng pinagbago noh? buti nalang hindi siya iniwanan nina Jerome at Lester.

Teka?!!! Concern ba ko sakaniya? Of course, mahal ko siya eh.

Pero bakit pa?? Pagkatapos ng ginawa niya saken??? Magiging concern pa ko sakaniya.

Naglalakad ako ngayon dito magisa sa park malapit sa Bahay namin. 5pm na at di masyadong tirik ang araw.

Umupo ako sa swing habang pinagmamasdan ang dalawang bata na nasa slide, unang nagpadulas yung batang babae tapos eh nasubsob siya kaya dali daling nagpadulas yung batang lalake at tinulungang tumayo. Umiiyak pa din yung batang babae, tinanggal nung batang lalake yung towel niya sa likod at pinunasan ang dugong nasa tuhod ng batang babae.

Ang sweet :)

Pagkatapos kong makita ang scene na yun ay bigla kong napayuko. Naaalala ko si Dhane. Ganyan kami kasweet. Dati :( Namimiss ko na siya.

Nang may mapansin akong naglalakad papunta sakin.

Naka VANS na shoes siya, kilala ko to!

"Sam."

Kaya napatingin ako sakaniya.

"Anong kailangan mo?" Seryoso kong tanong sakaniya. Pero hindi pa rin ako nakatingin sakaniya.

To be continued .......

-----------------------
This is my update for today! Sorry kung natagalan :3

akala ko di na lalagpas ng 5k. Pero mali pala! 6k na ang reads! Yehey! :D Nakakataba ng puso! Sobra! :'))

Sino kaya ang kausap ni Sam?

Sino ang naka VANS na sapatos?

Bakit kaya VANS ang sinabing sapatos ni missxcz otor, bakit di nalang NATASHA?

Sino ba ang otor neto at ang daming tanong? XD

Hahahahaha! XD

Vote.Comment.Follow.

-Glybee4ever

Nang dahil sa SELOS.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon