♥Chapter 18:Christmas Eve♥

173 11 0
                                    

Pagkagising ko wala na sa tabi ko si Mom

Naghilamos muna ko at nagtoothbrush bago lumabas ng kwarto.

"MOM? DAD? KUYA?"

Walang sumasagot.

Pagkababa ko, dumiretso akong Kitchen nakita ko si manang naghahanda ng pagkaen

"Ah, iha kain ka muna."

"Thank you po." Tapos umupo na ko

"Nasaan po sila kuya?"

"Si kuya mo di ko alam kung saan pumunta, sina Mommy at Daddy mo pumuntang Mall. Isasama ka nga daw dapat nila kaso tulog na tulog ka daw."

"Ah ganun po ba. Salamat." Sabi ko saka kumain

Pagkatpos ko kumain bumalik ako sa kwarto at humiga sa kama

*bzzzzt*

From: Dhane

Maica, kita tayo mamaya. May sasabihin ako sayo :)

Psh. Ba't nakakaramdam ako ng S-selo---

Ano ba 'tong pinagsasasabi ko??

*bzzzzt*

From: Dhane

Ayy sorry! Wrong send! Para kay Maica yun.

Psh -__- kailangang ipaglandakan na para kay Maica talaga yun.

*bzzzzt*

From: Joshua

Babe, sunduin kita mamayang 5pm diyan. May pupuntahan tayo.

Nagreply nalang ako ng 'Okay' kay Joshua.

Bakit parang ganun?? Iba yung naging reaction ko nung nagtext si Dhane kesa sa reaction ko nung nag text si Joshua??

Tama ba na ituloy ko pa yung panloloko ko kay Joshua??

Tama bang gawin kong panakip butas si Joshua??

Arghh! Ang tanga mo Sam!! Mahal ka ng tao pero bakit di mo kayang suklian yung pagmamahal na pinapakita niya sayo Sam!

---------------------

Vote.Comment.Follow

-Glybee4ever

Nang dahil sa SELOS.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon