♥Chapter 21:New Year, New Beginning♥

234 12 0
                                    


Bigyan naman natin ng chance si Dhane! Hahaha eto na ang POV niya. Enjoy :')

Dhane's POV

Ang bilis ng taon. Malapit na mag New Year. 4 na oras nalang 12:00 na. Ano kayang pwedeng i-New Year's Resolution? Ay, wag nalang pala. Hindi ko naman natutupad eh. Kung tinatanong niyo kung kamusta na kami ni Maica? Ayun, nakakabwisit parin -___- inamin niya na nga pala sakin na tuluyan na siyang na-fall para sakin. Ako? No comment. Nakakainis kase. Masyado niyang sineseryoso yung pagpapanggap namin. Alam niya namang si Sam lang ang gusto ko.

Saan kaya pwede mag New Year ngayon?? Nakakatamad dito sa bahay eh.

"Anak, maghanda ka ng gamit mo, pupunta tayong Sierra Madre." Sabi ni papa

"Saan yun?" Tanong ko

"Basta. Magayos ka na lang ng gamit mo, overnight tayo doon." Sabi naman ni mama

Kaya napilitin narin akong magayos ng gamit ko. Na curious tuloy ako kung anong itsura nun. Maganda ba dun? -__- pangalan pa lang parang di naman -___- May madre? Edi may padre din? Tss. Oo na, ako na corny -___-

Natapos na kong maayos ng gamit ko mga bandang 7:30pm. Pagdating ko ng kitchen saktong nagaayos na ng dinner si Mama. Kaya tinawag ko na si Papa para sabay-sabay na kaming mag dinner. Pagkatapos namin ay umalis na kami, mga katulong nalang ang naiwan sa posporong bahay namin. Ayy! Mali pala. Mansyon'g bahay pala :D palag ka pa? Wag na.

Habang nasa biyahe kami, nakaramdam ako ng antok kaya natulog nalang muna.

Nung naalimpungatan ako saktong nagpapark na ng kotse si Papa. Kinuskos ko yung mata ko kase mejo blurd pa yung paningin ko. Pagkababa ng kotse ay dumiretso na kami sa room Mindoro.

Nakapagpareserve na pala sila, 2 king sized bed ang tumambad saken, ayos yung CR may bathtub. Parang Jacuzzi. Ayos talaga to! Pagkatapos kong ipasok ang mga gamit ko, lumabas ulit ako para maka-amoy ng fresh air.

Pambihira! Brrrrr. Ang lamig! Kaya napilitan akong kunin yung jacket ko dun sa loob ng room. ayan! Ayos na ko. Mejo makapal naman yung jacket ko. Nung may napansin akong babae doon sa swing.

O____O

Hindi kaya multo 'to? Tss -__- Dhane naman, kalalaki mong tao takot ka sa multo? -__- mas nakakatakot nga yung multo dun sa Slenderina eh -___- Tss.

Mukhang pamilyar yung mukha niya saken kaya nilapitan ko. Pero hindi ko makita kase nakayuko siya tas nakaharang pa yung buhok niya sa mukha niya.

Teka! Bakit siya umiiyak?

"Bakit ka umiiyak?" Tanong ko dun sa babae.

"Wala to." Sabi niya sabay punas sa mata niya. Tapos tumingala siya.

O_____O

Pambihira! Kaya pala pamilyar siya saken! Yung kapag malayo kilalang kilala ko na siya!

"Sam?/Dhane?" Sabay naming sabi.

"Anong ginagawa mo dito??? / Anong ginagawa mo dito???" Sabay ulit naming sabi

"Sige mauna ka." Sabi niya

"Hindi na. Mauna ka na. Ladies first." Sabi ko

"Sige na nga, uhm. Magbabakasyon kase kami. Dito kami mag New-new Year. Ikaw? Sino kasama mo?" Sabi niya

"Bakasyon din kami ni mama at papa. Bakit ka nga pala umiiyak kanina?" Tanong ko ulit

"Ahh. Yun? Wala, kadramahan ko lang yun." Sabi niya saka aakmang aalis na pero hinawakan ko yung kamay niya

Nang dahil sa SELOS.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon